After one year....
Touchdown Philippines....
Last year ay umuwi na sina Daddy dito sa Pilipinas kasama sina kuya Tyrone at kuya Neil pati narin ang mga pamilya nila. Si Ate Sabrina lang ang naiwan sa Australia na kasama ko. At ngayon nga ay kami naman ang pinauwi ni Daddy at si Kuya Tyrone naman ang pinapabalik niya sa Australia next month para patakbuhin ang negosyo namin doon.
Sa wakas nakabalik na din ako ng Pilipinas pagkatapos ng limang taon na paglalagi ko sa Australia. Gustong gusto ko ng pasyalan si Miles doon. Si lola ay sa susunod na linggo pa ang uwi dito.
"Ms. Sabrina, Ms, Sofia?" Anang isang babae doon na nakaformal attire na animo sa opisina nagtratrabaho.
"Yes?" Sagot ni Ate.
"Ako po yung inutusan ni Mr. Jacob Williams na sumundo sa inyo." Sabi ng babae.
"Call dad first so we can trust you." Sabi ni Ate.
Tumango ang babae at kinuha nga ang cellphone nito at tinawagan si Daddy. Iniloud speaker niya ito ng sumagot na si Daddy.
"Daddy?" Si Ate.
"Go with the lady infront of you. Your kuya Neil is busy kaya hindi niya kayo masusundo." Narinig naming sabi ni Dad.
"Okey." Sagot ni Ate Sabrina.
Iniend naman na ng babae ang tawag.
"Where's the car?" Tanong ni Ate sa babae.
"This way miss." Anang babae.
Kinuha ng dalawang lalake ang pushcart kung saan nakalagay ang mga maleta namin saka na kami sumunod sa babae. Nang makarating kami sa bahay ay masaya kaming sinalubong ng mga katulong.
"Welcome back Mam Sabrina at Mam Sofia!" Masaya nilang bati.
Ngumiti naman kami ni Ate.
"Yaya!" Sabi ni Ate at niyakap si Yaya Soledad.
"Ay naku mas lalo kang gumanda iha!" Sabi ni yaya sa kanya.
"Syempre naman yaya." Sabi ni Ate.
Tumingin sa akin si Yaya.
"Hi Yaya, kumusta ka?" Tanong ko.
"Aba'y ang laki ng pinagbago mo Sofia! Maganda ka na noon pero mas lalo ka pang gumanda ngayon." Sabi ni lola
Ngumiti ako kay yaya..
"Baka magtampo si Ate Sab yaya, baka bigla ako sabunutan niyan." Biro ko.
"Ah sige pareho kayong maganda." Bawi naman agad ni yaya.
"Hay naku yaya nagpapaniwala ka diyan kay Sofia, yan nga madalas mambully sa akin." Sabi ni Ate.
"Hey! Im not bullying you Ate, im just telling you the truth." sabi ko naman.
Nginusuan lang niya ako kaya napailing na lang ako. Kung sino pa kasi ang ate siya pa ang mas childish sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...