Chapter 10

4.7K 103 0
                                    


Sinundo ako ni Charles sa kuwarto ko kinabukasan ng bandang alas otso ng umaga. May na hire siyang kotse na maghahatid sa amin sa bahay na pinagtatrabauhan ni Mama.

Nang makarating kami doon ay si Charles na ang nag doorbell para sa akin. May isang babaeng sa tantiya ko ay mas matanda ng ilang taon kay Mama na nagbukas ng pintuan.

"Good morning." Bati ni Charles.

"Good morning sir. What can i do for you?" Tanong nito.

"Is there a woman working here names Elena Mendoza?" Tanong ni Charles.

"Pilipino kayo?" Tanong ng matanda sa amin.

"Yes." Sagot ni Charles.


"Magkababayan pala tayo. Mukha kasi kayong mga foreigner e. Lalo na to." Turo niya sa akin.

"Anak po ako ni Elena Mendoza, nandiyan po ba siya?" Tanong ko.


"Si Elena? Hindi na siya nagtratrabaho dito matagal na. Anim na buwan lang siya nagtrabaho dito tapos umalis na." Anito.

"Po? Pero hindi pa po siya umuuwi ng Pilipinas, may anim na taon na po." Sagot ko.

"Hindi mo pa ba alam ang tungkol sa Mama mo?" Tanong nito.

Umiling ako.

"Ano po ba ang nangyari sa mama ko?" Nag aalala kong tanong.

"Mukhang hindi mo nga alam iha. Ikaw ba yung anak niya sa australiano?" Tanong ulit ng matanda.

"Opo." Sagot ko.

"Sandali lang, isusulat ko na lang yung address ng Mama mo at ng sa kanya mo na lang malaman ang nangyari sa kanya." Anito.

Tumalikod ang babae at muling pumasok sa loob ng bahay. Ilang segundo lang at bumalik na siya at may inabot sa aking papel.

"Yan ang address ng mama mo. Diyan mo siga matatagpuan." Anito.

"Salamat po." Sabi ko saka na kami nagpaalam.


Iniabot namin ang papel sa driver ng kotse para ihatid kami doon. Nakaramdam ako ng kaba. Lumipat ba ng pinagtratrabauhan si Mama?


Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng isang bahay. Maganda ang bahay na yon kesa sa una naming pinuntahan.

"Only rich people live in this kind of house." Sabi ng driver ng kotse.


Bumaba kami ni Charles at nag doorbell. Isang babae na nasa tantiya ko ay nasa edad na trenta ang nagbukas ng gate at alam kong Pilipina din yon.

"Hi good morning. Pinay?" Tanong ni Charles.

"Oo, Pilipino ka din sir?" Tanong ng babae.

"Oo." Sagot ni Charles.


"Dito ba nagtratrabaho ang Mama ko? Elena Mendoza ang pangalan niya." Sabi ko.

"Si Madam?" Anito.

"Madam?" Kunot noo kong tanong.


"Oo, Elena ang pangalan ng amo kong Pilipina. Hali kayo, nasa loob si Madam." Anito at pinapasok kami.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Pinaupo kami ng katulong sa isang kuwarto doon na mukha namang sala. Ang ganda ng bahay.

"Sino bang sinasabi mong anak ko?" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na tinig sa akin.


Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon