Chapter 28

3.9K 85 0
                                    


Kinabukasan ay maaga kaming nagbyahe pauwi ng Pangasinan. After five years makakabalik na rin ako sa lugar kung saan ako ipinanganak. Lugar kung saan ko natutunan ang lahat ng bagay. Lugar kung saan ako unang natutong umibig at lugar kung saan ako unang nasaktan.




Nang ipasok ng driver ang Van sa loob ng gate ay medyo nanibago ako. Pagbaba ko ay tumingin ako sa bahay. Hindi na ito ang hitsura ng dati naming bahay! Two storey house na ito. Nilingon ko si Miles.




"Miles naligaw ba tayo?" Tanong ko.



"Sira! Bahay nyo to! Pinagawa ng Mama mo last year. Ang ganda diba?" Sabi ni Miles.


"Maybe Tita Elena want to surprise you Sofie." Sabi naman ni ate.


Muli kong tiningala ang bahay. Pinaghalong puti, light gray at dark gray ang kulay ng pintura nito.

 Pinaghalong puti, light gray at dark gray ang kulay ng pintura nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Limang kuwarto ang meron diyan. Dalawa sa baba at tatlo sa taas. Mas maluwang yan kesa sa dati nyong bahay." Sabi ni Miles.



"Ano pang hinihintay nyo diyan? Pumasok na kayo dito."




Napatingin ako sa nagtawag sa amin at nagulat ako ng mapagsino yun.



"Lola?!" Gulat kong tanong.



"Abay hindi nyo man lang ba ako sasalubungin ng yakap?" Tanong nito.


Napapailing na lang akong lumapit at yumakap ng mahigpit sa kanya.



"Nasorpresa ka ano?" Tanong niya.


Kumalas ako ng yakap sa kanya.



"Akala ko lola bukas ka pa uuwi? Sinong sumundo sayo sa airport?" Tanong ko.



"Ang daddy nyo. Hinatid niya ako dito kahapon kasama yung mapapangasawa daw niya." Sabi ni Lola.




Nagtinginan kami ni ate.



"Ang sabi ng daddy ninyo umalis daw kayong magkakapatid sa poder niya." Sabi ni lola.


"Lola saka na natin pag usapan yan. Payakap nga muna." Singit ni ate.



Niyakap niya si Lola at nagulat kami ng biglang humagulgol si Ate.


"Bakit? Anong problema Sabrina?" Tanong ni lola.



Kumalas sa pagkakayakap si Ate saka mabilis na nagpunas ng luha.




"Nothing lola, i've just miss you." Sabi ni Ate.


Sa loob ng limang taon ay napamahal na din ang mga kapatid ko kay lola. Lalo na si Ate Sabrina. Never daw kasi nilang na experience na magkaroon ng lola.


Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon