Chapter 16

4.3K 75 0
                                    


Dumaan pa ang dalawang linggo at bumalik na sa England sina Mama. Naiwan nga si Savanah sa amin pansamantala. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagtitinda ko ng isda sa Palengke kasama si Charles.

Pagdating namin ni Charles sa bahay ng araw na yon ay iyak agad ni Savanah ang narinig namin.

Mabilis na tumakbo palapit sa akin ang umiiyak na si Savanah at yumakap sa akin.

"What's wrong?" Tanong ko.

"Hay diyos ko! Ako na lang ang magtitinda sa palengke Sofia kung ayaw mong huminto sa pagtitinda! Aba'y hindi kami nagkakaintindihan niyang kapatid mo! Kanina pa iyak ng iyak!" Sabi ni lola.

Tumingin ako kay Savanah.

"What do you want?" Tanong ko kay Savanah.

"I want to go to the ocean!" Anito.

"Ayan kanina pa sinasabi yan! Hnd ko naman maintindihan yang osyen na yan!" Reklamo ni lola.

Natawa kami ni Charles.

"La, ocean ibig sabihin dagat. Gusto daw niyang pumunta sa dagat." Paliwanag ko kay lola.

"Aba'y malay ko! Diba sea ang ingles ng dagat! Osyen ang sabi niya!" Sabi ni lola.

Natawa na lang ako kay lola. Tumingin ako kay Savanah.

"Stop crying. After we eat lunch we will go to the ocean, okey?" Sabi ko.

Tumango naman ito. Mabuti na lang at marunong akong magsalita ng ingles dahil kung nagkataon duduguin ang ilong ko kay Savanah.

Pagkatapos nga naming mananghalian ay idinala namin si Savanah sa tabing dagat. Mabuti nalang at makulimlim at hindi mainit. Tuwang tuwa si Savanah na nakikipaghabulan sa alon ng dagat sa pampang.

"Dont go too far Savanah or else the ocean might take you." Takot ko kay Savanah.

"Okey ate." Anya.

"Bakit kasi hindi ka tinuruan ni Mama managalog e." Sabi ko.

"Pwede mo naman siya turuan magsalita ng tagalog habang nandito siya sa Pilipinas. She needs to know how to speak with her mother language." Sabi ni Charles.

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Savanah na masayang naglalaro. Tama nga naman si Charles, kailangang matutong magsalita ng tagalog si Savanah.

Tumingin ako kay Charles, marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya. Alam kong galing siya sa mayamang pamilya at solong anak siya, bukod doon wala ng iba.

"Sa Manila ka ba naipanganak?" Tanong ko.

"Nope. I was born in California USA." Anya.

"So ibig sabihin American Citizen ka." Sabi ko.

"Dual Citizen." Sagot niya.

Napatango tango naman ako. Dual citizen pala siya. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

"Masungit ba ang mommy mo?" Wala sa loob kong tanong.

"Medyo. Pero malambing naman yon, Tsaka strikto lang sa mga tauhan. You can search about her in the internet. Sila ni Daddy." Anya.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag akbay niya sa akin.

"Dont worry about my mom. She will like you. Parehas kasi kayong business minded." Anya.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Oo naman. Tsaka ang daddy mo ay kaibigan ng parents ko." Dagdag niya.

Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon