Dalawang araw na buhat ng makabalik na sa Manila sila Daddy at mga kuya ko. Dalawang araw din akong hindi pinapayagan ni lola na lumabas. Sila Ate nakakalabas pero ako naiiwan dito sa bahay.Nang matapos kaming maghapunan ay pinaki usapan kami ni lola na tulungan siyang magsorting ng mga pasalubong na ipapamigay niya bukas sa mga kamag anak nila na taga dito din sa Dagupan.
"Ganito pala dito kapag galing ka abroad." Sabi ni ate na kasama naming nagsosorting.
"Yes ate. You need to share your blessings. Lahat ng dadalaw sayo bibigyan mo ng sabon or chocolates. Pero hindi ka namang obligadong bigyan sila. Its up to you." Paliwanag ko.
"Ganon pala yon." Sabi ni Ate.
"Ang sarap kasing makita na nakakapagbigay ka kahit paano." Sabi ko.
Gabi na ng matapos kami kaya pagod na pagod kaming nagsipag akyat sa mga kuwarto namin at natulog.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Maingay na sa baba kaya alam kong dumating na ang mga kamag anak namin. Dito sila manananghalian ngayon at para ibigay na din ni lola ang mga pasalubong nila. Sinilip ko si Ate sa kuwarto niya pero wala na ito doon. Siguro ay nasa baba na.
Pagkaligo ko ay bumaba na ako.
"Sofia ikaw na ba yan?" Tanong ni Tita Isabel.
"Mano po Tita." Sabi ko.
Lahat ng nandoon ay nagmano ako. Napudpud na yata ang noo ko kakamano.
"Ang laki ng pinagbago nitong si Sofia, Auntie." Sabi ng isa kong tiyahin kay lola.
"Dati ng maganda mas gumanda pa ngayon." Sabi ng isa pa.
"Nakagraduate na ng kolehiyo sa Australia yan at isa na ding magaling at sikat na pintor doon." Bida naman ni lola.
"Tingnan mo nga naman. Dati sa palengke lang siya nagtitinda ng isda ngayon pintor na. Anong tinapos mong kurso Sofia?" Tanong ng isa.
"Business Management po. Yun kasi ang pinakuha ni Daddy. Para daw may katuwang siya sa pagpapatakbo ng kumpanya namin." Sabi ko.
"Ahh...."
May narinig kaming nag doorbell.
"Ako na po ang titingin lola." Sabi ko.
Lumabas ako ng pinto at saka ko binuksan ang maliit na gate. Si Charles ang napagbuksan ko.
"What are you doing here?!" Tanong ko.
"We need to talk." Anya.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa! Matagal na tayong tapos hindi ba?" Sabi ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa mga kapatid mo at sa Daddy mo na ako ang lalakeng nanakit sayo?" Tanong niya.
"For what? Hindi na nila kailangang malaman pa kung sino ang lalakeng yon. Masaya na ako sa buhay ko ngayon Charles kaya pwede ba huwag ka na ulit magpakita sa akin?"
"Masaya? You are not that happy Sofia. Sinabi sa akin ng doctor na tumingin sayo ang kalagayan mo." Anya.
"Wala akong sakit!" Singhal ko sa kanya.
"Pero pwede kang magkasakit because youre keeping your hatred deep inside your heart!" Mariin niyang sabi sa akin.
"Thats none of your damn business!" Mahina pero mariin kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...