Four years after.....Araw ng graduation ko ngayon. Kumuha ako ng kursong Bussiness Management gaya ng sinabi ni Daddy. Akala ko noon hindi ko ito magugustuhan pero nagkamali ako, nasa dugo ko pala talaga ang pagiging negosyante.
Ilang beses na din akong nagbakasyon sa England para makasama sila Mama. Nasanay na din ako sa buhay na meron ako ngayon. Sinong mag aakala na ang isang hamak na taga tinda lang ng isda sa palengke isa ng sopistikadang anak ng isang bussinessman ngayon.
Nakasuot ako ng isang itim na toga at kasalukuyan kaming isa isang umaakyat sa stage para tanggapin ang diploma namin. Nang ako na ang tinawag ay tumingin ako sa kinauupuan nila Daddy at ng mga kapatid ko. Napangiti ako ng makita ko ng nandoon si Mama, lola at Daddy John kasama si Savanah. Kumaway sa akin si lola kaya gumanti ako ng kaway at ngiti.
Nagalakad na ako paakyat ng stage at tinanggap ang diploma ko. Nang matapos ang graduation ay mabilis akong lumapit sa pamilya ko. Mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanilang lahat.
"You made it, Sofia! Congratulations!" Sabi ni Mama.
"Thank you Ma." Sabi ko.
"Let's take some picture." Sabi naman ni Ate Sab.
Nagpapicture kami at ng matapos yon ay nagpunta kami sa isang restaurant para doon icelebrate ang pagtatapos ko.
"What's your plan after this? Planning to go back to the Philippines." Tanong ni Mama sa akin.
"Nope, Ma. I will help daddy and my brothers to manage the company here in Australia." Sagot ko.
"We will go back in the Philippines after 1 year more Elena. But its up to Sofia what she would like to do." Sabi ni Daddy.
Napangiti ako dahil natupad din ang gusto kong magkaayos sina Mama at Daddy. Okey na sila ngayon. Matalik na silang magkaibigan ni Daddy John. Parehas din kasi silang nasa bussines world kaya magkasundo sila.
"Okey ako kahit saan daddy. By the way i have an art exhibit tommorow." Sabi ko.
Oo nagpipinta ako, namana ko nga ito kay Daddy. Si ate Sab ay marunong sa pagdesign ng mga damit at ako naman ay sa pag pinta.
"I want to see your paintings, Sofia. We will go there tommorow." Sabi ni Daddy John.
"You will like them for sure Dad." Sabi ko.
"Sorry Im late."
Tumingin kaming lahat sa dumating. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Congratulations baby." Anya at saka ako binigyan ng isang bouquet ng bulaklak.
"Thank you." Sabi ko.
"Have a seat Clark." Sabi ni Daddy.
Yes, Si Clark ang boyfriend ko ngayon. Ipinagpatuloy niya ang panliligaw niya sa akin via call and video calls. Madalas din niya akong puntahan dito sa Australia. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya but my daddy and my siblings like him so much for me. So sinagot ko siya, we're in a relationship for one year now. Tatlong taon niya akong matiyagang sinuyo dito sa Australia.
Pinsan din ni Clark ang napangasawa ni Kuya Tyrone. Ikinasal sila dito sa Australia Three years ago at may isa na silang anak. Last year naman ay nag asawa na din si Kuya Neil at isang Pilipina Doctor na nakabase dito sa Australia ang napangasawa niya. As of now, buntis palang ang asawa niya sa first baby nila.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...