Chapter 11

4.5K 99 0
                                    

Nakabalik na kami ng Pilipinas ni Charles. Hindi na kami nagpasundo at mas pinili ko na lang mag commute kami ni Charles pabalik ng Pangasinan.




"Lola nandito na sila!" Dinig kong sabi ni Miles sa loob ng bahay.



Mukha ni lola ang una kong nakita ng buksan nila ang pinto. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko kay lola at hindi ko na napigilang humagulgol.




"Ay anong nangyari sa batang ito?" Tanong ni lola habang yakap yakap ko siya.




Patuloy pa rin akong humahagulgol habang yakap ko si lola.



"Charles anong ginawa mo sa apo ko bakit umiiyak ng ganito?" Tanong ni lola kay Charles.



"Si Sofia na lang po ang magkukuwento sa inyo lola. Wala po ako sa lugar para pangunahan siya." Sagot naman ni Charles.



Kumalas ako ng pagkakayakap kay lola. Hinawakan ni lola ang mukha ko.



"Bakit ka ba umiiyak na bata ka ha? Nagkita ba kayo ng mama mo?" Tanong ni lola.



Tumango lang ako.




"Halika nga at maupo ka." Hinila ako ni lola at pinaupo sa upuan sa sala.




Naupo naman ako at patuloy pa rin sa pag iyak.



"Sofia magsalita ka nga diyan! Ano bang nangyari?" Tanong ni lola.




"Hala baka may nangyari sa kanila ni Charles!" Biglang singit ni Miles.



"Yun ba ang dahilan apo? Aba'y wala naman problema sa akin yon kung mag aasawa ka na." Biglang sabi ni lola.




"Lola hindi ko po inagrabiyado ang apo ninyo, at mas lalong hindi pa po siya mag aasawa." Sabi naman ni Charles na nakaupo na din.




"Tungkol ba ito sa mama mo? Pinagalitan ka ba niya?" Tanong ulit ni lola.




"Please Sofia speak up or else i will speak up for you." Sabi ni Charles.



Tumingin muna ako kay Charles bago ako tumingin kay lola.




"Lola...." umpisa ko.




"Ano yon? Ikwento mo lahat sa akin." Sabi ni lola.




"Si Mama po kasi.... si mama po may pamilya na sa Oman." Sa wakas ay nasabi ko.



Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni lola.




"Briton po ang asawa niya at yung batang akala natin ay alaga niya, anak po pala niya." Sabi ko.




Pinunasan ko ang mga luhang nagkalat na sa pisngi ko.



"Ang yaman yaman ng asawa niya lola, ang ganda ng buhay niya doon at may katulong pa siya. Ni hindi man lang niya tayo pinapadalhan ng pera. Hinayaan niyang mabulok ako sa pagtitinda ng isda sa palengke. Kahit pagsuporta sa pag aaral ko hindi niya ginawa." Kwento ko sa pagitan ng mga hikbi ko.




"Ay ang apo ko.." sabi ni lola saka niya ako mahigpit na niyakap.



Ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa pag iyak sa mga bisig ni lola. Hinayaan niyang umiyak ako ng umiyak hanggang sa maging ayos na ulit ako.




Nagpahinga ako sa kuwarto ko pagkatapos. Napagdiskitahan ko ang mga litrato namin ni mama. Lahat ng picture niya ay inilagay ko sa kahon.





Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon