One Month After...Inabala ko ang sarili ko sa pagpipinta. Madami na akong naipinta kaya minabuti kong magkaroon ng exhibit. Ilang araw na lang at ikakasal na sina Daddy at Ate Camilla. Pagkatapos kong makausap ang isang museum sa Maynila ay nag ikot ikot muna ako. Napadaan ako sa kumpanya nila Charles. Nakita ko ang madaming tao don na nagra rally.
Itinabi ko ang sasakyan sa isang tabi at pinagmasdan ang mga tao na nandoon. Bahagya kong ibinaba ang salamin sa bintana ng kotse ko para marinig ang mga sinasabi nila.
"Ipasara na ninyo ang pabrika ninyo! Nilalason nyo lang kaming mga tao sa produkto ninyo!"
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Amanda.
"Mam."
"Amanda bakit may mga nagrarally dito sa harap ng company nila Charles? Did you know about it?"
"Naku Mam hindi. Last kong ginawa ay yung mga binayaran ko lang para magpahospital at saka yung doctor na tumingin sa kanila." Sabi ni Amanda.
"So bakit may mga tao ditong nagrarally? Sino ang nagbayad sa kanila para mag rally?" Tanong ko.
"Madaming tao ang gustong mapabagsak ang mga Fortalejo mam Sofia. Hindi lang ikaw. But im so sorry to say na hindi na ako gagawa ng anumang hakbang laban sa kanila. Awang awa na ako kay Sir Charles." Sabi ni Amanda.
"Bakit?" Tanong ko.
"Patong patong na ang problema niya mam, Ang sabi ng katulong niya sa bahay nila hindi na daw magawang kumain, lagi din daw umiinom. Sabi pa daw niya mas magandang mamatay na siya tiyak may matutuwa daw."
Napapikit ako ng marinig yon. Nakaramdam ako ng awa para kay Charles.
"Siguro sapat na yung mga ginawa mo Mam para makaganti ka sa kanya sa ginawa niya sayo. Patas na kayo."
"Siguro nga. Sige." Pinutol ko na ang tawag.
Muli kong tiningnan ang mga nagrarally. Nakita ko na lumabas si Charles sa building.
"Nasisiraan na ba siya ng bait? Bakit siya lumabas? Paano kung may baril ang isa sa mga taong yan?" Nag aalala kong sabi.
"Ang guwapo guwapo mo pero mamamatay tao ka!" Sigaw ng isa.
"Wala pa akong napatay ni isang tao." Narinig kong sabi ni Charles.
"May nilalagay kayong chemical sa mga produkto ninyo na unti unting pumapatay sa aming mga tumatangkilik ng produkto ninyo!" Sigaw ulit ng isa.
"Nasa FDA na ang lahat ng sample ng mga produkto namin at lalabas na ang resulta ng test bukas. Wala kaming nilalagay na makakasama sa mga konsumer namin." Paliwanag ulit ni Charles.
"Sinungaling!"
Nagulat ako ng batuhin nila si Charles. Umawat ang mga security guards pero galit na galit ang mga tao. Idinala ng mga security si Charles sa gilid. By instinct, pinatakbo ko ang kotse ko papunta sa tapat ni Charles at binuksan ko ang bintana ng passengers seat.
Nakita ko ang dugong umaagos mula sa ulo ni Charles.
"Hop in!" Sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...