Simula ng manalo ako sa beauty pageant na yun ay naging sikat ako sa loob ng palengke. Halos araw araw ay maaga kong napapaubos ang mga paninda kong isda. Halos mga binata ang pumapakyaw ng mga paninda ko."Suki bili ka na ng Tilapia, sariwang sariwa." Alok ko sa isang lalake.
"Kasing sariwa mo ba yan?" Tanong niya.
Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa narinig ko sa kanya. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo ko.
Ngising demonyo pa ang lalake na lumapit sa mga paninda ko.
"Pwedeng ikaw na lang ang bilhin ko? Mas mukha ka kasing sariwa kesa sa mga isda mo e." Anya.
Dinampot ko ang kutsilyo sa tabi ko na ginagamit ko sa paglilinis ng isda at iniamba ko sa kanya.
"Baka gusto mong isaksak ko ito sa lalamunan mo at ng umagos yang sariwa mong dugo?!" Singhal ko.
Itinaas niya ang dalawang kamay saka nakangising tumingin sa akin.
"Chill! Binibiro lang naman kita e." Anya.
"Huwag na huwag mo akong babastusing letse ka! Umalis ka na nga! Baka di ako makapagpigil at isaksak ko ito sayo!"
Lumabas ako sa stall ko at lalapit sana sa kanya pero mabilis pa ito sa alas kuwatrong tumakbo paalis.
"Demonyong ito ke aga aga e!" Sabi ko saka na ako bumalik sa pwesto ko.
"O, miss beauty queen bakit nanghahabol ka ng kutsilyo diyan?" Tanong ng anak na binata ng mayor namin.
"May bastos kasing lalaki. Ang aga aga nambubwisit."
Nakita ko ng magbulungan ang mga kapwa ko tindera. Simula kasi ng makilala ako ng anak ng mayor ay madalas na itong bumibili sa mga paninda ko. Sabi nila ay may balak daw ito manligaw sa akin pero binabalewala ko ang mga sinasabi nila.
"Sino ba yun at ng mapagsabihan nga." Anito.
"Naku wag na sir. Hindi na babalik yun." Sabi ko.
"Sige ikaw ang bahala."
"Bibili ka ulit? Ubos na mga binili mo kahapon?" Tanong ko.
"Ha? Ah.... oo. Pinamigay ko kasi sa mga tauhan ni Daddy." Anya.
"Anong bibilhin mo ngayon?" Tanong ko.
"Bilhin ko na lahat yang paninda mo." Anya.
"Ha?" Gulat kong tanong.
"Kukunin ko na lahat ng yan. Kwentahin mo na lang."
"Ah... s...sige."
Mabilis kong ikinilo lahat ng isda na paninda ko at inilagay sa dala dala nilang ice chest.
"Bale 10,420 lahat." Sabi ko.
Iniabot niya sa akin ang mga lilibuhing pera, eleven thousand lahat yun. Kukuha na sana ako ng sukli ng pigilan niya ang kamay ko.
"Keep the change." Anya.
Mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa kanya.
"Amoy isda ang kamay ko." Sabi ko.
Ngumiti siya sa akin. Guwapo ang anak ng mayor at matanda lang ng dalawang taon sa akin.
"Salamat sir." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...