Nagmulat ako ng mga mata, nasa isang kuwarto ako. Mabilis akong bumangon."Hey Calm down! Mamaya mahimatay ka na naman diyan!"
Si Ate sabrina yon. Nandoon din si Ate Camilla.
"Si Charles? Kumusta si Charles." Tanong ko.
Nagtinginan silang dalawa.
"Anong nangyari kay Charles?!" Tanong ko.
"Sofia, mas maganda siguro kong umuwi na tayo at sa bahay na lang namin sasabihin sayo." Si Ate Camilla.
"No! Just tell me here right now!" Sabi ko.
Umupo si Ate Sabrina sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko.
"Sofie, Charles didn't make it."
Napaiyak ako ng marinig ang sinabi ni Ate Sabrina.
"Ilang beses siyang nirevive ng mga doctor but he didnt make it. Wala na si Charles." Sabi ni Ate.
"No! No! Nagsisinungaling lang kayo! Gusto kong makita si Charles!"
Tumayo ako pero pinigilan ako ni Ate Sabrina. Naging histerikal na ako at hindi ko matanggap na wala na si Charles.
"Tama na Sofie! Tama na!" Sabi ni Ate Sabrina.
"Ate si Charles!"
Umiyak lang ako ng umiyak. Kahit ng iuwi nila ako sa bahay ay umiiyak lang ako.
Hindi ko lubos maisip na wala na si Charles, na wala na ang lalakeng pinakamamahal ko. Napakabilis ng mga pangyayari kaya hindi talaga ako makapaniwala.
I love you Sofia..
Yun ang mga huling kataga na lumabas sa bibig niya. Tahimik lang akong lumuluha habang inaalala ang mga sandaling kasama ko siya.
Hindi ko ginustong mamatay siya para lang mapatawad ko siya.
"Why you are mourning with Charles death, hindi ba ito ang gusto mong mangyari?"
Mabilis kong nilingon ang nagsalita. Si Clark yon at hindi ko namalayan na nasa kuwarto ko na siya.
"Hindi ko ginustong mamatay siya!" Sabi ko.
"I know that you still love him up to now. Kaya nga sinanay ko ang sarili kong malayo sayo kasi alam kong darating ang araw na ito." Anya.
Mabilis na tumulo ang mga luha ko.
"Im so sorry Clark. Sinubukan kong turuan ang puso ko na mahalin ka."
"Pero hindi mo nagawa Sofia. May kasalanan din akong nagawa sayo. Gusto ko ng aminin sayo nung nakaraang buwan pero natakot ako. Natakot ako na baka isumpa mo kami."
Napakunot ang noo ko. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si Miles.
"Miles?"
Napansin ko ang takot sa mukha niya. Anong meron at bakit parang natatakot siya? Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at saka ako tumayo.
"Whats wrong Miles? Para kang may malaking kasalanang nagawa sa hitsura mo." Sabi ko.
Napansin ko din na medyo tumaba siya at nakita ko ang kamay niya na may suot na wedding ring!
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...