Lumipas pa ang dalawang buwan at patuloy ang buhay ko. Patuloy pa rin na nanliligaw si Clark kahit ilang beses ko na siyang binasted. Maaga akong nakapaubos ng paninda ko ng araw na yon at napag isipan kong mamasyal sa tabing dagat.Alas nuwebe na ng umaga pero makulimlim. Sabi sa balita kanina ay may parating na bagyo. Tag ulan na kaya madalas na ang pagdating ng mga bagyo.
Maya maya pa ay may nakita akong kung ano na nasa may dalampasigan. Kahit takot ako ay marahan akong lumapit. Hanggang sa mapagtanto kong tao ito na nakadapa!
Mabilis akong lumapit at itinihaya ko ang lalakeng nakadapa! Siya yon! Yung lalakeng iniligtas ko sa grocery!
Madaming pasa ito sa mukha at may sugat ito sa balikat. Pinulsuhan ko siya at may pulso pa ito! Tumayo ako at humingi ng saklolo!.
"Tulungan nyo ako! Kuya! Kuya tulungan nyo ako!" Sigaw ko.
"Sofia bakit?!" Tanong ng isa sa mga kakilala ko.
"May tao doon! Ang dami niyang sugat! Dalhin natin siya sa hospital!" Sabi ko.
Mabilis naman silang kumilos at binuhat ang lalaki.
"Sa hospital ba natin dadalhin Sofia?" Tanong ni Manong Arnold.
Napaisip tuloy ako kung sa hospital ba namin dadalhin o sa bahay nalang.
"Sige kuya sa hospital na lang." Sabi ko.
Idinala namin sa hospital ang lalake. At ginamot siya doon.
"Ikaw ba ang kamag anak ng pasyente?" Tanong ng doctor.
"Ah... o... opo." Pagsisinungaling ko.
"Maayos na ang lagay niya. Stab wound yung nasa balikat niya. Base sa mga sugat at pasa niya mukhang binugbog siya at pinahirapan." Sabi ng doctor.
"Ganon po ba doc? Nakita na lang po kasi namin siya sa may aplaya." Sabi ko.
"Icoconfine mo ba siya?" Tanong ng doctor.
"Kung maayos naman na po yung lagay niya doc hindi na po siguro." Sabi ko.
"Kailangan mong pumirma ng waiver." Sabi ng doctor.
Tumango ako. Pumirma ako ng waiver at saka ako nagpatulong kay manong arnold para iuwi sa bahay ang walang malay na lalake.
"Sigurado ka bang iuuwi mo siya Sofia? Baka mamaya masamang tao ito at gawan pa kayo ng masama ng lola mo." Sabi Manong Arnold.
Tumingin ako sa mukha ng lalakeng puro pasa ang mukha.
"Hindi naman siguro kuya." Sabi ko.
Nagulat pa si lola ng akay akay namin ni Manong Arnold ang lalake at idinala sa isang bakanteng kuwarto sa bahay.
"Sino yan Sofia?" Tanong ni lola.
"Natagpuan ko siya sa dalampasigan lola. Mukhang pinahirapan. Naidala ko na siya ng hospital at sabi ng doctor maayos naman siya." Sabi ko.
"Diyos kong bata ka! Ni hindi mo nga kilala yan iniuwi mo dito!" Sabi ni lola.
"Yun nga ang sabi ko sa kanya lola. Ayaw din niyang ipaalam sa pulis." Sabi ni Manong Arnold.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...