Chapter 51 ( Charles POV)

8.6K 162 20
                                    


I am Charles Fortalejo, only heirs of Fortalejo Food and Beverage Corporation. Yes I am a billionaire. I have the body and looks but i dont have the rights to have a girlfriend because i am bound to marry Belinda. The daughter of my dad friend who help him a lot.

May iilang babae din akong naikama to satisfy myself being a man. I cant do it with Belinda because i really hate that woman. She's using her Dad's power to manipulate me and my parents.

Minsan napadpad ako sa Dagupan, Pangasinan at natiyempong hinoholdap ang grocery store. Naging hostage ako kasama ng isang babae na sa unang paglapat palang ng mga mata namin ay nakaramdam na ako ng mala kuryenteng pakiramdam. Love at first sight sabi ng iba. Babae siya pero siya pa ang nakagawa ng paraan para makaligtas kami sa kamay ng mga holdaper na yon. Hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya dahil mabilis akong inilayo ng mga bodyguard ko doon.

Ginulo ng babaeng yon ang mundo ko. I want to know her but how? Nakatali na ako sa kasundua ng Daddy ko at Daddy ni Belinda.

But someone kidnapped me and tried to kill me. Grabeng bugbog ang inabot ko sa mga kidnappers na yon. They beat me until i almost died. Nawalan na ako ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari.

Mukha ng babaeng gumulo sa mundo ko ang una kong nasilayan ng magkamalay ako. Noong una ay inakala kong kasabwat siya ng mga taong yon pero hindi pala.  Namuhay ako ng tahimik sa bahay nila kasama siya. Tinulungan ko din siyang makapunta sa Oman para makita ang Mama niya. Nakita ko kung paano siya lumuha at masaktan ng malamang may asawa at anak na pala doon ang Mama niya.




Tinulungan ko siyang magbenta ng isda sa Palengke dahil yon ang hanap buhay niya. Nang malaman kong ama niya Si Tito Jacob Williams ay gusto ko sana silang pagtagpuin ng ama niya pero naunahan ako ng takot. Yes i am afraid. Takot ako na malayo siya ulit sa akin. Dahil alam ni Tito Jacob ang nakatakda kong kasal kay Belinda. Ginawa ko ang lahat para palabasing patay na ako para hindi na ako hanapin pa ni Belinda.



I fell inlove with Sofia. I love everything about her. Niligawan ko siya at napasagot ko siya. Hindi naman tumutol sa akin ang lola at Mama niya. Nakita ko kung paano niyang napatawad ang Mama niya ng umuwi ang mga ito sa Pilipinas. Nakita ko din kung paano niya tinanggap ang step father niya at ang kapatid niya sa ina.


Akala ko tuluyan ng magiging maayos sa amin ang lahat, pero hindi pala. Natunton ako ng parents ko at sapilitang pinabalik. Parang sinasaksak ang puso ko ng sabihin ko sa kanyang hindi ko siya mahal, na niloko ko lang siya.

Sana maintindihan mo ako balang araw Sofia, gagawin ko ito para hindi ka na madamay sa kabaliwan ni Belinda. Gusto kitang mamuhay ng tahimik at ayaw kong madamay ka pa sa gulo ng buhay ko...


Iniwan ko siyang durog na durog. Bumalik ako ng Manila para ituloy ang kasal kay Belinda. Masakit para sa akin ang saktan si Sofia pero kailangan kong gawin yon.



The day has come. Araw na ng kasal ko kay Belinda. But to my surprise, she ran away. Kulang na lang ay maglulundag ako sa tuwa dahil sa wakas ay walang bisa na ang kasunduan dahil si Belinda mismo ang tumakbo sa kasal namin. Tinawagan ko si Miles, ang bestfriend ni Sofia.



"Wala na si Sofia, sumama na sa ama niya sa Australia. Ngayon din ang flight nila papunta doon. Tsaka pwede ba tigilan mo na ang kaibigan ko. Sinaktan mo siya diba?!"



Mabilis akong nagpunta sa bahay ng mga Williams at nakumpirma kong umalis na nga sila papuntang Australia. Nalaman ko din na hinahabol ni Belinda si Neil dahil ito ang mahal daw niya.


Hinayaan kong mamuhay ng tahimik si Sofia sa piling ng ama niya at mga kapatid. At nang magbalik siya ay ibang iba na siya sa Sofia na nakilala ko noon sa Pangasinan. Iba na siyang magsalita at kumilos. Pero nagtaka ako kung bakit hindi niya sinabi sa pamilya niya sa ama na ako ang nanakit sa kanya. Gustong gusto ko siyang yakapin at ituwid ang pagkakamali ko pero huli na pala ako. May boyfriend na siya at si Clark yon.


Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon