Lumalim ang gabi at medyo nagiging tipsy na din ako sa dami ng alak na nainom ko. Nasa isang table kaming magkakapatid at nagkakasayahan na sa pagsayaw ang mga tao. Nakatingin kaming lahat kay Daddy at sa fiance niya na nasa dance floor at sumasayaw."Mga kuya, Ate Sab, daddy is getting married." Mahina kong sabi.
"Do you know where he met that woman?" Tanong ni Ate Sab sa mga kuya namin.
"No, ngayon ko lang nameet ang babaeng yan. She's just 2 years older than me." Si kuya Tyrone.
"What's her family backround?" Tanong ulit ni Ate Sab.
Malamang ay napa imbestiga na nila kuya ang babaeng ito with just a couple of minutes.
"She's from Antipolo, she's a Nurse. Nakilala siya ni Daddy one year ago via dating apps." Sabi ni kuya Neil.
"Dating apps?!" Magkasabay naming sabi ni Ate Sabrina.
Mukha yatang napalakas ang boses namin kaya napatingin sa amin ang ibang mga bisita na malapit sa table namin. Natutop namin ni Ate Sab ang mga bibig namin ng mapagtanto yun. Nakita ko din na nakatingin sa akin si Charles na nasa kabilang table lang. Nag iwas ako ng tingin dito.
"I cant believe this!" Si ate Sab ulit.
"Tutol ako sa pagpapakasal nila next month." Sabi ni kuya Neil.
"Me either! Baka pera lang ni Daddy ang habol ng babaeng yan!" Si ate sab.
"How about you kuya? Sofie?" Tanong ni kuya Neil.
"I dont know. Kasi kahit tumutol pa tayo kung gusto naman ni Daddy yang girl na yan may magagawa ba tayo?" Sabi ko.
"What? So youre not against dad's decissions?" Tanong ni ate Sab sa akin.
"Im also against it Ate, but what can we do?" Sabi ko.
"Sofie was right, kahit tumutol pa tayo wala na tayong magagawa kapag si Daddy ang nagdesisyon." Sabi ni kuya Tyrone.
Muli naming tiningnan sina daddy na nagsasayaw sa malamyos na tugtugin.
"Lets enjoy the night sweety, lets dance." Narinig kong sabi ni Kuya Zach kay ate Sab.
"Im not in the mood." Sabi ni Ate.
"Go and dance with your fiance, Sabrina. Don't ruin Sofies party. Just enjoy the night." Sabi ni kuya Neil.
"Okey Fine!" Anya saka na tumayo at sumama kay Kuya Zach.
Maya maya pa ay lumapit si Charles sa table namin.
"Charles! Long time no see bro!" Masayang bati ni Kuya Tyrone.
"Its good to see you again bro." Sabi ni Charles.
"One year na kami ni Neil dito sa Pinas pero hindi ka namin nakita. Where did you go?" Tanong ni kuya.
"May pinuntahan lang ako. Nagmuni muni at hinanap ko ang sarili ko." Sabi niya.
"Ive heard about what happened between you and Belinda. Im so sorry for that bro." Sabi ni kuya Neil.
Anong nangyari sa kanila ng Belinda na yon? Naghiwalay na ba sila?
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...