Chapter 36

3.4K 64 5
                                    


Nagmulat ako ng mata at maliwanag na sa labas. Tiningnan ko si Charles pero wala na ito sa harap ng manibela. Nakabukas ang pintuan ng kotse sa tapat niya kaya naibalot ko sa katawan ko ang blanket dahil malamig sa labas. Luminga linga ako pero di ko makita si Charles.





Bigla akong kinabahan ng maisip na baka iniwan niya na ako dito! Mabilis akong lumabas ng kotse. Napayakap ako sa sarili ng manuot sa katawan ko ang lamig. Mabilis kong binuksan ang pintuan sa backseat ng kotse at kinuha ko ang dala kong jacket sa traveling bag. Isinuot ko yon at nagpalinga linga ako sa paligid.





"Charles! Charles!" Tawag ko.



Basang basa ang paligid dahil sa malakas na pag ulan kagabi. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Charles na palapit na sa akin.



"Where did you go?" Tanong ko.



"Naghanap lang ako ng signal para makatawag ako sa pwedeng magpalit ng gulong ng kotse." Anya.



"You left me here without waking me up! You also didnt lock the door! Paano kung may masamang loob na bigla na lang akong pasukin diyan sa loob ng kotse?" Tanong ko.





"I didnt wake you up because i know you're tired, i didn't locked the door because i want you to breath some fresh air. And i didnt also take my eyes off the car." Anya.



Hindi ako nakaimik.



"Don't worry, parating na ang mga gagawa ng kotse dito. For the meantime mag sight seeing ka na lang muna." Anya.



Pagkasabi niya non ay inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, doon ko lang napansin ang mga naglalakihang pine tree sa paligid namin. Ang sarap din ng hangin dito. Nag umpisa akong maglakad lakad.




"Huwag kang masyadong lalayo." Bilin niya.



Naglakad lakad ako at bahagyang lumayo sa kinaroroonan ng kotse. Natanaw ko si Charles na nakasandal sa kotse at malayo din ang tingin niya. Bakas sa mukha niya ang lungkot at panghihinayang. Nakaramdam tuloy ako ng awa.




"No, Sofia. He deserves it. Hindi din siya naawa sayo noong niloko ka niya kaya hindi ka din dapat maawa sa kanya." Sabi ko sa sarili ko.




Muli kong naalala ang mga sinabi niya noon sa akin.



Hindi kita mahal Sofia.




Tila punyal na sumasaksak sa puso ko ang mga katagang yon. At kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi pa rin naghihilom ang sugat. Ang masakit pa hanggang ngayon si Charles pa rin ang nilalaman ng puso ko!




Bigla akong napahawak sa dibdib ko, parang may sumasakal sa akin habang kumikirot ang dibdib ko. Napakapit ako sa isang puno doon at bahagyang napayuko. Sa tuwing maaalala ko ang sakit na idinulot sa akin ni Charles, at sa tuwing ipapaalala ng puso ko na siya pa rin ang itinitibok nito sumisikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga.




Tumingin ako sa kinaroroonan ni Charles, nakatayo na siya at nakatingin sa akin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Mariin akong pumikit at huminga ng paunti unti.




Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng kung sino, nang ibukas ko ang mata ko ay si Charles na ang nakita ko.





"Whats wrong? Are you okey?" Nag aalala niyang tanong.




"Dont touch me!" Sabi ko sabay tulak sa kanya.



"Sofia you're not okey so please let me help you." Anya.



Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon