Tatlong araw kong hindi nakita si Clark. Hindi ko din siya tinawagan or tinext man lang. Ala sais palang ng umaga ay ginising na kami ni lola. Sinabi ko kasi kagabi na sasama kami sa palengke sa kanya."Maglalakad lang tayo lola?" Tanong ni Ate Sabrina.
"Oo. Yang kapatid mo noon alas tres pa lang ng madaling araw nilalakad niya na mula dito papuntang bagsakan ng isda." Sabi ni lola.
"Really?!" Tanong ni Ate.
"Mababait naman kasi ang mga tao dito e." Sabi ko.
Sumama din sa amin si Miles at ang Nanay niya. Mamimili kasi si lola ng mga isda na ipanghahanda namin bukas para sa fiesta.
Nang makarating kami sa palengke ay nakaramdam ako ng di maipaliwanag na saya. Limang taon din bago ako nakabalik dito. Malaki na din ang ipinagbago ng Palengke.
"Ay suki halika na at bumili sa akin!" Hindi ako pwedeng magkamali, kilala ko ang boses na yon at si Aling Cynthia yon.
"Aling Cynthia kumusta na?" Tanong ko.
Napatingin siya sa akin at biglang nanlaki ang mata.
"Sofia? Sofia ikaw nga!" Anya.
"Opo. Kumusta na po kayo?" Tanong ko.
"Ay heto mabuti naman. Ikaw kumusta ka na? Ang ganda ganda mo naman ngayon! Hiyang mo ang Australia!" Sabi ni Aling Cynthia.
"Mabuti naman po ako. Ate ko nga po pala." Sabi ko.
Hinila ko si Ate na nakatakip sa ilong niya.
"Hello po." Sabi naman ni Ate kahit nababauhan sa lugar.
"Ay kumusta? Magkamukha kayo, pareho kayong maganda." Sabi ni Aling Cynthia.
"Thank you po." Sabi naman ni Ate.
"Kunin na po namin lahat ng paninda mo Aling Cynthia. Ipanghahanda po namin bukas." Sabi ko.
"Ay sige salamat. Ikikilo ko sandali." Anya.
Lumingon ako at tiningnan ang pwesto nila Millet. Mabilis itong nagbaba ng tingin ng sulyapan ko siya. Nilapitan ko siya.
"Hi Millet, kumusta ka na?" Tanong ko.
"Ayos lang naman. Ikaw kumusta? Asensado na tayo ha?" Anya.
"Okey lang naman ako. Buntis ka pala?" Tanong ko.
"Oo, pangalawa na to. Ikaw may asawa na?" Tanong niya.
"Wala pa. Nobyo pa lang." Sabi ko.
"Sino? Yung dati pa rin ba?" Anya.
"Hindi. Si Clark." Sabi ko.
"Si Councilor Clark?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Si Councilor Clark!" Anya na sa iba nakatingin..
Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko nga si Clark na palapit sa akin.
"Magandang araw po councilor." Sabi ni Millet.
"Magandang araw din sayo." Ganting bati niya.
Tumingin sa akin si Clark.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...