Chapter 32

4K 82 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at bumalik na si lola sa England. Kami naman ni Ate ay bumalik na sa Manila. Sa bahay ni Daddy kami ulit tumuloy ni Ate. Sina Kuya naman ay pinanindigan na ang tuluyang pagbukod sa amin. Okey naman na sila nila Daddy pero sabi nila panahon naman na daw para bumukod sila lalo na't may sarili na silang pamilya.



"Sofia.. Sofia..."

"Hmmm..." Ungol ko.


"Sofia anak pinapagising ka na ng Daddy mo." Boses ni Yaya.


Nagmulat ako ng mata.


"What time is it?" Inaantok kong tanong.




"Alas sais na ng umaga iha. Bumangon ka na at kailangan mong maghanda para sa pagpasok mo sa opisina." Sabi ni Yaya.


Nag angat ako ng ulo. Oo nga pala! Ngayon ang araw na ite train na kami ni Daddy sa kumpanya!


"Hala bangon na, gigisingin ko pa ang ate mo." Sabi ni Yaya.



Kahit inaantok pa ako ay pinilit kong bumangon sa kama at tinungo ang banyo.



Pagkaligo ko ay mabilis akong naghanap ng pwede kong isuot. Isang white 3/4 sleeves polo blouse ang napili ko at pinarisan ko ng light brown trouser.

 Isang white 3/4 sleeves polo blouse ang napili ko at pinarisan ko ng light brown trouser

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Blinower ko ang buhok ko hanggang sa matuyo saka ako naglagay ng simple make up. Nagsuot na din ako ng loop earrings at isang gold na relo. Isang close shoes na kulay light brown ang sapatos na napili kong isuot. Dinampot ko na ang bag ko saka ako nag spray ng pabango at lumabas na ako ng kuwarto ko.



Pagbaba ko ay nasa komedor na si Daddy at nag aagahan.


"Good morning Dad." Sabi ko at saka ako humalik sa kanya.


"Good morning." Anya.


"Good morning Ate Camilla." Sabi ko at nakibeso ako sa kanya.


"Good morning." Anya.


Me and Ate Sab decided to call her ate instead of Tita or Mommy.


"You look good." Anya.


"Thank you." Sabi ko naman at saka na ako naupo.


"Heto na ang kape mo." Sabi ni Yaya.


"Thank you yaya." Sabi ko.



"Where's your sister?" Tanong ni Daddy sa akin.


"Im here daddy." Sabi ni Ate na kapapasok sa komedor.


Humalik siya kay daddy ganon din kay Ate Camilla.
Naka orange crepe long sleeves top siya at puting skirt na hanggang ibabaw ng tuhod.

Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon