Limang araw ng sumasama sa akin sa palengke si Charles. Naayos na din ang motor ni lolo kaya nagagamit na naming dalawa yon. Araw ng linggo yon kaya as usual nagsimba kami ni lola at kasama na namin si Charles. Sumama din sa amin si Miles"Ang guwapo niya beshy! Tingnan mo mga babae sa paligid mo, sa kanya lahat nakatingin." Bulong sa akin ni Miles.
"Manahimik ka nga diyan. Makinig ka sa sermon ng pari." Bulong ko pabalik sa kanya.
Iginala ko nga ang mga mata ko at nakita kong na kay Charles nga lahat ang mga mata ng mga babae.
Kaya di na ako nagtaka ng lapitan kami ng ibang mga babae paglabas namin ng simbahan.
"Hi, bago ka lang dito?" Tanong ng isang babae kay Charles.
"Oo." Tipid na sagot ni Charles.
"Anong pangalan mo?" Tanong nila.
"Charles For-"
Siniko ko si Charles kaya napahinto siya sa pagsasalita.
"Charles Fuentes ang pangalan niya." Sabi ko.
Sinadya kong palitan ang apelyido ni Charles para maitago ang tunay niyang pagkatao.
"Hay naku, doon na nga kayong mga babae kayo. Iba na talaga ang panahon ngayon. Babae na ang lunalapit sa lalake. Hala magsipag uwi na kayo." Sabi naman ni lola.
Sumimangot ang mga babae at napilitan ng lumayo sa amin.
"Mga batang ito! Kala mo kung di naturuan ng maganda ng mga magulang." Dagdag pa ni lola saka na naglakad.
Sinundan na namin si lola at sumakay na kami sa motor para umuwi ng bahay. Pagdating namin sa bahay ay nasermonan si Charles.
"Ikaw naman Charles hindi porke guwapo ka lahat na lang ng babae e papatulan mo. Humanap ka ng disenteng babae. Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng magulang mo pero hanggat nasa poder ka namin susunod ka sa mga patakaran ko." Sabi ni lola.
"Lola nakakahiya naman po kung bastusin ko sila." Sagot naman ni Charles.
"Pwede mo naman silang batiin pero huwag ka ng makipagharutan sa kanila." Sabi ni lola.
"Pero-"
"Ay sige na Charles magbihis ka na." Sabi ko sabay tulak kay Charles papasok sa kuwarto niya.
"Magbihis ka na din Sofia at pitasin ninyo ni Miles yung mga bunga ng talong sa likod para may maulam tayong gulay mamayang tanghalian." Sabi ni lola.
"Opo." Sagot ko.
May pagka strikta talaga si lola. Napalapit na din siguro sa kanya si Charles kaya ganon na lang ang pag iingat niya dito. Madami nga namang mapagsamantalang mga babae na nagkalat diyan sa tabi tabi.
Nang makapagbihis kami ay pumunta na kami ni Miles sa likod para magpitas ng gulay.
"Pinakbet ang lulutuin mamayang pananghalian noh?" Sabi ni Miles.
"Oo." Sagot ko.
"Lagi mo na palang kasama yang si Charles sa palengke? Hindi na niyan maka score sayo si Clark." Sabi ni Miles.
"Maka score ka diyan! Binasted ko na yon noh! Tsaka hindi ko siya type." Sabi ko.
"At sino ang type mo? Si Charles?" Anya.
"Shhh! Manahimik ka nga diyan! Baka mamaya marinig ka ni lola o kaya ni Charles!" Sabi ko.
"Asus! Alam ko yang klase ng galaw mo beshy! Alam kong crush mo si Charles!" Sabi pa ni Miles.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...