Chapter 18

4.1K 90 3
                                    


Lumipas pa ang isang linggo. Sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayari noong nakaraang linggo. Tahimik akong nakaupo sa pwesto ko sa palengke. Maya maya pa ay may nakita akong kamay na may hawak ng tissue sa harapan ko. Tiningala ko yon at nakita kong si Millet yon.



"Punasan mo yang luha mo. Ang dali mo kasing bumigay kay Charles porke guwapo." Anya.


Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang mga luha ko.


"Anong nakain mo at ang bait mo sa akin ngayon? Dapat pinagtatawanan mo ako hindi ba?" Tanong ko.


"Naranasan ko na dati yan, hindi mo naman ako pinagtawanan non hindi ba? Bagkus binigyan mo pa ako ng payo. Binabalik ko lang sayo ang ginawa mo sa akin non. Saka na kita aawayin at iinisin kapag okey ka na." Anya saka na siya bumalik sa pwesto nila.


Nang maubos ang paninda ko ay umuwi na ako ng bahay. Gaya ng dati nagkulong na ako sa kuwarto pagkaligo ko. Maya maya pa ay narinig ko ang boses ni Savanah.


"Mommy! Daddy!" Narinig kong sabi ni Savanah.


Dali dali kong tinungo ang pinto ng kuwarto ko at lumabas. Nandon nga sina mama at tito John.

"Sofia anak." Si mommy.


Namumuo ang luha ko na mabilis akong yumakap kay mama.

"Mama!" Sabi ko hanggang sa unti unti na akong humagulgol ng iyak.


"Shhh! Its okey anak.." anya.

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya, ikinulong naman niya ang mukha ko sa mga kamay niya kaya napahawak ako doon habang umiiyak.


"Magiging okey ka din anak, lilipas din ang lahat ng sakit." Anya.

Tumango tango lang ako. Para akong bata na ayaw bumitaw kay mama. Nang makapagpahinga sila ay kinausap nila kami ni lola sa sala.


"Naayos ko na ang mga papel ninyo papuntang England. Sasama na kayo ng lola mo sa akin." Sabi ni Mama.


"Ma, ayokong magpunta doon." Sabi ko.

"Anak magiging okey ka doon. Makakapag aral ka ulit doon at gaganda ang buhay mo. Makakalimutan mo din doon si Charles." Sabi ni mama.


Hindi ako kumibo. Tama naman si Mama, makakalimutan ko doon si Charles. Makakapagbagong buhay ako doon.


"Sofia! Sofia!"

Napasulpot namin sa may pintuan si aling grasya.


"Ay nandito kana pala ulit Elena?" Si aling Grasya.


"Anong atin Grasya?" Tanong ni lola.


"Ay may naghahanap po kasi sa inyo. Sinamahan ko lang sila. Heto sila."



May isang lalakeng dumungaw sa may pintuan, isa yung foreigner na sa tantiya ko ay nasa edad singkwenta pataas, at may dalawang lalake pa na nasa likuran niya na siguro ay wala pa sa edad na trenta.




"Jacob?" Si Mama.



Mabilis akong napatingin kay Mama. Hindi ako pwedeng magkamali, ang lalakeng ito ang ama ko! Sinabi ba ni Charles ang tungkol sa akin?




"What are you doing here?!" Galit na tanong ni Mama sa lalake.




"Im here to introduce myself to our daughter that you hide from me twenty three years ago." Sabi naman ng lalake.



Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon