Chapter 49

3.9K 87 0
                                    


Mabilis namang naplano ang kasal namin ni Charles. Syempre bilyonaryo ba naman ang mapapangasawa mo. Sa Pangasinan namin napagkasunduang maikasal, doon naman kasi kami unang nagkatagpo. And about sa gown namili ako sa mga ready made na at pinadagdagan ko na lang ng mga rhinestones at swarovski crystal. Alanganin na kasi kung magpapatahi pa ako.

Araw na ng kasal namin yon ni Charles. Naiwan na lang akong mag isa sa hotel room. Natapos na din akong ayusan ng mga nag ayos sa akin. Nakarinig ako ng katok.

"Yes come in." Sabi ko.

Pumasok ang isang lalakeng nakatuxedo. Ngumiti ako dito.

"Ikaw ba ang driver ng bridal car ko?" Tanong ko.

Tumango ito. Muli kong sinipat ang hitsura ko sa salamin bago ako tumayo at naglakad na palabas ng hotel room. Maingat naman akong inaalalayan ng mga staff ng hotel hanggang makababa ako at makasakay sa bridal car.

"Thank you." Sabi ko sa kanila.

"You're welcome mam and congratulations." Sabi nila.

Tumango ako at ngumiti sa kanila. Pinaandar na ng driver ang bridal car at lumabas na kami sa parking lot ng hotel. Nagtaka ako ng ibang ruta ang  binabaybay namin.

"Mamang driver mali yata yung dinadaanan natin?" Tanong ko.

Hindi ito kumibo. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa di malaman na dahilan. Huminto ang kotse sa isang tabi at nagulat ako ng bumukas ang magkabilaang pinto at may sumakay na dalawang lalake at pinagitnaan ako.

"Sino kayo?!'' tanong ko.

Mabilis na gunalaw ang isang lalaki at tinakpan ng panyo ang ilong ko, nanlaban ako pero unti unti akong nawalan ng malay dahil sa amoy ng gamot na nasa panyo.


Nang magkamalay ako ay nanghilakbot ako ng makita ang napakaduming lugar kung nasaan ako. Mukhang tambakan yon ng mga lumang gamit. Parang junkshop yon. Nakaupo ako sa sulok at bigla akong nakaramdam ng takot at pandidiri ng makita ko ang mga gumagapang na ipis at mga daga.

Tinangka kong hilain ang mga kamay ko pero nakatali pala ito.

"Charles help me please! Daddy!" Bulong ko.

Hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil sa takot. Pilit kong inalala kung nasaan ako. Pero wala akong matandaang junkshop dito sa Dagupan!  Pinilit kong hilain ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakatali nito.

"Sino ka ba ha?! Bakit mo ba ako dinukot?! Tulungan nyo ako! Somebody help me please!" Malakas kong sigaw.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag palapit sa akin. Marahil ay narinig nila ang pagsigaw ko.

Dalawang lalaki ang biglang sumulpot. Ang isa ay ang pumasok kanina sa kuwarto ko sa hotel.


"Ikaw! Ikaw ang nagpanggap na driver ng bridal car ko kanina!" Sigaw ko.

Nagtinginan silang dalawa saka ako tiningnan ulit.

"Ang ganda naman pala ng babaeng ito kaya hindi imposibleng magustuhan siya ng isang bilyonaryo." Sabi ng isa na nagpanggap na driver ko kanina.

"Pwede natin itong pagsawaan tutal papatayin din ito ni amo." Sabi ng isa.

Nangilabot ako sa paraan ng pagtingin nilang dalawa sa akin.

"Kabilin bilinan ni amo huwag nating gagalawin ang babaeng ito. Hintayin muna natin ang go signal niya." Sabi ng isa na kapapasok lang.

"Sino ang may pakana nito ha?! Si Belinda ba?!" Sigaw ko sa kanila.


Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon