Dumating ang gabi at nag aayos na kami sa kanya kanya naming kuwarto. Inayusan ko na kanina si Miles at binigyan din siya ni ate ng evening gown. Sarili ko naman ang inaayusan ko ngayon. Nakasuot na sa akin ang damit at natapos na din akong magmake up. Itinaas ko na lamg ang buhok ko at nag iwan ng ilang hibla sa harap.
"Wow! Ang ganda mo beshy!" Sabi ni Miles.
"You also look georgeous, beshy." Sabi ko.
"Napakagaling mo na ding magsalita ng ingles. Ibang iba na ang hitsura mo noong nasa Pangasinan ka pa. Ngaun napaka sopistikada mo na." Anya.
"Marami mang nagbago sa panlabas na kaanyuan ko at sa kilos ko beshy pero ako pa rin ito. Ang babaeng niloko at inalipusta noon." Sabi ko.
"Sigurado nandito ang pamilyang yon ngayon." Sabi ni Miles.
"May balita ka ba tungkol sa kanya?" Di ko napigilang itanong kay Miles.
"Wala. Magmula ng umalis ka sa Pangasinan hindi ko na yon nakita doon. Tsaka kalimutan mo na siya, may Clark ka na." Sabi ni Miles.
Tama naman siya. Kailangan ko na ngang kalimutan si Charles.
"Alam ba ng Pamilya mo sa ama ang tungkol kay Charles?" Mahina niyang tanong sa akin.
Umiling ako.
"They know him kaya hindi ko sinabi sa kanila kung sino ang lalakeng nanakit sa akin." Sabi ko.
Nakarinig kami ng katok sa pinto.
"Come in." Sabi ko.
Si ate ang pumasok doon at bihis na din.
"Aba'y napagitnaan ako ng dalawang diwata! Diyos ko hindi na ako lalabas, nagmumukha akong patay na kuko kapag kasama ko kayo! Ang gaganda nyo!" Sabi ni Miles.
"Baliw ka!" Sabi ni Ate.
"Syempre mukha kayong mga diwata samantalang ako parang nuno sa punso lang." Dagdag pa ni Miles.
"Tse! Manahimik ka na nga lang diyan. Sofie are you ready?" Tanong ni Ate.
"Yes ate." Sabi ko.
Kanina pa nag start ang party at marami ng tao sa labas.
"Ipapatawag nalang kita kay Yaya kapag ipapakilala ka na ni Daddy." Sabi ni Ate.
Tumango ako.
"Lets go Miles." Aya ni ate kay Miles.
"Maiwan na kita diyan beshy ha? See you sa labas mamaya." Paalam ni Miles.
"Sige." Sabi ko.
Lumabas na sila sa kuwarto ko. Tumayo naman aKo at dumungaw sa verandah ng kuwarto ko. Madilim doon dahil nakapatay ang ilaw. Nakita ko na marami na ngang tao sa ibaba. Napakadaming sopistikadang bisita ni daddy. Mukha pa lang ng mga ito ay malalaman mong may mga kaya na sila.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...