Nang masundo namin si Ate Sabrina ay nagpunta na kami sa Designer na nagdesign ng wedding gown ni Ate Camilla."Wow its a nice gown! Ang ganda ganda!" Sabi ko.
"Kung ako ang masusunod, mas gusto kong simpleng wedding gown na lang ang susuotin ko kaso mapilit ang daddy nyo e." Sabi ni Ate Camilla.
"You worth a million wedding gown Ate." Sabi naman ni Ate Sabrina.
"Kayong dalawa ine echos nyo na naman ako." Biro ni ate Camilla.
"Hindi no! We're just telling the truth." Sabi ko naman.
"Sus! Binola nyo pa ako. How about you Sabrina, hindi ka pa ba pipili ng wedding gown? Next year na ang kasal nyo ni Zach." Sabi ni Ate Camilla.
"Hindi muna. Kailangan ko pang mahuli si Zach." Sabi ni Ate Sab.
"Mahuli?" Kunot noo kong tanong.
"After natin dito sasamahan nyo ako sa isang club. Doon natin siya huhulihin." Sabi ni Ate Sab.
Nagtinginan naman kami ni Ate Camilla. Alam kong may hinala na si Ate Sabrina na may ibang babae si Kuya Zach.
Pagkatapos nga namin doon ay nagpunta kami sa isang bar. Pero sarado pa yon, ala sais daw ng gabi yon nagbubukas. Naghintay muna kami sa loob ng kotse.
"You know what, hindi pang clubbing ang mga suot natin ate Sab. Buti pa tong si Ate Camilla nakaripped jeans at croptop. Tayo nakapang opisina. Magbihis kaya muna tayo?" Sabi ko.
"Hindi na tayo papayagang lumabas ni Daddy kapag umuwi pa tayo. Okey na to. Di naman tayo magtatagal sa loob e." Sabi ni Ate.
"I miss drinking." Sabi ko sabay kumindat kindat kay ate.
"You can drink there if you want habang hinihintay natin si Zach." Sabi ni Ate.
"Gusto ko yan!" Sabi ko.
Naghintay pa kami ng ilang oras bago nagbukas ang bar. Hinintay namin na mapuno ito ng tao bago kami pumasok. Pumunta kami sa bar counter at umorder ng drinks.
"Cheers!" Sabi ko sa dalawa.
Pinagumpog namin ang mga baso namin tsaka ko na mabilis na itinungga ang laman ng kopita.
"Hey, slowly Sofia. Malalasing ka kaagad kapag ganyan." Sabi ni Ate Camilla.
"Dont worry hindi ako malalasing." Sabi ko.
Naalala ko tuloy noong unang taon ko sa Australia, wala akong ibang ginawa doon kundi magpunta sa bar at uminom. Kung totoo man na may ibang babae si Kuya Zach alam ko kung gaano kasakit ang mararamdaman ni Ate Sab.
"What will you do if you caught him cheating?" Tanong ko kay Ate.
"I will punch him in his face at tatadyakan ko ang alaga niya." Sabi ni Ate Sab.
"Ako na ang bahala sa babae." Sabi ko.
"Nasa likod nyo lang akong dalawa." Sabi naman ni Ate Camilla.
Nakailang shots din ako ng margarita at nararamdaman kong medyo tinatamaan na ako. May kalahating oras na yata kaming nandoon. Maya maya pa ay may binasang text si Ate sa cellphone niya.
"Nasa VIP room na daw siya." Sabi ni Ate Sab.
"How can we go there?" Tanong ni Ate Camilla.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...