Chapter 14

4.4K 96 1
                                    


Araw ng linggo kaya nagsimba kaming lahat. Yun ang kauna unahang simba namin na kasama na ang bagong pamilya ni Mama, at kauna unahang simba ko na boyfriend ko na si Charles.

Tumingin ako kay Charles na nasa tabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na ang guwapong lalake na ito. Napangiwi ako ng makaramdam ako ng pinong kirot sa tagiliran ko. Napatingin ako kay lola.

"Makinig ka sa sermon ng pari, mamaya mo na yan titigan sa bahay." Bulong ni lola sa akin.

Ngumuso ako saka ko na itinuon ang pansin ko sa pari. Nang matapos na ang simba ay nakita namin sa labas ng simbahan ang pamilya ni Mayor.

"Ay mayor ikaw po pala." Sabi ni lola.

"Kumusta na po kayo nay?" Tanong ni Mayor.

"Ay ayos naman po mayor. Siya nga po pala heto po si Elena anak ko, nanay nitong si Sofia. Yan naman si John asawa ni Elena at ang anak nilang si Savanah." Pagpapakilala ni lola.

"Kumusta po kayo Mayor?" Si Mama

"Mabuti naman. Ikaw pala ang ina nitong si Sofia. Siya din ba ang ama ni Sofia?" Sabi ni mayor na tinutukoy si Tito John.

"Ay hindi po mayor. Australiano po ang ama ni Sofia. Ikalawang asawa ko po si John at isa naman po siyang British." Sabi ni mama.

"Ah ganon ba balae?" Tanong ni mayor.

Nakita kong napakunot noo si Mama.

"Balae?" Tanong ni mama.

"Ito kasing si Clark ko nanliligaw dito sa anak mo." Sabi ni Mayor.

Napatingin si Mama kay Clark pagkatapos ay sa akin.

"Ganon po ba? Hindi po kasi nabanggit sa akin ni Sofia. Pero mukhang hindi po yata natipuhan ng anak ko ang anak ninyo Mayor, kasi heto po ang nobyo ng anak ko." Sabi ni Mama sabay turo kay Charles.

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Clark at pati na rin kay mayor. Kinalabit ko na si lola para matapos na ang usapan namin nila mayor.

"Ah sige po mayor, mauuna na po kami." Paalam ni lola.

Nagpaalam na kami kina mayor at saka na kami umalis.

Nasa likod bahay kami at nagpapa presko sa silong ng mga puno. Nakatingin naman ako kay Charles na nagpapakain ng manok, bibe at pabo dahil kasalukuyan ko siyang ipinipinta.

"Guwapo din si Clark, pero mas guwapo si Charles."

Napatingin ako kay Mama. Hindi ko pa siya napapatawad pero hinahayaan ko na lang siyang makabawi sa akin.

"Nakuwento sa akin ng lola mo kung paano mo nakilala si Charles. Na curious ako kaya nag search ako sa internet tungkol sa kanya. Hindi lang pala basta mayaman si Charles, bilyonaryo siya." Sabi ni mama.

"Bilyonaryo?" Tanong ko.

"Solong anak siya ng may ari ng Fortalejo food and beverages Corporation. Si Charles ang CEO ng kumpanyang yon at sa kanya ipapamana ang lahat ng kayamanan nila." Sabi ni mama.

Muli akong tumingin kay Charles na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako.

Alam ko naman simula pa lang na hindi basta bastang tao si Charles. Pero pinili niyang mamuhay ng simple dito sa probinsiya kasama ako. Itinuon ko ang pansin ko sa ipinipinta ko.

"Pero alam kong tunay ka niyang mahal anak. Biruin mo, kinaya niyang tumira dito para lang sayo. Kung tutuusin hindi siya sanay sa buhay na ganito pero mas pinili niyang danasin ang hirap makasama ka lang." Sabi pa ni mama.

Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon