Pagmulat ko ng mata ko ay mahimbing na natutulog si Charles sa tabi ko. Tiningnan ko ang orasan at alasingko na ng umaga. Tatlong araw na ang mabilis na lumipas buhat ng malaman kong buhay siya. Marahan kong hinaplos ang mukha niya. Ang guwapo guwapo talaga niya at hindi nakakasawang pagmasdan.Dahan dahan akong bumangon at bumaba sa kama. Nagpalit ako ng jogging pants at nagsuot ako ng jacket. Gusto ko ulit maglakad lakad. Napagkasunduan ng pamilya ko at pamilya niya na dito kami sa Pangasinan lahat mag celebrate ng pasko. Apat na araw na lang at pasko na. Namiss ko na rin makasama ng Pasko sila Mama at Lola. Dalawang taon na ang nakakaraan buhat ng doon ako sa london nagpasko at bagong taon.
Bumaba na ako sa Baba at pinuntahan ko ang mga kasambahay sa kusina.
"Good morning mam." Sabay nilang sabi.
"Good morning. Kapag hinanap ako ng Sir Charles nyo pakisabi naglakad lakad lang ako papuntang tabing dagat." Bilin ko.
"Sige po mam." Sabi nila.
Lumabas na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad. Ito ang kagandahan sa probinsiya, ganitong oras madami ng tao ang gising at nasa bakuran na nila para magwalis. Wala din magtatangka ng masama sayo dahil kilala ka na.
Dinadalaw din naman ako ng mga kamag anak namin dito. Medyo nahihiya lang sila minsan magpunta.
"Sofia bili ka na ng puto bagong luto." Sabi Manong kanor na nakasakay sa bisikleta habang nagbebenta ng puto.
"Sige po manong. Pabili ako ng bente pesos. Kakainin ko lang habang naglalakad ako papuntang dagat." Sabi ko.
"Yung may cheese ba?"
"Opo,huwag nyo na pong lagyan ng niyog." Sabi ko.
Nang maiabot niya ang puto at makapagbayad na ako ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Bago pa ako makarating ng dagat ay naubos ko na ang puto.
Muli kong nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat. Napangiti ako. Noong huli akong magpunta dito ay umiiyak pa ako dahil sa pag aakalang namatay na talaga si Charles.
"Thank you for bringing back Charles to me." Sabi ko.
Pinanood ko ang pagsikat ng araw. Bagong umaga, bagong buhay ang ibig sabihin ng pagsikat ng araw para sa akin. Ito na ang bagong umaga para sa akin, dahil magmula ngayon makakasama ko na si Charles hanggang sa pagtanda ko. Kasama ko siyang bubuo ng isang masayang pamilya.
Nang makapagpahinga na ako ay naglakad na ako ulit pabalik sa bahay. Alas siete na yon ng umaga dahil nagmuni muni muna ako doon sa may tabing dagat. Pero ng malapit na ako sa bahay ay ang daming tao sa daan sa tapat ng bahay. May narinig din akong nagsisigawan.
"Kuya Toper anong nangyari?" Nag aalala kong tanong.
"Nag aaway si Aling Melba at Aling Grasya, pati asawa ni Aling Melba at yung kapatid na lalake ni Aling Grasya nakikisali."
"Ano daw pinag awayan?" Tanong ko ulit.
"Tungkol daw yata sa tsismis. Ewan ko sa dalawang yan." Sabi ni kuya Toper.
Naglakad ako palapit sa gate pero nagulat ako ng tumama ang isang bato sa gate namin at muntik na akong mabato! Mas nanlaki ang mata ko ng makita kong naghabulan ng itak ang dalawang lalake at papunta sila sa direksiyon ko.
Sa takot ko ay tatakbo sana ako palayo pero may biglang humablot sa akin papasok sa gate at mabilis na isinara yon.
"Charles!" Sabi ko saka ako mabilis na yumakap sa kanya.
Muli kong nilingon ang mga naghahabulan ng makarinig ako ng mga sigaw. Nahawakan nila ang lalake na may hawak na itak.
"Lets go inside, baka magkabatuhan pa dito.'' sabi ni Charles sa akin saka ako inakay papasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...