Chapter 6

4.8K 97 1
                                    


Isang linggo ng nasa pangangalaga namin si  Charles. Unti unti na ding nawala ang mga pasa niya sa mukha at nakakalakad na rin siya ng maayos.


"Maaga ka na namang nakapaubos Sofia ha?" Si Aling Cynthia.


"Opo Aling Cynthia. Kailangan ko ding umuwi ng maaga kasi madaming order si lola na kakanin." Sabi ko.


"Napakasipag talaga ninyong mag lola. E ang mama mo wala ng balak umuwi?" Tanong ni Aling Cynthia.


"Ewan ko po doon. Hindi naman namin siya inaasahan ni lola e." Sabi ko.


"Magaling na ba yung taong nakita mo sa tabing dagat?" Tanong niya ulit.


"Opo. Kaso mas minabuti niyang dito na muna manirahan kasi nagka amnesya po e." Pagsisinungaling ko.


"Hala! Diyos ko! E di hindi niya alam ang pangalan niya?" Tanong ulit ni Aling Cynthia.


"May nakita po akong suot niyang bracelet, Charles po nakaukit doon." Sabi ko ulit.


Ayaw kong may maghalungkat sa buhay na meron si Charles sa Manila kaya makakabuti kong itatago muna namin ang tunay niyang pagkatao.


"Sana gumaling na siya ano?" Si Aling Cynthia.


"Oo nga po e. Sige po aling Cynthia mauna na po ako." Sabi ko saka na ako naglakad palayo.


Napadaan ako sa mga nagtitinda ng damit panlalake at naisipan kong bilhan si Charles para hindi puro damit ni lolo ang isinusuot niya.


Hindi ko alam ang waistline niya kaya mga jersey shorts lang ang kinuha ko sa kanya.


Pagdating ko sa bahay ay sa likod na ako dumiretso. Nadatnan ko doon sina lola at Charles. Nagpapakain ng mga manok si Charles. Nakatanggal na ang arm sling niya dahil medyo tuyo na ang sugat niya.



"Nandiyan ka na pala apo." Sabi ni lola.


"Opo la. Maaga akong nakapaubos ng paninda e. Siyanga pala Charles binilhan kita ng mga tshirts at shorts. Hindi nga lang branded." Sabi ko.


"Its okey. Thank you." Anya.


"La tapos na po ba yung mga kakanin?" Tanong ko


"Ay oo, tinulungan ako ni Charles." Sagot ni lola.


"Baka nabigla yang sugat mo?" Tanong ko kay Charles.


"Dont worry im okey." Anya.



"Ganon ba? Maliligo muna ako sandali. Amoy isda ako e." Sabi ko saka na pumasok sa loob.



Pumasok na ako sa loob at naligo na.


"Asan na yun?"


Hinahanap ko ang panty ko na dala pero di ko makita. Mukhang nahulog ko yata.


"Diyos ko! May kasama pa naman kaming lalake ngayon dito!" Bulong ko.


Marahan akong sumilip sa pinto. Nagulat ako ng biglang lumitaw ang panty ko sa tapat mismo ng mukha ko.


"Nalaglag mo yata."

Napatingin ako sa may hawak nito at nakita kong si Charles yon. Mabilis kong kinuha sa kamay niya ang panty at saka ko na isinara kaagad ang pinto. Halakhak niya ang sunod kong narinig.


"Next time hawakan mong mabuti mga gamit mo para hindi nahuhulog. Mamaya iba pa ang makakita." Narinig kong sabi niya.


"Tse!" Sigaw ko pabalik.

Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon