Pagkaalis ko sa building nila Charles ay dumiretso muna ako sa harap ng isang restaurant. Ala sais palang yon ng hapon. Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto ng kotse ko at sumakay doon ang hinihintay kong tao.
"You did great Amanda." Sabi ko.
Oo, si Amanda na sekretarya ni Daddy ang kakuntsaba ko sa lahat ng plano ko laban kay Charles.
"Kung hindi mo lang ako tinulungan dati hindi ko gagawin lahat ng pinapagawa mo sa akin. You're dad gonna kill me once he knows about it." Anya.
Dati siyang sekretarya ng mga Mondragon pero tinanggal siya ng mga ito ng minsang mapagbintangang kabet ni Mr. Mondragon. Ako ang tumulong sa kanya para maging sekretarya ni Daddy.
"Mam Ano ba ang naging kasalanan sayo ng mga Fortalejo at ganon na lang ang galit mo sa kanila?" Tanong niya.
"Malaki. Napakalaki Amanda at ngayon ko sila sisingilin sa kasalanang ginawa nila sa akin five years ago. Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko ulit sayo?" Tanong ko.
"Natapos ko na mam. Bukas mag pupull out na din lahat ng pinag susuplayan nila sa ibang bansa ganon din ang ibang supplier nila international." Anya.
"Good." Sabi ko.
"Pero mam, hindi ganon kadali pabagsakin ang isang pader na gawa sa bato." Sabi sa akin ni Amanda.
"I know, pero kaya ko silang pilayan kahit paano." sagot ko.
Inilabas ko sa bag ko ang nakasobreng pera at inabot ko kay Amanda.
"Heto ang paunang bayad ko sayo. Siguraduhin mo lang na hindi maituturo sa ating dalawa ang lahat ng ito." Sabi ko.
"Makakaasa ka mam." Anya.
Kinuha niya na ang pera sa sobre at saka na bumaba ng kotse. Inilock ko na ang pinto ng kotse ko. Sumandal ako sa upuan at napangiti
"Unti unti kitang pababagsakin Charles. Ikaw at ang buong pamilya mo." Sabi ko sa sarili ko.
Pinaandar ko na ang kotse at nagdrive na ako pauwi ng bahay. Pagdating ko doon ay sinalubong na ako ni yaya para abutin ang bag ko.
"Kumusta ang araw mo anak?" Tanong ni yaya.
"Its okey po yaya." Sagot ko naman.
May mga narinig akong nagtatawanan sa komedor.
"Nandito sila kuya?" Tanong ko.
"Oo. Nakahanda na ang Mesa at ikaw na lang ang hinihintay nila." Sabi ni yaya.
Naglakad na ako at nagpunta sa dining room.
"Finally she's here." Sabi ni Dad.
"Hi Dad." Sabi ko saka na ako humalik sa kanya.
Humalik na din ako kay Ate Camilla at ate Sabrina.
"Hi bunso." Sabi ni kuya Tyrone.
Humalik ako kay kuya Tyrone at kuya Neil.
"Where's Ate Laurice and ate Irene?" Tanong ko.
"Nasa bahay sila. Bukas sila pupunta dito." Sabi ni kuya Neil.
"Saan ka ba nanggaling? Nandito na si Charles pero ikaw wala pa. Nauna ka pa daw umalis sa kanya sa opisina." Sabi ni Daddy.
Doon ko lang napansin na nandoon si Charles at nakaupo sa mismong tapat kung saan ako nakaupo.
"May dinaanan lang po ako Dad. What are you doing here Charles?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...