Kinabukasan ay mataman pa rin akong pinagmamasdan nila lola at Mama. Tila inoobserbahan nila ako."Hindi ko na kaya ito Elena!" Narinig kong sabi ni lola.
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni lola, pilit naman siyang pinipigilan ni Mama.
"Nay wag na muna.." sabi ni Mama.
"Sofia, umamin ka nga sa amin. Buntis ka ba?" Tanong ni lola.
Muntik na akong mabilaukan sa kanin na nasa bibig ko. Mabilis akong uminom ng tubig saka ako tumingin kay lola.
"La, ano bang sinasabi ninyo? Baka mamaya may makarinig pa sa inyong kapitbahay diyan e." Sabi ko.
"Magsabi ka ng totoo! May nangyari ba sa inyo ni Charles?" Tanong ulit ni lola.
"Lola wala! At hindi po ako buntis kahit ipacheckup pa ninyo ako sa doctor." Sabi ko.
"Yun talaga ang gagawin namin ng Mama mo. Hala sige bilisan mong kumain diyan at pupunta tayo sa doctor!" Sabi ni lola.
Wala na nga akong nagawa kaya sumama na lang ako sa kanila para ipacheckup ako. Ipinacheck din ni Mama kung virgin pa ba ako o hindi na.
"Doc buntis po ba ang apo ko?" Tanong ni lola sa doctor na tumingin sa akin.
"Hindi po lola. And base sa test na isinagawa namin kay Ms. Mendoza 100 percent po na hindi pa siya nagagalaw kaya malabong mabuntis po siya." Sabi ng doctor.
"Mabuti naman kung ganon doctora. Kinabahan kasi kami ng Mama niya dahil nagduduwal siya kahapon." Kwento ni lola kay doctora.
"Baka sinikmura lang po siya lola or may nakain na hindi maganda. Wala po kayong dapat ipag alala kay Sofia, malinis pa po siyang babae at walang bahid dungis." Sabi ng doctora.
Sa ilang buwang pagtira ni Charles sa bahay never naman niya akong tinukso na gawin ang mga mahalay na bagay. Sabagay, pano niya gagawin yon e hindi nga niya ako mahal.
Nang makauwi kami galing sa doctor ay nagkulong na ako sa kuwarto ko. Nakita ko ang painting ng mukha ni Charles. Nilapitan ko yon at pinagmasdan, muli na namang namuo ang mga luha ko ng maalala ko ang kasinungalingan ni Charles.
"Kung kailan handa ko ng ibigay sayo ang painting na to don mo ako iniwan. Dalawang beses ko ng iniligtas ang buhay mo pero ito pala ang kabayarang matatanggap ko sayo. Sana hindi na lang kita tinulungan. Sana hinayaan na lang kitang mamatay sa tabing dagat noon." Sabi ko.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng marinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Gusto mo bang ipadala sa kanya ang painting na yan?" Narinig kong tanong ni Mama.
"Ipadala mo na lang sa kanya ma. Para lagi niyang maalala na may isang babae siyang sinaktan dito sa Pangasinan. Nang sa ganon ay usigin siya ng konsensya niya." Sabi ko.
Tumango naman si Mama. Gusto ko sanang sunugin ang painting niya pero mas naisip ko na kailangan niya yong makita para makonsensiya siya sa pananakit at pangloloko niya sa akin.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Daddy makalipas ang isang araw. Mabilis na naayos ang birth certificate ko at naisunod na ako sa apelyido ni Daddy. Hindi na ako Sofia Mendoza ngayon kundi Sofia Mendoza Williams na. Kailangan ko na din daw lumuwas ng Maynila para ipaayos naman ang passport ko.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...