Kinabukasan ay araw ng linggo kaya nagsimba kami ni lola. Sumama naman sa amin si Miles na magsimba. Hindi ko inaasahan na makikita namin ang pamilya ni mayor doon."Magandang umaga po Nay Ester." Bati ni mayor.
"Magandang umaga din po mayor." Sagot ni lola.
"Sino si Sofia sa dalawang ito?" Bigla ay tanong ni mayor.
"Siya po mayor." Turo sa akin ni Miles.
"Magandang umaga po mayor, mayora." Bati ko sa kanilang mag asawa.
"Magandang umaga din iha." Sagot ni Mayora.
"Totoong napakaganda mo pala iha. Hindi kita masyadong nakita noong ipinarada ka kasi busy ako. Kaya pala kinalolokohan ka nitong si Clark ko e." Sabi naman ni mayor.
Tumingin ako kay Clark, nakita ko siyang ngumiti sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Naku mayor, hanggang kaibigan lang po ang pagtingin ko sa anak ninyo." Sabi ko naman.
"Naku iha, desidido sayo itong anak ko, bigyan mo naman kahit konting chance." Singit naman ni mayora.
"Mommy..." saway ni Clark sa mommy niya.
"Pasensiya ka na at mahiyain talaga yang si Clark." Sabi ulit ni mayora.
"Ayos lang po mayora." Sabi ko.
"Siya sige, magkuwentuhan na lang tayo sa ibang araw. May mga meeting pa kasi ako. Isang araw dadalaw kami sa inyo, iha." Sabi ni mayor.
Nagulat ako sa sinabi ni mayor.
"Ho?!"
"Sige na iha." Sabi ng mayor at saka na umalis. Sumunod naman sa kanya ang pamilya niya maliban si Clark.
"Ihahatid ko na kayo." Sabi niya.
"Naku huwag na. Malapit lang naman ang bahay namin dito." Sabi ko.
"I insist." Anya.
"Naku sige na Sofia. Magpahatid na tayo kay Clark. Biglang sumakit ang mga tuhod ko." Sabi naman ni lola.
"Lola.." sabi ko.
Pero wala na akong nagawa ng alalayan na ni Clark si lola papunta sa kotse nito.
"Halika na beshy! Ay saglit baka matapakan ko yung buhok mo! Ang haba e!" Sabi ni Miles.
Bahagya ko siyang tinapik sa balikat. Sa likod sumakay si Miles kasama si lola kaya wala akong nagawa ng buksan ni Clark ang passengers seat. Sumakay na ako doon. Nang maisara ang pinto ay umikot na siya papunta sa drivers seat.
Malapit lang naman ang simbahan sa bahay kaya wala pang limang minuto nandoon na kami. Hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako ng pinto. Kusa na akong bumabang mag isa kaya sila lola na lang ang ipinagbukas niya ng pinto.
"Salamat sa paghatid mo Clark." Sabi ko.
"Walang anuman, basta ikaw." Anya.
Bahagya akong ngumiti sa kanya. Muli na siyang sumakay sa kotse niya saka na umalis. Pumasok naman na kami sa loob ng bahay.
Una kong sinilip si Charles. Gising na ito at nakaupo na sa kama kaya pumasok na ako sa kuwarto.
"Gising ka na pala. Magluluto muna ako ng agahan." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...