Chapter 37

3.5K 68 0
                                    


Bumalikwas ako ng bangon kinaumagahan. Mabilis kong tiningnan ang orasan sa bedside table ko. and its 10 o' clock in the morning! Mabilis akong tumayo sa kama at nagtungo ng banyo. Dahil sa late na ako hindi na ako naligo tutal naligo na ako kagabi. Naglagay na lang ako ng simpleng make up saka na ako bumaba.


"Yaya! Yaya!" Tawag ko.

"Diyos kong bata ka, magdahan dahan ka nga at baka mahulog ka sa hagdan!" Sigaw ni yaya sa akin.

Pagdating ko sa baba ay umupo ako sa sofa para isuot ang sapatos ko.

"Why you didn't wake me up yaya?" Tanong ko.

"Ilang beses kitang kinatok iha, sabi din ng Daddy mo huwag ka ng gisingin at hayaan kang magpahinga." Sabi ni yaya.

"Pero may training ako ngayon yaya." Sabi ko.

Tumayo na ako at lumabas. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at pinaandar na yon.

"Sofia kumain ka muna!" Sabi ni yaya.

"Sa opisina na lang po yaya." Sabi ko.

Iniatras ko na ang kotse palabas ng gate at ng makalabas na ako ay pinatakbo ko na ang kotse. Mabuti na lang at walang traffic kaya nakarating din ako kaagad sa opisina ni Charles.

"Good morning Jane. Nandiyan na ba si Charles?" Tanong ko.

"Kanina pa Mam. Pero may kausap po siya sa loob ngayon. Maupo ka muna dito." Sabi ni Jane.

Naupo naman ako sa silya.

"Sinong kausap niya sa loob?" Tanong ko kay Jane.

"Ang daddy niya po Mam Sofia. May sumasabotahe kasi sa kumpanya at nalaman ito ni Mr. Fortalejo." Sabi ni Jane.


"You need to find who's that culprit as soon as possible!" Narinig kong sigaw sa loob ng opisina. Malamang ang daddy ito ni Charles.

Narinig namin ang pagbukas ng pintuan at lumabas doon ang daddy ni Charles na hindi man lang nag aksaya ng panahon para tingnan kami ni Jane. Napagalitan si Charles kaya medyo nag alangan ako kung papasok ba ako sa opisina niya o hindi.

"Pumasok ka na mam." Sabi ni Jane.

Tumango ako kay Jane. Bahagya akong kumatok sa pintuan saka ako pumasok. Nakita kong nakatukod ang dalawang kamay ni Charles sa table niya.

"Im sorry if im late, tinanghali kasi ako ng gising e." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.


"I understand." Anya.

Naglakad ako at nagtungo na sa cubicle ko. Hindi ko alam kung ano ang ituturo niya sa akin ngayon. O kung matuturuan pa ba niya ako? May problema ang kumpanya niya ngayon at wala siyang kaalam alam na ako ang may pakana ng lahat ng ito.

Narinig kong pinindot niya ang intercom.

"Jane please come to my office." Narinig kong sabi niya.

Maya maya pa ay narinig ko ng bumukas ang pinto.

"Sir." Sabi ni Jane.

"Please contact all my supplier abroad and ask them if someone's contacting them and asking to pull out their contract with us." Narinig kong sabi ni Charles.

"Okey sir. Yun lang po ba?" Tanong ni Jane.

"Yes. I will do the rest. You may go now." Anya.

Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon