Chapter 12

2.9K 44 0
                                    

A/N:

Dedicated to her kasi nakita ko she added this one to her reading list.  Thank you!

Sorry for the late update.  Broken hearted na naman ang author ninyo eh.. huhuuhu!


________________________________________________________




Benett's POV:


Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko kapag naaalala ko yoong nangyari kagabi!  Anu na ba itong nararamdaman ko para sa kanya? tanung ko sa aking sarili.

Pagbukas ko ng pinto ng aming flat eh lahat sila napatingin sa aking pagpasok.

"Bro, san ka galing? Saan ka natulog kagabi?"  tanung sa akin ng kaibigan kong si Jeff.

Ngumiti lang ako bilang sagot at direderetso sa kusina para kumuha ng juice.

"Kumain ka na ba bro?" tanung naman ni Marc.

"Hindi pa bro pero busog pa naman ako.. Uhaw lang ako." sagot ko sa kanya.

"Eh saan ka nga ba nanggaling?"  si Marc.

"Dyan-dyan lang bro.." ako.

"Anu napaamin mo na ba yang lokong yan kung saan siya natulog kagabi?" tanung ni Kim pagpasok na pagpasok niya sa kusina at umupo sa gilid ng lababo.

" Saan ka nga ba galing kasi Benett?" medyo inis na na tanung ni Marc.

"May kasama akong girl kagabi.  Napakasarap niyang kasama naglibot kami sa Puerto at nagkwentuhan kaya di ko na napansin na umaga na pala."  sagot ko sa kanila.

"SINO???" halos sabay na sagot ni Kim at Marc.

"Basta.  secret!  :) " Ngiting-ngiti kong sagot sa kanila.

"Maganda ba?" tanung ni Marc.

"OO naman Pre! Alam mo naman mga taste ko.. hahaha!" ang sagot ko sa kanyang natatawa-tawa pa.

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon