A/N: Baka last 3 Chapters na po ito.. Please continue your support..
_____________________________________________
GRADUATION DAY:
Graduation na nina Benett. At kung nagising lang sana si Nicole mula sa mahigit isang linggo nyang pagka-coma ay sya sana ang mag-speech dito.
Bilang first honorable mention (dahil nga transferee lang sya pero pinayagan na ring maging honor dahil sa achievement nya sa swimming sa regionals ) at Athlete of the Year ay si Benett na lang ang nagspeech. Wala naman kasing nakakuha ng Cum laude.
"I would like to thank everyone who gave a little of their time just to be here. I was not suppose to give this Graduation speech for the information of our dear guest, but my fiancee, Nicole. She is our summa cum laude but to inform our guest, last week she had an accident. An accident that changed our lives.
Kung naandito po si Nicole malamang pasasalamatan nya ang Diyos, ang ating mga magulang, mga guro, mga kaklase at mga kaibigan. Sa mga hindi po nakakaalam, si Nicole po ay isang huwarang estudyante na matulungin at mapagpatawad. Alam na alam nyo yan batchmates. Walang lumapit sa atin sa kanya na hindi nya pinansin o tinulungan. Kahit nahihirapan ay patuloy nya pa ring pinaglilingkuran ang kapwa. Kahit na anong masama pa ang gawin natin sa kanya (tiningnan ni Benett si Leah kaya nahihiya itong napatungo) ay hindi nya makuhang magreklamo. Kahit mahihirapan sya sa task ng guro, (tumingin sya sa teacher na nag-assign kay Nicole na maglead noon ng cotillion at ngumiti ito sa kanya na naluluha) at laban ito sa kalooban nya ay walang dalawang salita na ginagawa nya.." huminto sya saglit para punasan ang luha nya ay narinig nyang nagsisipag-singhutan na ang mga tao doon.
"Maybe your thinking this is a bacalaureat mass and not eulogy, but don't worry she is still alive. What I'm trying to say is, I'm sharing to you how Nicole was when she was a student so that our guests here will not have second thoughts of sending their kids to this school, to our Alma Mater, St. John School. Because it is a good school that can mold good students to become a better citizen. It can produce more students just like what they have developed in Nicole. With that, I'm very thankful for being a part of this school. I don't know if things will be similar as to how I see life and deal with challenges if I finished my degree in UST."
Tumulo na naman ang luha nya kaya pinunasan nya muna yun ng panyo nya.
"Before I end this, can I beg a minute or two from all of you to pray everyday for the fast recovery of.........."
Oh my God! Di nya na ata kayang ng tapusin ito. Nahihirapan syang huminga at gusto nya ng humagulhol.
" for the recovery of my fiancee, our summa cum laude, Nicole Marie Lopez soon to be Del Fierro. And I pray that the next time we have a gathering will be our wedding and I will be delivering speech as a sign of thankfulness to those who attended, and not a speech of eulogy. Thank you! And reach for our dreams graduates!!"
Nagsipalakpakan at nagsitayuan ang mga tao sa hall na yun. Pagdaan ni Benett ay isa-isa syang niyakap ng mga girls na classmate nila, ang mga boys naman eh tinap ang shoulder nya. Si Leah naman ay nakayukong lumuluha pero nakatayo ito at ang lakas ng palakpak.. Ipinatong nya ang isa nyang kamay sa balikat nito sabay sabing, "Kung gusto mong lumuwag ang dibdib mo, ipagdasal mong gumaling sya. Wag kang mag-alala, kung andito si Nicole baka napatawad ka na nya kaya ipagdasal mo ang pag-galing nya." Yumakap naman ito sa kanya habang tumatango.
Diretso sa hospital sya pagkatapos ng graduation.
"Babe, naandito na medalya mo at plaque. Sayang hindi mo nakita kung gaano ako kagwapo kanina.. huhuhu! Gumising ka na Babe, para makita mo suot ko" sabi nya at umiyak na naman. Umupo sya sa tabi ni Nicole at hinagpos ang buhok nito. Tinitigan nya ito at nakita nyang tumulo luha nito.
"Babe, aantayin kita, wag kang mag-alala.. Gumising ka lang. " sabi nya sabay halik sa noo ni Nicole.
___________________________________________
A/N:
Masakit na ulo ko ah.. Vote and leave a comment.

BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...