A/N:
This is dedicated to her sa kanyang sandamakmak na votes.. hehehe! THANK YOU!
Pa-vote and comment please.. Hindi ba parang pumapangit na story? Please comment.. may magandang comment, may dedication! Hahaha!
_________________________________________
Nicole’s POV:
Nagulat ako ng bigla akong sinundo ni Reggie sa school kanina. Hindi na ako nagtanong ng makita ko sya. Kailangan ko talaga ng savior. Ang sakit kaya ng nakita ko kanina. Magmula lunch break hanggang sa uwian! What is with Benett? Sinasadya ba talaga nyang pasakitan ako or ako lang itong si tang@ na nasasaktan kahit wala ng karapatan? Speaking of karapatan? Akala ko ba hindi nya matanggap ang pakikipaghiwalay ko? Kainis lang! Nung isang araw may paiyak-iyak pa sya nung nasa waiting shed kami at naghihintay ni Sis ng jeep.
Savior ko talaga si Reggie kanina. Kailangan kong magpasalamat sa kanya. Buti na lang at naandito ang mga kaibigan kong sina Reggie, Justine at syempre si Marlon para pagaanin ang kalooban ko.
Naputol ang pagiisip ko ng malalim ng biglang magsalita si Reg.
“Nicole, do you have a problem?” tanong nya sa akin.
“Huh?” ang nagulat na tanong ko.
“I was asking you a while ago kung bakit parang naginginig ka kanina ng sinundo kita? Bakit ba ang tahimik mo? Hindi mo ba nagustuhan ang biglang pagsulpot ko?”
“Ah yun ba? Walang kinalalaman yoon sa’yo. Teka, bakit nga pala bigla mo akong sinundo? Napakalayo naman ng Cavite dito sa Laguna ah?”
“Buti naman kung hindi pala ako ang problema. And to answer your question, diba naman sabi ko sayo liligawan kita? Liligawan kita kaya kumuha ako ng apartment dito sa may Carmona (A/N: Halos dulo yoon ng Cavite na nakadikit sa Laguna) para mas malapit tayo sa isa’t-isa.”
“Hindi mo naman kailangang gawin yoon kasi napakalayo naman nito pagpapasok ka sa school mo.”
“Walang problema doon Nicole. It’s just a matter of time management. Don’t worry ok.”
“Sige, ikaw ang bahala”
At natahimik na naman kaming dalawa. Ako nakatanaw sa labas ng bintana ng sports car at si Reg ay nagpatuloy sa pagdadrive.
“So, saan tayo?” tanong maya-maya sa akin ni Reggie.
“Sa bahay na lang. Ipagluluto na lang kita.” Sagot ko naman.
“That will be good! Masarap ka ba namang magluto?” nakangiti ito ng magtanong sa akin.
Oh my! Hindi ba alam ni Reggie kung gaano sya nakakaakit kapag ngumingiti? Napakaganda ng ngipin nya. Feeling ko, my heart skipped a beat.. hahaha!
Dumating na kami sa bahay at tinungo namin ang gate at binuksan ko ito.
“Ikaw lang bang mag-isang nakatira dito?” tanong nya sa akin ng bubuksan na ko ang padlock ng gate.
“Kasama ko family ko dito. Yoong utol ko nag-dodorm sa Manila. Sina Mama and Papa naman, lagi yoong busy sa work. Kung umuwi sila eh di andito sila. Paghindi sila umuwi eh di hindi.” Medyo may kalungkutang sagot ko. Kasi noon pa man lagi na lang busy ang parents ko sa work. Feeling ko wala silang masyadong quality time for us.
“Ipasok mo na lang kaya yoong car mo dito sa garahe mamaya kasi uuwi na yaang kapitbahay namin baka mahirapan silang magpasok ng sasakyan nila pag nakapark ka sa tapat.” Suggestion ko.

BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...