A/N:
Dedicated to you.. thank your for your generous votes! ^_^
Whew.. gabi-gabi update ko for my dear readers..
________________________________________________
AFTER 2 WEEKS:
SA HOSPITAL:
Inilipat si Justine sa ICU kasi kailangang mamonitor ito. Nung isang linggo ay biglang bumaba ang vital signs nito. Sabi ng doctor dapat daw ay kinabukasan gising na ito from anesthesia, pero parang ayaw na daw ata ng isip nito kaya bumagsak ang vital signs nito.
Ang payo ng doctor eh kausapin daw nila ito dahil tiyak namang naririnig nya. Kausapin daw nila ito para magkaroon ito ng inspiration para mabuhay muli.
Gabi-gabi ay nagbabantay si Nicole kay Justine. Minsan, silang dalawa ng Sis Bestfriend nyang si Marlon. Medyo nawawalan na sila ng time together ni Benett pero isa lang ang gusto nyang mangyari, ang maging ok na ang kaibigan. Kahit alam nyang hindi naman sya siguro ang dahilan ng pagkaka-aksidente nito ay nag-aalala pa rin sya talaga.
Napaka-swerte ni Nicole na napakamaunawain ni Benett pagdating sa kanya. Hindi ito nag-dedemand ng oras sa kanya, kaya feeling nya, mas naguguilty pa sya.
Nakasubsob sya sa may kama ni Justine habang kapit ang isang kamay nito na para bang mawawala ito.
Justine's POV:
Ah! Naririnig ko ang boses nila. Ang magulang ko, mga barkada ko, kamag-anak ko, at kahit si Benett... teka tama bang pati si Benett may ibinulong sakin? 'Pre, gumising ka na dyan. Nagseselos na ako wala ng oras sa akin si Nicole dahil sayo.' Mahina ang pagkakabulong nya pero alam kong malumanay naman yun. Kaya pakiramdam ko, mas gusto kong magtagal dito sa lugar na kinalalagyan ko. Masaya ako sa sinabi ni Benett.. ibig sabihin, laging kong kasama si Nicole? Pero nasaan siya?
Naririnig ko din ang madalas na pagbulong sa akin ni Nicole na gumising na daw ako namimiss na daw nya ako.
Ang huli kong narinig ngayon lang ay ang garalgal na bulong sa akin ni Nicole na sana daw eh gumising na ako. Nahihirapan daw syang makita ako sa ganitong kalagayan.
Ayaw kong mahirapan si Nicole kaya tumakbo ako ng tumakbo papunta sa kwartong maliwanag na nakikita ko. I have to get there! sa loob-loob ko.. kailangan kong pagaanin ang burdens ni Nicole. Ang bigat ng mga mata ko. Hindi ako makabangon. Nagconcentrate aq na kahit paano ay maigalaw ko ang mga daliri ko sa paa..
Aww! Sht! Masakit ang paa ko.
Tinigilan ko at ang mga daliri ko na lang muna sa kamay ang igagalaw ko.
Success!! Naigalaw ko!
Pinagalaw kong kasunod ay ang mga braso ko kahit ang pakiramdam ko ay ang bigat. Then isinunod ko ang talukap ng mga mata ko...
Sht! Ayaw!!
Sinubukan ko ulit pero ayaw. Nung ika-5 try ko...
Wahh!! Nasisilaw ako sa sobrang liwanag!
Liwanag na nung naka-adjust na ang mata ko mayamaya. Nakita ko si Nicole na nakasubsob sa tabi ko habang hawak ang palad ko.
Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko. Ang babaeng pinakamamahal ko... Bakit sya nagkaganito? Nakaharap ang mukha nya sa gawi ko kaya di ko mapigilang pagmasdan sya.
... nangangalumata.
... namayat ang mga pisngi nya.
... at may pinagdaanan pa ng luha ang pisngi nya.
Bakit ba sya nagkaganito? Hindi ba sya naaalagaan ng ayos ni Benett? O ni Paul?
Ahh! Pagkaalala ko kay Paul eh nagbalikan lahat yung sakit. Yung nakita ko...
..yung nagawa ko sa kanya
..yung pagiyak ko dahil sa sobrang guilty ko
..yung mga katanungan tungkol sa kanila ni Paul na hindi ko na nalinaw
..yung aksidente ko
..pagkahulog ko sa bangin.
Ah.... sumasakit ulo ko!!
Pero sa lahat ng yun, isa lang napatunayan ko..
Siguro mahal din ako ni Nicole kasi lagi ko halos naririnig ang bulong nya sa tenga ko nung tulog ako.
Lahat ng tampo ko kay Nicole ay nawala ng makita ko sya ngayon. Tumingin ako sa paligid nakita kong mag-isa lang sya dito. Tiniis nyang magsolong magbantay sa akin? Ganun ba talaga ako kaimportante kay Nicole? May awang humaplos sa puso ko.
Hinaplos ko ang buhok nya ng kabilang kamay ko at yung isa na hawak nya ay pinangpisil ko sa kanya.
Nagising ko ata sya dahil bigla syang napakislot at umupo na ng maayos habang titig na titig sa akin. Ibinaba ko naman agad yung kamay kong nasa buhok nya nung napansin kong gumalaw na sya.
"Justine ok ka na? May masakit ba? DOOOKKK!" tanong nya sa akin at sigaw na din para tawagin ang doctor ko.
"Tu..tu..tubig..." yun lang nasabi ko. Nahirapan kasi ako kanina sa pagtakbo papunta dun sa maliwanag na kwarto? Teka maliwanag na kwarto? Lugar na solo lang ako? Hindi kaya napasilip nako kanina sa kabilang buhay? Nasa langit ba ako kanikanina lang at bumalik lang dito sa lupa?
"Dok.. Nurse.." tawag ni Nicole na binuksan ng konti ang pinto sabay kuha ng tubig sa baso at abot sa akin.
AHHHHHHHHHH!!!!!
Uhaw na uhaw ako. Iaabot ko pa lang ang baso ng magpasukan na ang mga nurse at isang doctor na patakbo pang lumapit sa higaan ko. Chineck yung mga tubo nkakabit sa katawan mo. Meron sa dibdib, sa daliri, sa katawan.. kahit kanina pati sa ilong, tinanggal ko lang.
Napaisip ako...
Namatay nga ba ako at bumalik lang sa katawang lupa ko?
Abangan.
___________________________________________
A/N: Be a fan, VOTE and leave a comment. Yoong may nice review ang pagdedicatean ko ng chapters.
Thank you po!
![](https://img.wattpad.com/cover/3147123-288-k919365.jpg)
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomantikAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...