Chapter 43

2.5K 32 4
                                    

A/N:

Nasa vacation sa province parents ko.. unli use of laptop ito. Yehey!!

Please vote and leave a comment.

___________________________________________________

After lunch, sa bahay pa rin ni Nicole. Napagdesisyunan ng dalawa na mag-movie marathon daw sila. Nanood sila ng "A THING CALLED LOVE". (A/N: Maganda po yan watch nyo sa you tube starring Mario Maurer..heheeh.. i-plug daw ba?) Magkatabi sila ni Benett sa sofa habang kumakain ng minicrowave ni Nicole na popcorns. Nakahilig ang ulo ni Nicole sa balikat ni Benett habang ang kanang kamay naman ni Benett ay nakaakbay sa balikat nya.

Sinusulit ng magkasintahan ang mga oras na hindi sila nagkasama dahil sa tampuhang pinagdaan nila. At ngayon, back to sweet moments sila na parang walang nangyari.

Tatayo sana si Nicole para kumuha ng drinks nila sa ref pero nung patayo siya ay hinawakan ni Benett ang wrist nya sabay sabing, "ako na lang kukuha, Babe. Pinagsilbihan mo ako ng buong magdamag, ngayon time ko naman para bumawi" sabi ni Benett sabay kindat.

Namula naman ang mga pisngi ni Nicole. Hanggang ngayon, hindi nya pa rin mapigilang kiligin kapag ganoong pinupuri sya ni Benett ng harapan. Tumango nalang si Nicole sabay bigay ng napaka-sweet na ngiti sa bf nya.

Maya-maya ay bumalik na si Benett dala ang juice at pinaglagay nito ng juice sa baso si Nicole sabay kiss sa pingi nya.

'"Ah.. nakakarami ka na huh.. Napakadaya mo! Mukhang masyado kang nageenjoy!" Sabi ni Nicole sa kanya.

"Syempre naman Babe, matagal din tayong nagtiisang dalawa, so dapat bumawi. Kunyari ka pa kinilig ka naman"  sabi nya na my halong panunudyo sa gf nya.

"Kilig? Ako? Hindi kaya!" sabi naman ni Nicole na may halo pang pag-pout na kunyari ay nagtatampo.

"Ganoon pala huh...." pagkasabi nun ni Benett ay kiniliti nya ng kiniliti si Nicole sa may taas ng bewang nito.

"wahh...ha....ha...ta...ma...hha....na...ta...hha....ma...na.." sabi ni Nicole habang tawa ng tawa.

Pinilit ni Nicole na tumayo para makadistansya kay Benett.. Pero hinabol sya nito. Nagpaikot-ikot sila sa upuan. Napaka-sweet talaga nilang tingnan. Nang mapagod na eh napaupo na si Nicole sa set at habol ang hinga na tinaas na dalawang kamay nya.

"Babe, ayoko na... ah..ah...ahh... Pagod na ko.." sabi ni Nicole na ngayon ay hingal na hingal na at kapit ang dibdib.

Tumabi naman sa kanya si Benett at kinapitan ang isang kamay nya sabay tanong, "Napagod ka ba Babe? Sorry!" tapos hinalikan nya ang kamay ni Nicole.

Si Nicole naman ay kilig na kilig. 'Ay Babe, bakit ba hindi mo maiwasang bigyan ako ng ganitong pakiramdam. Ang feeling of contentment?' piping tanong ni Nicole sa sarili nya habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa mga mata ni Benett.

Umiling naman si Nicole sa tanong ni Benett. Medyo natagalan syang sumagot dahil sa pagtitig sa mga mata ng boyfriend nya. 

"Ayos lang naman ako. Ikaw ang inaalala ko" kinapa ni Nicole ang noo nya. "Wala ka ng sinat ah. Baka lagnatin ka na naman pag nabinat ka dahil dyan sa kaharutan mo.." seryosong nagaalala sya para sa kanyang nobyo.

"Magaling na ako. Thank's to my loving and devoted nurse" sabi nito sabay kindat.

"Syempre naman.. Mahal na mahal ko kaya itong kyut na alaga ko.."  nakangiting sagot ni Nicole sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Benett.

"Babe, masakit... ah... Baka mamaya pagpumangit ako kahihila mo sa pingi ko ay ipagpalit mo na ako sa iba"  sabi nya na kunyari ay naglulungkot-lungkutan.

"Hindi kita ipagpapalit Babe. Diba pinagusapan na natin ito? Ang bawat isa sa atin ay importante sa bawat isa. Kapag ang isa ay nawala, hindi makakahinga ang isa. Tandaan mo yan Babe" sabi ni Nicole na nakahawak na naman sa magkabilang pisngi nya.

"Sana nga Babe! Tandaan mo lang Babe, hindi ako perpektong tao, madami akong pagkakamali, maraming kulang sa akin pero sana wag na wag mong maiisip na ipagpalit ako sa iba. Sa pagdaan ng mga panahon may makikilala tayong ibang tao na meron sila pero wala ang ating taong minamahal, pero tandaan mo, kung ano mang meron ang makikilala natin sa future, meron din tiyak na katangian ako, na wala siya. Dahil hindi perpekto ang tao Babe. Maaring may katangian sya na higit sa akin, pero I'm 100% sure na may katangian din ako na wala sya. Pag ang ganoong tukso ay inentertain natin, hindi na tayo magkakaroon ng contentment. Hindi na tayo sasaya. Habang buhay na tayong papalit-palit ng kapareha"  ang sobrang habang paliwanag ni Benett na ngayon ay niyakap na sya palapit sa dibidib nya.

"Ang haba naman ng sinabi mo Babe.." sabi ni Nicole habang teary-eyed ng nag-aangat ng mukha paharap kay Benett.

Pinunasan naman ni Benett ang mga luha nya at unti-unting palapit ng palapit. Si Nicole naman ay napapikit na, alam nya na ang susunod na gagawin nito.

At hindi nga sya nagkamali! Binigyan sya ni Benett ng isang makaubos hingingang passionate kiss.

"Babe, sana this time maging open na tayo ha. Para hindi na tayo ulit aabot sa misunderstanding" bilin a kanya ni Benett habang nakadikit ang noo ni Benett sa noo nya.

"Oo naman. Lesson learned na iyan para sa atin" honest na sagot naman ni Nicole.

Niyakap na naman sya ni Benett ng ubod ng higpit kaya yumakap na rin sya.

Para kay Nicole, sana hindi na sila ulit gupuin ng mga pagsubok na dadating.

Para naman kay Benett, tanging si Nicole.. at si Nicole lamang ang kukumpleto sa pagkatao nya.

Tinuloy na ulit nila ang panonood ng Thai Movie.

______________________________________________________________________

A/N: I know, lame update ito. sorry!

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon