A/N: Yehey! May nagbabasa na nitong story ko...Kailangang magupdate, nakakahiya naman sa kanila. Add nyo naman po sa reading list nyo or please vote or leave a comment para makilala ko kayo. ^_^
1-19-13
_______________________________________________
Sa School:
Nicole's POV:
Tapos na ang aming last subject pero hindi pumasok si Benett. Gusto ko sana siya itext, kaso ayoko namang ang dating eh parang gf ako na hinahanap ang bf... so tiis na lang papasok din naman yun.
Kaninang lunch break namin, kinuwento ko kay Marlon lahat ng mga nangyari sakin kahapon. Sobrang galit din si Bez sa Ex kong yon. Wag na wag nya daw itong makikita ay lagot ito. Si Bez naman kahit isang gay yan eh lalaking-lalaki pa din bodybuilt nyan huh. At pogi ang Bez Marlon ko! Sayang nga lang at sinayang niya lahi niya dahil hindi na siya makakapagasawa at magkakaanak.
Nauna akong umuwi ngayon sa kanya kasi my group study pa sila ng mga kaklase niya. Dumaan muna ako sa locker then sa canteen para bumili ng softdrinks kasi nauuhaw nako bago ko napagpasyahang umuwi na.
Palabas na ako ng gate ng makita kong nakaupo sa may pathway si Paul. Kainins! Bakit ba andito ito sa madadaanan ko?? Kung may ibang way out lang itong school namin eh sana doon ako dumaan...:(
Solo siyang nakaupo doon na medyo nakatungo at nagtetext kaya nagmamadali akong dumaan para di niya ako mapuna habang busy siya.
Kaso hindi nakisama sa akin ang pagkakataon, pagdaan ko ay syang pagtaas ng ulo nya.. Hay! Anu ba yan?!?
"Nicole....Nicole.. Ui.. Niiiccooollle.." sigaw niya. Pero parang wala akong naririnig diretso lakad lang ako..
Exit.. exit... malapit nako..
Kaso tumayo siya at tumakbo sa likod ko, sabay hila sa kanang braso ko.
"ANU BA YUN?" pasigaw kong sabi sa kanya. Sawang-sawa na ako sa ugali ng bwisit na ito.
Benett's POV:
Miss na miss ko na si Nicole kaya dadaan ako sa school. Hindi ako nakapasok kasi nasobrahan ako sa hangover kagabi. Sumama ako sa tropa ko kasi naiinis ako kay Nicole tawag ako ng tawag sa kanya kagabi dahil yaayain ko sana siyang magsimba kaso hindi naman niya sinasagot cp niya. Kainis lang diba? Pero di ko magawang tuluyang mainis sa kanya kasi namimiss ko siya. Sinadya ko siyang hindi itext kasi baka masaktan lang ako pag di sya nagreply kaya mas minabuti kong puntahan na lang sya. At least makikita ko pa sya ng personal.
Nasa loob nako ng campus pinuntahan ko sya sa room namin kaso mukhang maaga kaming nagdismissal ngayon. Hinanap ko siya sa library pero wala siya dun. Naisip kong umuwi na lang ng makita ko ang classmate namin at pinagtanung ko kung nakita niya si Nicole ang sabi niya ay palabas na daw ito.
Halos takbuhin ko na ang labas ng gate ng matanaw ko siya na kapit ng isang lalaki ang siko... Napatigil ako sa kinatatayuan ko at pinanuod ko sila sa medyo malayo-layo ko pang lugar mula sa kanya.
Justine's POV:
Kagabi nag-aalala ako kay Nicole kung anung nangyari sa kanya at saglit lang akong nawala pero pagbalik ko, para na siyang basang sisiw at mangiyakngiyak pa. May umaway ba sa kanya sa party ng tito ko? Hindi ako halos nakatulog noon ng ayos kaya napag-isipan kong sunduin siya ngayon. Nagbabakasakali akong ngayon eh magkwento na sya sakin kung anu ba talaga nangyari sa kanya kagabi.
Nag-iwan ako ng i.d. sa guard at ilang hakbang lang mula sa guard house ay nakita ko si Nicole. Tuwang-tuwa akong makita siya ngunit pagtingin ko may lalaking nakakapit sa siko nya. Tiningnan kong mabuti parang kilala ko yun ah si Paul. Si Paul ang bf ng pinsan ko. Dito pala sya nagaaral? Medyo nagtago ako ng konti sa isang poste at pinanuod ko kung anung mangyayari sa kanila...

BINABASA MO ANG
One Hello!
Storie d'amoreAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...