Chapter 38

2.2K 29 5
                                    

Please vote and leave a comment..

Thanks!

_________________________________________________

After a Month:

One Month… one month na ang nakakaraan. Gustong-gusto na nila kapwa magkabati pero para kay Nicole nangingibabaw ang takot na muling mangyari ang sakit ng naranasan nya sa mga kamay ni Paul. Hindi man physically pero emotionally..

Wala na syang ginawa kundi umiwas kay Benett. Sila naman ni Justine ay ok na at patuloy pading naging close. Close friends na lang talaga. Si Reggie naman ay patuloy pa ding nanliligaw sa kanya. Hindi na ito sinaway ni Nicole dahil kahit paano ay nasisiyahan sya sa attention na binibigay nito sa kanya.

Si Lea naman ay patuloy pa din ang pagpapansin kay Benett kahit tuwiran itong itinataboy nya. Bukod kay Lea ay dumarami na rin ang mga secret admirers ni Benett lalo na ng mabalitang wala na sila ni Nicole. Palaging andaming love letters sa locker nya galing sa iba’t-ibang babae.

Sa School nila Nicole:

Kasalukuyang break nila for lunch ng makita ni Nicole at Marlon si Benett na kasama ni Lea sa table. Pigilan man nya ay hindi nya maikailang nag-seselos sya at nasasaktan. Hindi nya gustong may kasama itong ibang babae at lantaran pang pinakikita sa kanila. Kung bakit naman nung mapadaan sila ni Marlon sa mesa ng mga ito ay parang sinadya pang inakbayan ni Benett si Lea.

Nawalan na tuloy ng gana si Nicole na kumain pa kung hindi lang talaga dahil sa pamimilit ni Marlon ay hindi sya kakain. 

Hindi nya maiwasang hindi mapasulyap sa mesa ng mga ito at napansin nyang nagbubulungan ang mga ito. Pigil na pigil syang sabunutan si Lea at sampalin si Benett. So, ipinagpatuloy na pala talaga nila ang relasyon nila?ang tanong ni Nicole sa loob-loob nya. Ewan ba nya pero nung mapalingon si Benett sa gawi nya ay feeling nya nakangisi pa ito sa kanya.

Bwisit na bwisit sya. Sa classroom kasi ay hindi sila nagpapansinang tatlo. Nagkahiwalay na rin sila ng upuan ni Benett dahil parehas silang lumipat ng upuan. Iniwan nila ang dati nilang row.

Si Benett naman ay parang kinakabahan ng dumating na ang lunch time na yun. Kinausap kasi sya ni Lea kanina na sabay na daw silang mag-lunch. Ang payo pa nito sa kanya ay hayaan na lang daw nyang lagi silang magkasama ni Lea dahil para mapag-selos si Nicole. Hindi man daw nya ito makausap ng maayos, at least pagsumabog na ang selos nito ay tiyak na ito na mismo ang gagawa ng paraan para magkausap sila.

Hindi na sya kumontra dahil desperado na sya. After all, magagamit nya naman talaga si Lea para pagselosin si Nicole.  At the same time walang commitments kasi alam naman ni Lea kung ano talaga ang plano. At saka mukha namang nag-eenjoy din si Lea dahil alam na alam nyang type sya nito. So, itong pagdadrama nila ay for the benefit of both of them.

At mukhang tama nga si Lea. Kitang-kita nya kung paano ito nawalan ng gana ng bigla nyang akbayan si Lea nung dumaan sila ni Marlon sa harap nila. Nakita nyang from nakangiti ito ay bigla itong napasimangot.

1 point sya doon.

At ng mapalingon sya, dahil nag-aalala din sya na baka hindi ito kumain, ay nakita nyang napatungo na lang ito ng nigisihan nya ng nakakaloko.

2 points!

Pero, tama ba talaga itong gingawa nya? (A/N: Ano sa palagay nyo?) Baka imbis na maibalik nya si Nicole sa tabi nya ay lalo lang lumayo ang loob nito sa kanya. Pero ito na eh, nasimulan na. So why not try kung tama ang theory ni Lea?

After 20 mins. ay nakita nyang umalis na ang magkaibigan. At obviously ay affected ito sa nakita nitong drama nila ni Lea dahil sa kabilang pinto ito dumaan palabas ng canteen nila.

3 points!

After na makita nyang lumabas na sila Nicole at Marlon ng canteen ay niyaya nya na ring bumalik sa classroom si Lea. Ayaw pa sana ni Lea pero tumayo na sya at iniwan ito, kaya wala itong nagawa kundi humabol na lang sa kanya.

Uwian na:

Uwian na nila at nakita nyang nagmamadaling lumabas na si Nicole. Hinila nya na rin agad si Lea para sundan ito. Umikot sila sa shortcut para mauna sila sa paglabas ng gate kay Nicole. At eksakto, nauna nga sila ni Lea noong malapit na sila sa gate. Nakita nyang lumabas ito galing sa kanan ng daan samantalang sila ni Lea ay galing sa kaliwa.

Hinolding hands sya ni Lea at di na sya pumalag dahil nakikita na nyang padating na si Nicole.

Nagkasalubong sila sa gitna ng daan at nakita nyang napatungo ito pagkasulyap nito sa kamay nilang magkakapit.

4 points!

Mukhang nag-eenjoy sya sa nakikita nyang reaksyon ni Nicole.

Nagpatiuna na ito sa paglakad palabas ng gate ng school habang sila ni Lea ay nasa likod nito. Tinanggal na agad nya ang pagkakakapit ni Lea sa kamay nya ng nasa unahan na nila si Nicole.

Palabas palang sila ng gate samantalang si Nicole ay nasa labas na ng may makita syang lalaking kumuha ng bag ni Nicole ay hinawakan ito sa siko at isinakay sa red sports car nito.

SHT!!!!

SINO YON??

BOYFRIEND NYA BA YUN?

Yaan ang mga bagay na gusto nya sanang isigaw pero pinigil nya. Napakuyom na lang ang palad nya sa inis. Gusto nyang sapakin ang mukha ng lalaki lalo pa at ng tingnan nya ito ay di maipagkakailang gwapo din ito at matangkad, maganda ang katawan, at mukhang si Nicole lang ang nasa mata nito....

Pero ganun pa man, 'e ano naman mas gwapo, matangkad at simpatiko naman ako dun!' Ang pagkumbinsi ni Benett sa sarili nya.

Sa sobrang badtrip nya ay sumakay na agad sya sa kotse. Di na sya nagpaalam kay Lea at pinaharurot ang sasakyan.

Ngayon na-realize nya ang naipon nyang 4 points kanina ay natumbasan naman ni Nicole ng 10 points! 10 points ang pagsukat nya sa selos na nararamdaman nya!

__________________________________________

A/N:

Ano kayang mangyayari? Sino yoong sumundo kay Nicole?

Hmmm... lehmesee...

AngelMelay..

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon