Chapter 53

2.5K 30 7
                                    

A/N:

Kindly vote naman po and leave a comment to be recognized. Thank you!

___________________________________________

Wala sa sariling tumawid si Leah at muntik ng masagasaan ng isang kotse ng bigla itong mahimatay sa takot dahil akala nya tinamaan sya. Bumaba agad ang driver ng kotse.

"Hey, ok ka lang?" tanong ni Benett kay Leah na puno ng pag-aalala ng lapitan nya ito at kandungin ang balikat at ulo nito sa kanyang mga hita paglapit nya dito.

Niyugyog nya ang balikat ni Leah dahil hinimatay ito. Pinasadahan nya naman ng tingin mula ulo hanggang paa nya. Wala naman syang makitang sugat dito. Medyo nawala na ang pag-aalala nyang baka nabundol nya ito.  Tinapik-tapik nya na rin ang pisngi nito ng mahina lamang para matauhan na ito.

"Leah.. Leah, gising ui.. Leah, ayos ka lang ba?" Tanong nya. 

Nakuha ang attensyon nya ng marinig nya ang malakas na pagtunog ng wang-wang..

Wang..

Wang..

Wang..

'Ano kaya yoong wang-wang na yun?' tanong nya sa sarili nya. Lumingon-lingon sya paligid nya habang nakapatong pa rin sa kanya si Leah dahil hindi pa ito natatauhan.

Paglingon nya sa kabilang kanto na alam nyang tapat na ng school nila ay napansin nyang ang daming nagkumpulang tao. May mga pulis pa nga. 'Ano kayang nangyari sa may school namin?' tanong nya sa isip nya.

Ibinaling na lang nya ulit ang attensyon nya kay Leah. Binuhat na nya ito ng bridal style. Tumayo na sya habang pangko si Leah. Papunta na sya sa tapat ng passenger's seat ng kotse nya para ipasok sana doon si Leah ng dumaan sa tagiliran nya ang pinanggagalingan ng wang-wang. 'Ambulansya'  ang napagalaman nya sa dumaan na sasakyan. And out of curiousity ay sinundan nya ng tingin kung saan ito patutungo. At hindi sya ngakamali, sa tapat ng school nila. Pumunta iyon sa kabilang kanto. Hindi nya maexplain pero lumakas ang kaba nya. Sobra kabog ng dibdib nya.

Ibinalik nya attention nya kay Leah. Iniayos nya ang passenger seat. Nang ibinaba nya ito sa upuan ay agad syang niyapos nito.  "Benett, si Nicole..." sabi nito pagkamulat ng mata.

Nakakunot ang noong tinanong nya si Leah. "Ayos ka lang ba?" tanong nya dito habang inaalalayan nya itong makalabas ng kotse kasi napansin nyang lalabas din ito ng matauhan ito..

Pagkatayo ni Leah mula sa pagkakaupong pangsumandali kanina ay humahagulhol na itong sumobsob sa dibdib nya.

"Benett, si Nicole...... sorry..sorry... huhuhu! Si Nicole, Benett.... huhuhu!" sabi nitong paulit-ulit.    

Marahas nya itong inilayo sa katawan nya. Hindi nya ito maintindihan pero hindi nya nagugustuhan ang abot-abot na kabang nadarama.. Hinawakan nya si Leah sa magkabilang balikat at inilayo sa dibdib nya sabay alog dito ng malakas.

"ANONG NANGYARI KAY NICOLE? SUMAGOT KAAA!" sabi nya na ngayon ay nakasigaw na.

Tinakpan ni Leah ng mga palad nya ang mukha nya at patuloy na umiyak habang nakatungo.. "So..soh..sorry... Nabundol sya ... huhuhu... ayun oh..."  sabi ni Leah sa pagitan ng pag-iyak.

Sa sobrang galit nya ay dinuro nya ito at sinigawan. "HINDI KO ALAM KUNG ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO KAY NICOLE PERO KAPAG MAY NANGYARI SA KANYA, WAG NA WAG MONG PAKIKITA SAKIN KAHIT ANINO MO... DADALHIN KITA SA IMPYERNO. WALANG HIY@ KA!!!" namumula sa galit habang dinuduro si Leah.

Pagkasabi noon ay sumakay sya sa kotse at humarurot na papunta doon sa nagkakagulo. Kung lalakarin ay 55 steps lang naman ang layo doon sa pwesto nila ni Leah kanina.

Bumaba sya agad ng kotse at lumapit sa ambulansya. Nakita nyang pasara na ang pinto at sakay doon si Marlon at Paul. Teka, si Paul? Pero wala na syang panahon pa para sa bagay na yan. Bago sumara ng tuluyan ang likod ng ambulansya ay napalingon si Paul sa kanya habang kitang kita nya na nakakapit ito sa kamay ng duguang pinakamamahal nyang si Nicole.

"ASIAN HOSPITAL BENETT!!" sigaw nito sa kanya. 

BUG. Sumara na ang pinto ng ambulansya at umusad na.

WANG.

WANG.

Tumatakbong bumalik sya sa kotse nya at sinundan ang ambulansya.

Umiiyak pa din sya habang nagmamaneho habang nagdadasal. "Ama, iligtas nyo po ang inyong anak na si Nicole. Mahal na mahal na mahal ko po sya. Hindi ko po kayang wala sya. Parang awa nyo napo Ama, iligtas nyo sya.. huhuhu!" ang sabi nya habang ang kanan nyang kamay ay nakahawak sa rosaryong nakasabit sa salamin sa harapan nya sa parteng taas ng kotse.

Sana sa kanya na lang nangyari ang lahat ng ito. 'Ano nga ba ang nangyari at ang kulay ng magandang gown na binili namin ay naging pula?' tanong nya sa sarili nya.

_______________________________________

A/N: Please vote naman po. Ano kayang mangyayari?

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon