Nicole's POV:
Syemay! I can feel the fire between the eyes of this two guys!
So, para na lang mawala ang tension sa dalawang ito sinikap ko na ibalik ung topic sa pinagkukwentuhan namin ni Justine.
kwento.. Kwemto...
Tawa. Tawa. Tawa.
Mukhang wrong move ang ginawa ko kasi si Benett na nsa tabi ko eh tahimik lang at nakatitig lang samin.
Parang dumidilim ang aura nitong katabi ko. So, para mawala ang tension, na ramdam na ramdam ko, sinabi ko kay Benett na.. "Ay Benett, wala na pala akong beer pwedeng paki abot naman nung isa?" habang minumwestra ko yung bote ko na wala ng laman.
Si Justine na hindi naman narinig yoong sinabi ko, nabasa lang ang gusto kong ipahiwatig eh nakipag-unahan sa pag-bubukas ng beer.
Halos sabay silang nag-abot sakin pagkatapos ay nagpalitan ng matatalim na titig sa isa't-isa.
Para lang hindi magkainitan eh nagsalita na ako ng halos pasigaw para lang marinig nila ang sasabihin ko.
"Wow! Lalasingin ninyo ba akong dalawa? Pero di bale, iinumin ko ito pareho para walang samaan ng loob. hahaha!"
Pinipilit kong pagaanin ang mood para lang walang gulo pero di ako nagtagumpay! Matindi pa rin ang titigan nilang dalawa.
"Oopps! Chill lang guys! Be cool please?" nagtagumpay naman ako at nagbitiw din sila sa pagtititigan.
Medyo nahihilo na rin ako kaya ng makalahati ko ung 2nd bottle, which is yoong bigay ni Justine eh nagyaya nakong umuwi.
"Tara na Nicole, hatid na kita sa hotel ninyo." sabi ni Benett.
Tatayo na sana si Benett kaso hinihila naman ako ni Justine sa kamay paupo.
"Wait lang Nicole, ubusin lang natin yoong beer at antayin nyo lang yoong billout natin."
Ay oo nga naman! Magbabayad pa nga pala kami. Kaso itong si Benett ay biglang nagsalita ng "Pare, eto yoong share namin ni Nicole, sayo na sukli huh" tapos hinihila na niya ako patayo.
Kaso makulit din itong si Justine ayaw pakawalan pagkakakapit sa kamay ko sabay sabing "Nicole, kaanu-ano mo ba iyang kapreng yaan? Diba ako ang kasama mo kanina tapos ngayon iiwan mo ko?"
"Oo nga naman Benett, sabay-sabay na lang tayong lumabas dito" sabi ko naman.
"Pero babe, lasing ka na, halika na.." sabi ni Benett.
Pero babe, lasing ka na, halika na.
Pero babe, lasing ka na, halika na.
Pero babe, lasing ka na, halika na.
Opps! Mind processing.. Anung babe sinasabi nito?
" Aantayin ko nga kasi si Justine.. saka babe? Hello?" sabi ko naman.
"Kaano-ano mo ba sya Nicole?" di na napigilang tanong ni Justine.
"Boyfriend niya"
"Wala kaibigan ko lang!" ang halos sabay naming sagot ni Benett at nagkatinginan kaming 2. Yoong tipong anung sinasabi mong look?
(>__>) (<__<)
" Hindi ka naman pala boyfriend eh.. "
Wrong sentence dahil nabwisit na talaga si Benett sinuntok na ng isa si Justine..."ANG KULET MO BWISIT KA... KANINA KA PA!!!"
At dahil nasaktan si Justine, sinuntok naman nito si Benett..
Suntok.
Suntok.
Palitan sila ng suntok.
Dahil sa away nila nagsitayuan at nagsipagpuntahan na sa tabi namin ang mga tao. Agad-agad namang lumapit samin sina Marlon at nakiawat.
" G@GO BA KAYO?? SHT TAMA NA NGA!" sigaw ni Sis Marlon na hirap na hirap ng umawat.
Hinihila ko at ni Andy si Justine. Samantalng hinihila naman palayo nina Marlon, Jeff at Marc si Benett.
Napakalaking tao kasi kaya 3 silang may kapit kay Benett.
Sina Don-don naman eh sa gitna pumwesto na naka dipa ang kamay para tuluyan ng di magabot ang dalawang ito.
Nakawala si Benett sa kapit nila at sinuntok si Justine...
....pero pagsuntok niya....
SHT ! AKO ANG TINAMAAN!
Sinagad ko na full volume ng boses ko habang hinihimas mukha kong natamaan ni Benett habang inaawat namin sila..."P**yeta kayo! Pati ako nadadamay na sa inyo! BAHALA KAYO JAN..." Sa kabadtripan ko eh iniwan ko na sila doon.. Dirediretso akong lumabas...
"Wait Nicole..."Tinakbo ako ni Benett palabas na kasi ako ng bar na yun at hinila niya ako sa braso.
Iwinawaksi ko ang kamay niya pero imbes na matanggal, tumungo si Benett at binuhat akong parang sako ng bigas... Pinaghahampas ko si Benett sa likod niya, kasi duon nakaharap na nakalawit ang ulo ko. Pero di niya ininda yun. Nakita kong paparating na si Justine( na di naman nakita ni Benett dahil nakatalikod na sya sa gawi ng bar) kasunod ang aking mga becky at marahas na hinaltak ni Justine ang braso ni Benett at agad naman itong humarap sa kanya. Sinuntok ni Benett si Justine sa may labi, dumugo ito at gumanti si Justine, sinutok niya si Benett sa sikmura..
Pagkasuntok niya, napa-upo si Benett na naging dahilan para mabitawan ako.
At ang huli kong natatandaan ay bumagsak ang ulo ko sa matigas na bagay and presto!.............
Dumilim ang paligid ko!
_____________________________________________
Sorry korni update.

BINABASA MO ANG
One Hello!
RomantikAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...