A/N: Gawa na netbook ko.. I can update na until mapagod.. hehehe! Mahirap kasi mgupdate sa iPhone ko, wlang italic and bold letters.
_______________________________________
Everything was going smoothly sa mga life nila. Si Leah ang kapal ng mukha na deadma-deadmahan kinabukasan sa School nila after ng nangyari kay Nicole.
Year-end Party:
Sa school nila ay may Annual Year-end party. Mas magarbo pa ito sa Prom Night. Isa itong party para sa natapos na school year. Kasali dito ang all year levels. Ang mga graduating, ang mga 3rd year na fourth year na next school year, 2nd year na magiging 3rd year, at 1st year na magiging 2nd year sa June.
Year-end night na nila Nicole ngayon. Sabay sina Marlon at Nicole kasi malalate daw ng konti si Benett dahil may problem lang konti sa bahay. Mataas ang presyon ng Mom ni Benett at hindi nya maiwan dahil wala pa ang Daddy nya. Ayaw naman nyang iwan lang ang kanyang Ina sa pangangalaga ng katulong nila. Papa ni Nicole ang naghatid sa kanila. Ayaw na sanang umattend ni Nicole ng party kaso may inassign sa kanya ang adviser nya.
Si Nicole ang mag-lelead ng Cotillion de Amor at ang kapartner nya of all people ay ang walang kwentang si Paul! Senior sya pero Sophomore ang pinartner sa kanya. Hindi nya kapartner si Benett kasi nawalan ito ng time para magpractice para sa Cotillion kasi busy ito sa preparation para sa swimming competition nila dati.
Napakaganda ni Nicole sa kanyang long silver gown (A/N: Ayun sa right side ang pic ---->>). Pero malungkot sya kasi ano pang silbi ng ganda nya kung wala pa ang mahal nyang kapareha..
Nagsimula na ang program. Ang kasama nya sa mesa ay ang kanyang Bestfriend at Schoolmate na si Marlon. Sabi nito kay Nicole sasamahan daw muna nya si Nicole habang wala pa ang escort nya for tonight.
After 30mins, wala pa din si Benett. Hanggang sa tinawag na silang magsasayaw dahil susunod na daw sila. Andito silang mga sasayaw ng cotillion sa backstage habang nagreready kasi susunod na sila.
"Nicole, tuloy na ba talaga ang kasal nyo?" mahinang tanong sa kanya ni Paul at tumabi sya sa pagkakaupo ni Nicole sa bangkong pang dalawahan lang.
"Oo" ang walang kagana-gana nyang sabi na hindi man lang ito tinatapunan ng tingin.
"Galit ka pa ba? Sorry ha? Kung nagpakatino lang sana ako ng trato sayo, baka tayo na ang ikakasal sa April" ang malungkot na sabi ni Paul.
"Hindi mangyayari yun kasi hindi talaga tayo nakatadhana para sa isa't-isa" ang sagot nyang hindi pa rin nalingon dito bagkus ay tinitingnan nya ang mga kasamahan nilang magsasayaw na abalang-abala sa pag-aayos at pagreretouch.
"Siguro nga. Alam mo Nicole, mahal pa rin kita. Nagsisisi nga ako bakit hiniwalayan pa kita. Ngayon ko lang napag-isip-isip na sana tutal hindi pa naman kayo kasal ay baka pwedeng buksan mo ulit ang puso mo sakin. Malay mo, tayo pala talaga, at naging instrumento lang si Benett para matauhan ako sa di magandang naging trato ko" sabi ni Paul sa kanya pero hindi nya masyadong iniintindi.
Hinawakan ni Paul ang magkabilang balikat nya at iniharap sya sa kanya.
"Mahal pa rin kita Nicole, please love me again" sabi nito sa nagsusumamong boses kaya at last, tiningnan na sya ni Nicole sa mata at sinagot nya ito ng...
"Sorry Paul, hindi na kita mahal. At hindi ko makita ang sarili ko na ikakasal sa iba maliban kay Benett" ang sagot nya habang nakatitig sa mata. Pagumiwas pa kasi sya, baka isipin pa ni Paul na kasi affected pa sya.
"Ganoon ba?" ang sagot ni Paul na napansin naman ni Nicole na namamasa na ang mata.
" LET US ALL WELCOME... THE COTILLION REPRESENTATIVES OF COLLEGE DEPARTMENT " sabi ng Emcee sa mic.

BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...