A/N:
Minamadali ko na talaga ito... hahha! VOTE AND LEAVE A COMMENT!
_________________________________________
Ang last round ay ang paglalaban ng tatlong nanalo sa tatlong division. Ang fourth division ay ang Dolphin Style division. Ang magkakalaban sa unang lane ay si Benett, sa second lane ay si Reggie at sa 3rd lane ay yoong Jason.
Pigil ang hininga ng mga kaklase ni Nicole at ng barkada nila. Pero ang mas pinaka-kinakabahan ay si Nicole. Although andun din si Reggie at ito ay kaibigan nila, syempre kanino mas malakas ang cheer nya? Kanino pa ba eh di sa nagiisang Prinsipe ng buhay nya kay Benett.
Pray..
Pray..
Pray...
Baannggg.... GOOOO!
At lumangoy na ang mga contestant. Si Nicole at Marlon ay parang maiihing hindi malaman. Si Nicole nagchecheer kay Benett pero si Marlon ay parang hati ang boto.. crush nya kasi si Reggie.. landi lang.. hahah!
KRRRIIIINNNGGG!
Finish line. At ang nanalo ay si..........................
REGGIE 1'03'34''
BENETT 1'03'40''
JASON 1'05'09"
Naghiyawan sina Justine at ang buong tropahan ni Reggie. Ang cheering squad ng school nina Reggie ay nagingay din.
Hindi man nanalo si Benett pero at least maganda naman ang time na pinakita nya. Halos gahibla lang sa point ng seconds nagkatalo!
Kinongratulate pa rin ng mga kaklase ni Reggie si Nicole at nakita nilang kinongratulate ni Reggie si Benett habang nakalublob pa sila sa pool.
Hindi man nanalo si Reggie sa puso nya, pero panalo naman ito sa sport na sinalihan nila.
Ang mga kaklase nila Nicole ay lumapit na kay Benett ng umahon na ito sa pool. Pati ang mga teachers nila ay kinongratulate sya. Hirap na hirap makalapit si Nicole sa dami ng nagsisiksikan. Nakita naman nyang tinatanaw sya ni Benett habang nakikipag-siksikan sya para makalapit sa kanya. Nakipagsiksikan si Nicole para makalapit kay Benett. At ng medyo malapit na sya ay...
.
..
...
....
BOOGGGSSHHH!!!!
Binangga sya ni Lea para mahulog sya sa pool. Sa katulad pa naman nyang marunong lang lumangoy pero hindi naman talagang experto... Sht! HINDI SYA MAKA-AHON... kinabahan sya... Palubog sya ng palubog dahil nagpanic sya, parang hindi sya makakampay...pinulikat pa sya dahil nga hindi naman sya handa...
Oh My! Goodbye Earth na ata si Nicole...
Nang may tumalon sa tubig..
.
..
...
Si JUSTINE ANG SUMAGIP SA KANYA!!!
Hindi kasi napansin nina Reggie at Benett ang pagkakahulog nya dahil sa kapal ng mga taong nakapalibot sa kanila. Ang iba ay nagpapapicture.. ang iba ay nagpapaauthograph.. at ang iba ay nakikipagkamay.
Napahinto lang ang lahat at napatingin sa pool ng may tumili...
"N I C O L E !!!"
Lahat ay napatingin sa pool pati na ang mga winners, judges at lahat ng teachers, students at mga magulang.
Pumailalanglang ang malakas ng sigaw at tili ni Marlon.
Gulat na gulat naman si Benett at halos itulak nya ang mga taong nakaharang sa dadaanan nya. Si Reggie naman ay nahihirapang makadaan sa kapal ng taong nasa harap nya.
Inabot ni Benett ang kamay ni Justine habang yapos naman ng isang kamay ni Justine ang leeg ni Nicole. Yoon kasi ang protocol sa pagsave ng life. Pag may nalulunod ay patalikod mo itong yayapusin at sa parteng leeg mo lang ikakawit ang braso mo. Dahil pag hinayaan mong yapusin ka ng isang nalulunod, dalawa na kayo ng sumagip na malulunod. Kasi ang aim ng nalunod ay maiahon ang sarili nya kaya ilulubog at ilulubog nya ang sumasagip sa kanya.
Nang makalapit na sa gilid si Justine ay iniabot nya kina Reggie at Benett si Nicole. Inihiga nila si Nicole sa gilid. Si Marlon naman at Selle ay iyak ng iyak. Si Lea naman ay ngingisingisi lang na umalis sa tabi ng pool at uuwi na.
Hinawi naman ni Justine ang mga taong nakapaligid sa nakahigang katawan ni Nicole para makadaan ang hangin. Pinakinggan ni Reggie kung humihinga pa ito, samantalang si Benett naman ay hawak ang isang palad nito at naluluha na.
Hindi na humihinga si Nicole. Dinama ni Reggie ang pulso at hindi na rin ito natibok! Kinabahan si Reggie. Tumingin sya kay Benett na nakatitig sa kanya at umiling sya na ibig nyang sabihin sa nobyo nito na wala itong pulso at hininga. Pagkatapos ay dali-daling iniangat ni Reggie ang baba ni Nicole. Binuka nya ang bibig. Kailangan nya itong i-CPR. Tutungo na sana sya ng bigla sya hatakin ni Benett at ito ang nagbigay ng blow ng hangin sa bibig nito. Si Justine naman na noon ay nakalapit na ang syang nagpump sa chest ni Nicole pagkakatapos magbigay ng hangin ni Benett.
First try..
Second try..
Third try..
Hindi marevive si Nicole!
Lalong lumakas ang iyakan ng mga kaibigan nila at mga kaklase.
Ito na ba ang katapusan ni Nicole?
_______________________________________________
A/N:
Paano na ang kasal?
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...
