Another fast forward...
4th Year na Sina Nicole:
Sa St. John
Nicole's POV:
Magkasama kami ni Marlon sa school ng may marinig kaming bulong-bulungan sa may pathway.
"Have you heard my bago daw student ang management?" girl 1.
"Oo nga daw. Baket kaya inaccept pa nila eh graduating na?" girl 2.
"Oo nga eh pero malakas daw kasi mga magulang sa Chancellor ng school natin." girl 1.
"Ui.. Marlon.." tinawag ni girl 2 si Bez/Sis/Marlon pagdaan namin sa napakasikip na pathway.
"Yes?" tanung naman ni Marlon kaya napahinto na rin ako sa paglalakad.
"Narinig nyo ba ang balita na may transferee daw ang star section ng Management IV? Nakita daw kasi nung ibang students na may new name sa list sa board?" girl 2.
"Hindi eh. Kadadating nga lang kasi namin." si Marlon.
"Ganun ba? Sige bye! Sabihin nyo samin pag-pogi ha kasi ang sabi boy daw." girl 2.
"Hahaha! Ok no problem :)" sagot ni Bez.
Lumakad na kami ni Bez para hanapin ang section namin ng mabasa ko nga na may pangalang di namin kilala Benett del Fierro...Sino kaya itong Benett na ito? Pero pagkabasa ko ng pangalan ewan ko ba pero parang may kaba sa dibdib ko.
Pumasok na ako sa loob nang maalala ko na pumunta muna sa custodian ng school para malamang kung may available pang locker.
Pagpunta ko doon eh meron pa nga daw available at binigay sa akin ang locker number sa girls dressing area na wala pang nagmamay-ari.
Medyo natagalan ako doon dahil sa dami ng tao sa loob kaya nagmamadali akong bumalik sa room namin.
Pagpasok ko eh andun na ang first subject teacher namin. Hiyang-hiya akong pumasok ng payuko.
"Ah Ms. Nicole, because you were late I would like you to introduce yourself first then you may find your seat at the back when your done." teacher
Kaya hindi pako nakakalampas sa mesa ng teacher namin eh bumalik nako para magpakilala.
"Guys, I'm Nicole Marie Lopez, 19 years old, I live in 306 cattleya st., Brentville." pagkasabi ko nun eh umupo nako sa may dulo.
"Hello!" May bumati sa akin na labis kong ikinagulat na naging dahilan para mamilog mga mata ko. (O_O)
"Hello! Ikaw ba yan Benett?" pigil ang boses na tanung ko. Shocked talaga ako kasi hindi ko akalaing magkikita pa kami ulit.
"Nakakatawa ang itsura mo Nicole.. Napaka-priceless ng expression mo.. hahaha!" natatawang sagot niya na giliw na giliw sakin.
"Eh kasi naman nagulat ako. Anung ginagawa mo dito?" tanung ko na di pa din makapaniwala na si Benett nga itong nakaupo sa tabi ko.
"Are you to listening there at the back?" Patay! Napansin na kami ni Ma'am na tanungan ng tanungan!
"Nothing Mam, I was just asking Nicole about school rules and regulations." sagot ni Benett.
"Just ask her later. Anyway, do you care to be the 4th to introduce yourself here now that all our attention is on you?" teacher.
Tumayo si Benett na nakangiti. "I am Benett del Fierro, 19 years old from UST.."
"So, Benett, baket ka lumipat dito sa school namin na hindi naman kasing kilala ng UST?" classmate girl 1.
"Family reasons. Dito kasi destino ni Dad.." sagot naman niya.
Nagraise ng kamay yoong classmate naming girl na sabi nila eh may pagka flirt...
"Mind if we ask you, are you single and available?" sabi ni flirt classmate.
Ang mga classmate ko lalo na ang girls eh matamang nakikinig at nagaantay ng sagot niya.
"Yes I am single..."
"Ayyiiieee!" tili ng mga girls maliban sakin.
"But just like facebook status : it's complicated!" sabay ngiti rin ni Benett at ngayon eh sa akin na nakatingin.
Ramdam kong namula nako sa hiya.
"Enough. Mamaya na tayo magpapirma ng slumbook kay Benett. You may take your seat." sabi ng teacher namin na nakangiti sa mga kaklase ko.
Umupo na ulit si Benett sa tabi ko na medyo nakasandal sa arm rest ko.
dug..dug..dug...dug
Oh my heart, baket my drum sounds? What is happening to me?
Tahimik na kaming nakinig kay Mam at sa mga iba pa naming kaklase na nagpapakilala pa rin. Pagkatapos nilang magpakilala eh uwian na.. Joke! Hindi uwian, next subject teacher na kaso medyo maaga pa kaya eto kami naiwan sa room na walang teacher.
"Baket hindi ka na nagtext Nicole?" tanung niya.
"Ha? Kasi nahulog sa laot yung cp ko pagbaba namin ng roro.." sagot ko.
"Wow, malas mo naman."
"Eh baket nga pala bigla kang umuwi? Thank you nga pala sa dugong sinalin mo sa akin"
"Wala yoon. Remember ako din naman may kasalanan kung baket ka nabagok. Sorry nga pala."
"Wala na yun, bawing-bawi ka na naman eh".
"Pero sorry pa din kung paggising mo, wala na ako, you know family reasons kasi."
"Ganun ba? Ok lang yoon. Buti na lang talaga at nagkita tayo ulit."
"Oo nga. Anu nga pala bago mong number? Ako na unang magtetext sayo kasi mas maingat naman ako sa fone" natatawang sabi ni Benett.
Idenictate ko yoong number ko at di ko maiwasan na hindi mapatitig sa kanyang sobrang red lips! Hay! Anu ba ito? Kababae kong tao pero parang gusto kong halikan yoong mapupula niyang labi.
Naputol lang kwentuhan namin ng dumating na 2nd teacher namin. Ganun pa din tulad kanina pakilala pa rin. Nakakatawa lang si flirt classmate, yung mga extra nyang tanung kada subject eh halos makabuo na din ng slumbook.. hahaha! May mga tanung sya kung nakailang gf na daw si Benett. Kung may nililigawan daw. Sa next subject naman nung nagpakilala na eh Anu daw ang type nya sa babae?... Doon sa tanung niyang yoon ako medyo naapektuhan na makinig sa isasagot niya.
"Hindi ako mapisikal na tao although yoong past gf ko eh model. Pero ang gusto ko sa babae eh yoong alam kung anu ang gusto nya. Sure siya at nagpapaka-totoo siya sa kanyang sarili." sagot naman niya.
"Last question: Kanina pa namin napapansin na parang matagal na kayong magkakilala ni Nicole. Ikaw ba yoong pinalit niya kay Paul?" flirt girl.
Anak ng tinapay naman itong si Classmate! Grabe! Nakakahiya! Saan naman nito nakuha yoong tanung niyang iyon na pati naman si Ex eh binanggit pa?
**A/N: Please play the youtube video while reading this part.**
Tumitig sa mga mata ko si Benett at sinabing "Nicole and I met sa Galera nung summer with just One Hello!"
Pinaupo na ni teacher si Benett at enough na daw yun. Ako naman speachless... with One Hello? One Hello lang ba yun eh I have given him my virginity? Nu ba yan? Kaya ng umupo siya eh di ako umiimik.
"Ok ka lang? Sino yoong Paul siya ba yoong sinasabi mo dati?" tanung niya sakin.
Tumango lang ako at di na ulit kumibo.
Anu ba itong lalaking ito? Ganun lang ba talaga kasimple yun? Hay nku Nicole, anu pa bang gusto mong sagot eh diba nga wala naman kayong relasyon?Kastigo ko sa sarili ko.
Hay Benett, nakakainis ka! sa loob-loob ko.
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...