Chapter 23

2.7K 35 3
                                    

Nasa bahay si Nicole, wala kasing pasok sa school. Kumakain sila ng family niya ng lunch.  Nagkukwento si Renz, kapatid ni Nicole na nag-aaral ng Architecture sa UST, tungkol sa mga kaklase nito sa Manila.  Nagdodorm kasi ito at tuwing weekends lang nauwi para makapaglaba at humingi ng allowance sa parents niya.  2nd year college pa lang ito pero very independent na sa mga bagay-bagay.   

Kinukwento ni Renz ang buhay-buhay niya duon ng biglang sumingit ang Dad nila.

"Eh Renz, parang hindi ko na nakikita si Micon dito sa bahay na dumadalaw?" sabi ng Dad nila. Si Micon ay girlfriend ni Renz na taga Alabang. Since 4th year sila ay magboyfriend na sila.. 2 years na rin ata sila. Sila na, sila namay lovelife! Heisst!

"Busy po kasi sa school.  Alam niyo naman po yun Nursing kasi kinuha" sagot ng kapatid ni Nicole.

"Minsan iho padalawin mo naman ang batang yun dito.  Miss ko na yung pagmamasage niya sa ulo ko" sabi ng Mama nila.

"Sus, Mama! Andiyan naman si Ate baket hindi na lang po siya?"  sagot ni Renz.

"Ay naku, ako na naman ang nakita mong lalaki ka" sabi ni Nicole na tatawa-tawa.

"Pagkatapos nating kumain kayo na bahala sa mesa" sabi ng Mama nila. Kahit kasi may kasambahay sila, ayaw na ayaw nitong lahat na lang ay inuutos sa kasambahay nila.

"Si Ate po bahala diyan" pang-aasar naman ni Renz.

Naghuhugas na ng pinggan si Nicole ng lumapit si Renz sa kanya.

"Teh, may naghahanap sayo Justine daw?" si Renz.

"Sabihin mo saglit lang.  Papasukin mo muna sa sala." si Nicole.

"Sino yun ate? Boyfriend mo?" tanung ni Renz.

"Kaibigan! Chismoso! Hahaha!" natatawang sagot ni Nicole. Kakamot-kamot sa batok na lumabas na ng kusina ang kapatid niya at sinunod ang sabi niya.

Pagkatapos niyang maghuhas ay pumunta agad siya sa sala at nakita niyang nakangiti ang kanyang Mama at kapatid na kakwentuhan itong si Justine. One thing na parehas sa kanilang tatlo ay mahilig sila sa mga halaman. Nagsheshare sila ng mga knowledge about sa paghahalaman at nagpapayabangan kung anung mga halaman ang meron na sila. No doubt, narinig niya habang nakatayo lang ako sa kinauupuan ni Renz na Agriculture pala ang course ni Benett.

Nicole's POV:

Biglang lumingon sa akin ang katabi ni Renz na si Mama sa upuan, kaya napalingon na din si utol sa likod niya at napatiingin sa akin si Justine.

" I like this friend of yours iha, puno ng sense ang mga sinasabi" puri sa kanya at nakita kong medyo nahihiyang napayuko si Justine.

" Di naman po, nagkataon lang na parehas po tayong tatlo na mahilig sa rare plants"  sagot naman ni Justine.

" Ate, boyfriend mo ba si Kuya Justine?" tanung ni Renz sa harap ni Justine na halatang inaasar ako. 

Sa tangkad ni Justine na 5'10 ata eh para itong batang hiyang-hiyang yumuko.

"Hindi iho. Yoong Benett ata ang boyfriend ng ate mo" sagot ni Mama.

Kitang kita ko ung puzzled look sa mukha ni Justine na para bang nagtatanung na: kilala nila si Benett?  Tumingin lang ako sa kanya na parang sinasabi kong paliwanag ko mamaya.

" Iha, hindi ka na sumagot diyan.  Di ba yung Benett ang boyfriend mo?" ulit ni Mama na nakatingin sa mata ko.

"Naku hindi po Mama.  Kaibigan ko lang po din yoon" sagot ko.

Nakita kong medyo umaliwalas na ulit ang mukha ni Justine. At nagkatinginan ulit kami sa mata.

"So, sino naman yoong Benett, ate?" tanung ni Renz sakin.

"Ay hindi mo pa nga pala nakikita yoon bunso, magalang din ang batang yun at pogi rin.. hehehe"  sabi ni Mama.  Taray ni Mader parang tinedyer na nagsasalita :).

Sumeryoso naman ang mukha ni Justine sa sinabi  ni Mama. Umupo nako sa tapat nina Mama katabi ni Justine ng magsalita pa si Bunso.

"Wow Ate! lumelevel-up ka na? Hindi na puro becky kaibigan mo?" sabi niya.

"Loko ka talaga! Ewan ko nga ba kung baket puro bading mga friends ko. May kaibigan din naman akong babae pero wala akong close friend na maituturing sa kanila" ako

"Ah Justine napadalaw ka?" tanung ko sa kanya.

"Dun kayo muna iha sa may terrace, manunuod ako ng tv" sabi ni Mama.  Kaya tumayo na kami at pumunta sa terrace.

"Bat napadalaw ka?" tanung ko ulit kay Justine.

"Yayain sana kita mamaya sa resort ng uncle ko.  Birthday kasi ng Tito ko. Ok lang ba?" si Justine.

"Wala naman akong lakad kaya sige sama ako" sagot ko.

"Wow that's great! I'll pick you up around 7pm, ok lang" parang batang binigyan ng kendi itsura ni Justine tuwang-tuwa.

"Sige sure!" sagot ko.

Nagpaalam na si Justine na uuwi na. Hinatid ko naman siya sa may gate. Bago siya umalis eh humarap siya sakin at tinanung ako habang nakatitig sa mata ko...

"Paano nga pala nakilala nila Tita si Benett?" tanung niya.

"Actually, si Mader lang kasi wala naman si Renz dito pagnapunta yun may pasok kasi sa UST si Utol" sagot ko.

"Eh panu kayo nagkita? Paano niya nalaman bahay mo? Paanong nagkaroon kayo ng kumunikasyon?" sunod-sunod na tanung niya.

"Actually, lumipat family niya dito sa Laguna at naging kaklase ko siya ngayon" sagot ko.

Tatango-tango naman si Justine sa sinabi ko.  "Okay see you later" paalam niya.

"Ok" sagot ko.  Nagbeso kami at umalis na siya.

Justine's POV:

Anak ng tokwang Benett yoon may kakampi ata yun sa taas. Akalain mong magkita pa ulit sila ni Nicole? Anu ba yan? Kabadtrip talaga. Lalo na yung feeling na parang close na close siya sa mother ni Nicole at napagkamalan pang boyfriend. Kabadtrip lang! Lakas maka-bading!

Actually, kaya ko niyaya si Nicole sa bday ni Tito ko eh para maipakilala siya sa family ko. Gusto ko kasing manligaw sana sa kanya. Hindi naman kataka-taka yun dahil napakaganda at bait naman kasi niya.

Magiging masaya ito.. I'm sure dahil kasama ko mamya si Nicole.

6:30pm na:

6:30pm ng dumating ako kina Nicole. Si Renz ang nagbukas at nagpapasok sakin sa sala nila.  Hindi naman ganun kalaki ang bahay nina Nicole pero napaka-ganda at linis.  

Tinawag na ni Renz ang ate nya sumigaw na andito na daw ako. Maya-maya ay natulala ako.  Isang anghel ba itong bumababa sa hagdan. Syemay! Sobrang ganda ni Nicole. Bat ba kasi ang ganda mo? Syempre tanung ko yan sa isip ko lang.. hehehe..

"Ui natulala ka na diyan?"natatawa si Nicole sakin.

"Ang ganda kasi ng date ko eh.. So-sorry! " nabubulol pang sabi ko.

Confirmed! Mahal ko na ang babaeng ito. Gusto ko ako na lang ang mag-alaga sa kanya. Ako na lang ang mag-mahal sa babaeng nasa harap ko.

Hay baket kasi ang daling mahalin ng isang Nicole?!?  <3

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon