Chapter 18

3.1K 42 1
                                    

A month ago na nung dumating sila galing Puerto Galera.  Nung medyo magaling-galing na ang pumutok na ulo ni Nicole eh balik na naman sila sa pagbar hopping, malling, out of town, and minsan tambay sa bahay ng mga kaibigan.

Sunday ngayon kaya magkasama si Marlon at Nicole na magsisimba sa San Isidro Labrador.  Nagmamadali ang dalawa dahil 12mins. na silang late dahil my inutos pa ang Auntie ni Marlon sa kanya.

Naghahanap sila ng bakanteng mauupuan sa loob ng simbahan.  Napaka-daming tao palibhasa ang simbahan dito sa Binan eh nasa gitna ng palengke, katabi ng lumang munisipyo, at malapit sa plaza.  Napaka-accessible sa madaling salita kaya madaming nakakasimba.

"Excuse me po.  Makikiraan po."  sabi ni Marlon.

"Sis, ingatan mo bulsa mo madaming tao madami din diyan ang nagpapanggap na nasimba lang pero mandudurukot naman." bulong ni Nicole sa kanya.

Alam na alam na ni Nicole yoon dahil minsan ng nadukutan ang Mama niya dito sa simbahang ito.  Dapat idodonate nila yun sa simbahan pero nawala.  Napa-donate sa bulsa ng masamang loob.

Tahimik na nagsimba ang magkaibigan.  

Tapos na ang misa.  Ang mga tao paraang mga langgam na nakapila sunod-sunod palabas ng simbahan.

Pasakay na sila ng sasakyan ng makita ni Marlon ng Nanay ni Paul na may dalang bayong.  Bayong dahil sa Binan, bawal ang plastic bag, cups, spoon, fork at straw.

Kumaway si Marlon kay Aling Mila ( ang nanay ni Paul McBride).  Kumaway din ito dahil ka-close nila ito at mabait ito sa kanila nung panahong sila pa ni Paul. Lumapit sila sa kanya na huminto naman ng makita silang magkaibigan.

"Kumusta na kayo Nicole? Ikaw Marlon?" si Aling Mila.

"Ok naman po.  Kayo po?" nahihiyang tugon ni Nicole.  Naaakwardan siya kasi sa sitwasyon.

"Ayos naman ako.  Si Paul, nagbago na siya.  Sana magkaayos na kayo.."

Sumingit na si Marlon.  "naku, pabayaan na po natin silang dalawa."

Ngayon mas naging akward ang situation.

Tanging nasabi na lang ni Nicole, "Naku imposible na po iyan kasi may kanya-kanya na po kaming buhay."

Tumango-tango naman si Aling Mila at sinabing, "Nagbago na siya Nicole, di na siya pala tambay kasama mga kaibigan nya saka...."

Di na pinatapos ni Nicole sa pagsasalita si Aling Mila, "ang kaso po ayaw ko na po sa anak ninyo.  Masaya na po ako sa buhay ko ngayon. " 

Napatango-tango na lang ito at bakas sa mukha na malungkot siya.  Nagpaalam na itong mamamalengke pa.  Nakipag-besobeso sila at sumakay na sa motor na dala nila ni Marlon.

"Sayang sis noh? Gustong-gusto ka pa naman ng family ni Paul."  sabi ni Marlon.

"Kaso ang problema naman kasi Sis eh mismong si Paul.."  malungkot na saad ni Nicole.

Nakarating na sila sa bahay at nagmovie marathon.  Balak nilang panuorin ang Twilight Series.  Nagmicrowave ng popcorn si Nicole at kinain nila habang nanunuod.

Nanunuod na sila pero naalala pa rin ni Nicole ang mga sinabi sa kanya ni Aling Mila.

Nagbago na siya Nicole, di na siya pala tambay kasama mga kaibigan nya ..

Nagbago na siya Nicole, di na siya pala tambay kasama mga kaibigan nya ...

Nagbago na siya Nicole, di na siya pala tambay kasama mga kaibigan nya ....

" Hay Sis, anu ba ito pabalik-balik sa utak ko yoong sinabi sa atin ni Nanay Mila kanina..." sabi ni Nicole.

"Baket sis?  Mahal mo pa ba?" tanung ni Marlon sa kanya.

Ang tagal niya bago nakasagot ng "Hindi na sis!  Napagod nako sa kanya."

Sa wakas ngayon sigurado na siya sa sarili niya na wala na... wala na talaga siyang pagmamahal kay Paul..

____________________________________________________

Simbahan na pinuntahan nila ----------->>>>>>>>>>>>>>>

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon