A/N: Wow quota agad? Ha! Ha! Ha! Mapapasubo ako nito :) Thank you po sa patuloy na nagbabasa..
___________________________________________________
**Flashback:**
Naputol ang heart to heart talk nila ng biglang bumukas ang pinto at dumating ang halimaw... Oppss! Hindi mumo... Ang ex nyang halimaw ang ugali.. si Paul.
"Sorry baby nalate akong makapunta dito" sabi nito sabay halik sa pisngi ni Selle.
Napatingin ito sa kanya pero umiwas sya ng tingin. Bumilis ang ibok ng puso ni Nicole hndi dahil kinikilig sya, ngunit dahil natotrauma na sya sa taong ito.
"Andito pala ang gf ng pinsan mo" pang-aasar na sabi nito.
"Naku Baby, hindi sya gf ni Kuya Justine, kaibigan lang.." Selle.
"Ows?" pahabol pa ni Paul.
"Oo Paul! Kasi may boyfriend nako." sagot ni Nicole na matalas ang tingin kay Paul ngunit hindi ito nagpatinag.
"At sino naman?" tanong nito.
"Teka Baby, kelan ka pa naging chismoso?" takang-takang tanong ni Selle.
"Pagnagtanong chismoso agad? Hindi ba pwedeng bilang kakilala eh interesado lang?" pangangatwiran pa nito na wala namang natawa sa pinagsasabi nya.
"Oo, nandito sya, may binibili lang.." sagot ni Selle.
Hindi na nakisali si Nicole sa sagutan nila. Kinakabahan sya kasi hindi nya alam kung anung mangyayari pag nakabalik na si Benett..
**End of Flashback**
Nakaupo lang si Nicole sa may upuan ng bantay habang yung 2 namang magnobyo ay mahinang naguusap sa tabi ng hospital bed ni Justine.
Naalala ni Nicole yung mga pinagsamahan nila ni Justine.
Yung una nilang pagkakakilala sa bar na sumingit ito sa pagsasayaw ni Marlon. Sumunod ito sa mesa, nagkakwentuhan sila, doon pa lang naging palagay na loob nya sa kanya.
Yung pagbabantay nito sa kanya sa hospital nung sya naman ang naconfine ng dahil naman sa pagaaway ni Benett at ni Justine.
Yung pagkikita nila ulit sa bar nung birthday nito, tapos hinatid sya sa bahay nila.
Yung pagiingat nito sa kanya matapos syang bastusin ni Paul sa party ng uncle nila ni Selle. Kung bakit ba naman kasi di nya inamin agad dito na si Paul ay yung ex nyang nanakit sa kanya nuon?
Yung masakit na hawak sa kanya ni Justine nung makita nito sila ni Ex nya sa di kanais-nais na sitwasyon.
Lahat yun naaalala nya at di nya mapigilang mapaluha. Maganda man o hindi na mga pangyayari na kasama nya ang pasyente ay nagbabalik sa alaala nya.
Baket ba di sya nagtapat agad dito? May pakiramdam syang isa sya sa mga dahilan ng aksidente nito.
Naputol ang pagiisip nya ng dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto ni Just. Napalingon ang magkasintahang Selle at Paul. Pumasok si Benett at iniabot ang kape sa kanya. Tapos lumapit ito kay Selle.
Napatayo sya kasi nagaaalala sya sa magiging reaksyon nito pagnakita nito ang ex nya.
"Ikaw??" medyo napalakas ang boses ni Benett pagkakita kay Paul.
"Magkakilala kayo?" sabi naman ni Selle.
Kinabahan pa lalo si Nicole kaya kinapitan nya ang nakatalikod sa kanyang si Benett sa magkabilang braso nito.

BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...