Chapter 26

2.6K 48 10
                                    

Dahil meron na akong more than 30 reads sa past chapter ko.. e2 na.. plus 2 chapters.. kaya lang for fans only yung chapter 27.. HOT EPISODE kasi yun.

______________________________________________ 

Benett's POV:  

Andito kami ngayon ni Nicole sa bahay. Dito ko muna siya idineretso kasi ayaw kong mag-alala ang pamilya niya pagnakitang ganito ang itsura niya na mugtong-mugto ang mata kakaiyak. Awang-awa ako sa kanya. Para bang gusto ko lahat ng burdens na dinadala niya ay matulungan ko sya. Lalo na ngayong narealize ko na mahal ko na pla siya.

Tama ang narinig nyo, mahal ko na si Nicole.  

Narealize ko lang yan kanina. Na kahit sobrang nasasaktan na ako sa nakita ko, pero nung nakita kong nasasaktan na sya ng iba, hindi ko napigilan ang sarili kong iligtas siya... saklolohan siya...tulungan sya.  

Paalis na si Mama at Papa kaninang dumating kami. Di man ito ang tamang panahon, pero alam kong wala ng mas magiging tamang pagkakataon para ipakilala na sya ngayon. Pinakilala ko si Nicole sa mga magulang ko. Pagkapakilala ko, dumiretso naman agad sya sa restroom para siguro irefresh ang sarili niya.  

Di tuloy mapigilan ni Dad ang magtanung kung anu daw nangyari sa kanya. Kung gf ko daw ba ito? Di ko agad masagot ang tanung ni Dad pero ang tanging nasabi ko ay "May mga nanakit kasi sa kanya sa school, at hindi ko napigilan ang sarili kong tulungan sya dahil importante sya sakin".

Si Mama naguguluhan sa sagot ko at tinanung ako kung mahal ko daw ba? Mukha naman daw syang mabait kya ok lang sa kanila ni Dad. Si Dad ay sumangayon din kay Mama, dahil alam ng magulang ko na pag may ipinakilala akong babae sa kanila at sinabi kong importante ito,ibig sabihin ay talagang may timbang ito sa puso ko. Saka pangalawa pa lang naman si Nicole sa babaeng dinala ko sa bahay at pinakilala sa kanila.

Alam nilang yung una, si Cyril, eh minahal ko talaga! Sobrang mahal na halos madurog ang pagkatao ko nung naghiwalay kami. Kaya natutuwa din silang makita si Nicole kasi may bago na daw akong pagkakaabalahan, at sa wakas daw ay binuksan ko na din ang sarado kong puso.  

"Bye iha,may pupuntahan kami ng Dad ni Benett. Kung anung problem nyo, sana masolve niyo." paalam ni Mama.  

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon