Chapter 29

2.5K 46 7
                                    

A/N:

Dahil madami npong ngbabasa kaya mag-uupdate ako. 

Thank you for supporting me.. :)

___________________________________________________

HOSPITAL:

Dumating na sila Nicole sa hospital. Ipinagtanong nila sa information kung saan ang room ng pasyenteng si Justine. Halos takbuhin na ni Nicole para lang makarating sya agad dun. Si Benett naman ay nakasunod lang sa kanya.

Pagpasok nila dun ay naabutan nyang humihikbi ang Mommy ni Justine habang yakap ito ng asawa nito. Si Selle naman ay nasa tabi ng kama, at dahan-dahang lumapit si Nicole sa hospital bed na yun na nasa sweetroom. 

Nanghina ang tuhod ni Nicole ng makita nya si Just. Balot ito ng napakaraming bandages sa ulo na halos mata na lang nito ang nakalabas. Ang paa nito ay magkabilang nakasemento at nakasabit sa sling ng kama. Halos maluhaluha si Nicole sa nakitang kondisyon ng kaibigan na espesyal din naman sa kanya.

Lumapit ang ina ni Just at kinapitan ang kanang kamay ni Nicole at marahang pinisil sabay sabing " sana maging maayos din sya Nicole".

Tumingin naman sa kanya si Selle na bakas nyang pinipigil lang mapaiyak.

"Ano kayang nangyari kay Kuya at naaksidente sya?" sabi nito sa kanya.

"Paanong naaksidente sya?" tanong naman nya.

"Ang sabi ng mga pulis ay nahulog daw sya sa bangin at gumulong patagilid ang kotse nya. Napigilan lang daw ng isang puno sa baba ang tuluyang paggulong paikot-ikot ng kotse pababa pa lalo ng bangin" Ina ni Justine.

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon