A/N:
Please vote and leave a comment. Pakiusap po, pa-vote naman po ng chapter na ito.
Thank You!
________________________________________________
Nicole's POV:
Tumawag sa akin si Marlon, my bestfriend, ayon sa kanya andun daw sila ngayon sa bar. At sa hindi nya malamang dahilan ay naabutan daw nyang nagsusuntukan sina Paul at Justine. Sabi nya kung pwede daw ako pumunta dun ngayon. Ilang minuto lang naman ang layo ng bar na yun dito subdivision namin pag-may dalang sasakyan. Niyaya ko naman si Benett at pumayag naman sya.
Dumating kami doon na putok na gilid ng labi ni Justine at si Paul naman ay dumudugo ang gilid ng sentido. My Gosh! Ano bang nangyari sa dalawang ito.
Pagkakita ko sa itsura ni Justine ay naki awat na ako. Tinulungan ko si Sis na awatin si Justine palayo at si Babe naman eh hinihila si Paul palayo katulong ang isang babaeng naka sobrang maikling short. Sa nakita kong itsura nila, parang alam ko na pinagawayan dito.
Nang kapit ko na si Justine sa braso, habang si Bez ay kapit sya sa bewang ay medyo napadistansya na namin sya ng konti kay Paul. Si Paul naman ay nagpupumiglas pa din. Nasiko nya tuloy si Babe sa may sikmura kakapiglas nya kaya nabitiwan sya ni Babe. Nang tinamaan si Babe, ayon na napahinto na sya sa pagkapit kay Paul. Nagdilim na rin ang aura na.
Oh my I smell trouble....
Nabadtrip na si Benett kaya susuntukin nya na sana si Paul kaso sumigaw ako ng "W-A-G!" . Pero huli na, hindi na nya naintindihan ang sinabi ko sinapak na nya si Paul! Natakot ang babaeng may kapit sa kanya kaya nagsuntukan na lang sina Benett at Paul.
Sht! What to do?
What to do?
Bumitiw ako kay Justine dahil kapit pa naman sya ni Sis Marlon para awatin si Babe pero ng bumitiw ako, nakatakas naman mula sa pagkakayapos sa kanya si Justine. Kaya ayun 2 na sila laban kay Paul. Galit ako kay Paul pero ayaw ko naman umabot sa ganito na makita syang pinagtutulungan.
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...