A/N:
Kailangan matapos ko na ito agad kasi may bago na akong naiisip na kwento. Maraming salamat po ulit sa sumosoporta. Mahirap din pala maging author? Dati invite ako ng invite para may magbasa nito, ngayon naman nkakapressure sa dami ng nagbabasa. Kung pwede lang ikwento ko na lang kesa i-type.. hehehe!
God Bless everyone!
________________________________________________
Iniwan si Leah ni Benett. Patuloy pa rin ang pag-iyak nya lalo na ng dumaan sa harapan nya ang ambulansya na sure syang si Nicole ang sakay noon. Hindi man sya ang nakasagasa pero, isa sya sa mga instrumento kaya siguro wala sa sarili itong napatawid. Yaan ang naisip ni Leah kaya sya sorry ng sorry kay Benett. Inis sya kay Nicole at inaamin nya yun pero ang mamatay ito ay kailanman hindi nya makakayanang hilingin.
Dati pa kasi sya inis kay Nicole at ito ay dahil sa inggit. Ang totoo nyan, sabay silang lumaki ni Paul, ang ex ni Nicole. Halos kababata nya ito noon kahit na 2 years ang age gap nila. At lumaon ang mga taon ay napapamahal sya dito.
Birthday nya noon ng imbitahan nya ang mga kaklase nya at mga kaibigan sa isang restaurant na inaarkila ng magulang nya ng magkakilala sina Nicole at Paul. Hindi alam noon ni Paul na lihim nyang minamahal sya simula bata pa lang sya.
Nagpapalakad noon si Paul sa kanya pero ayaw nya kasi nga nasasaktan naman syang lihim sa gusto nitong ipagawa sa kanya. Pero talagang hindi nya kontrolado ang panahon dahil naging magkasama ang mga ito sa dance troupe. Parehas kasing magaling sumayaw ang dalawa. At simula ng ligawan ni Paul si Nicole ay nawalan na ito ng oras sa kanya.
Hanggang lumipas ang dalawang buwan at nalaman na lang nyang sinagot na ng Dalaga ang Bestfriend nya. Doon na nagsimula ang hatred na nararamdaman nya kay Nicole! Bakit sya na matagal ng kilala at kasama ni Paul ay hindi man lang napagtuunan ng pansin nya, samantalang si Nicole na nito lamang nakilala ay nabighani agad ito? Simula noon ay umiwas na sya kay Paul dahil hindi nya matanggap na may nagmamay-ari na sa puso nya.
Lumipas ang tatlong taon at hindi sya nagsawa ng kabubuyo sa mga chicks na magpapansin kay Paul tutal sikat din naman ito at gwapo pa sa kanilang paaralan. At sa ika-15 nyang pagsubok na may tulungang magpapansin dito ay masasabi nyang nagtagumpay sya. Dahil ang tingin nya, napa-ibig ng babaeng yoon si Paul na naging dahilan para itaboy ni Paul si Nicole.
Nung naghiwalay na ang dalawa ay tuwang-tuwa sya. Ang problema, ang babaeng lihim nyang inereto kay Paul ay ayaw ng ibalik sa kanya si Paul. Ang usapan nila ay after a month hihiwalay na si Babaeng nireto nya kay Lalaki pero hindi natupad. Kaya gumawa sya ng paraan para magkahiwalay din ang mga ito.
Nakipagkaibigan na ulit sya kay Paul. Ok na ulit ang samahan nila. Ang problema, nakilala naman ni Paul si Selle. Doon nawalan na sya ng pag-asa. Hindi kasi nya ka-close si Selle kaya hindi nya ito makokontrol. Simula noon ay binura na nya ang pag-asang magkatuluyan sila ni Paul.
Pero dumating naman sa klase nila ang bagong lalaking nagpatibok ng puso nya. Una pa lang nitong pasok sa room nila ay alam na nyang parang may attraction sa kanila ni Nicole. Again, si Nicole na naman na kinamumuhian nya ng lihim ang kaagaw nya.
Ginawa nya lahat ng paraan pero talagang madamot ang kaligayahan sa kanya. Kay Nicole na naman napunta ang taong mahal nya. Kaya't lampas langit na ang naging galit nya kay Nicole. Sobra-sobrang galit.
Galit at inggit na humantong sa ganitong sitwasyon. Pero kahit naman ganoon ang galit nya ay hindi nya naman ginustong mamatay si Nicole mawala lang sa landas nya.
Wala sa sariling naglakad lang sya ng naglakad. Hindi na nya alam kung nasaan na sya. Basta luhaang naglakad lang sya. Hindi nya namalayan na medyo madilim na pala ang eskinitang tinatahak nya.
"Miss... Hoy Miss" may lalaking tumatawag sa kanya. Lumingon sya at ng makitang may apat na kasama ito ay binilisan nya ang paghakbang. Pero sinundan pa din sya ng limang lalaki.
"Oi Ganda..." tawag na naman sa kanya ng isa sa mga lalaki. Tatakbo na sana sya pero hinila sya ng isang lalaki.
Hinila sya papunta sa bakanteng lote na may matataas na damo. Takot na takot sya. Sisigaw sana sya ng suntukin sya sa sikmura na naging dahilan para mawalan sya ng malay.
Nang nawalan sya ng malay ay pinagtulungan syang hubadan ng mga ito at ginahasa. Virgin pa sya pero nawala lang sa taong hindi nya mga kilalala. Nang ipasok na ng unang lalaki sa kanya ang tinatago-tago nitong sandata ay nagising sya. Sumigaw sya kaya tinalian ng ibang kasamahan ng lalaki ang bibig nya.
Parang pila balde ang mga ito sa kanya. Nang matapos ang mga ito ay iniwan sya sa damuhan na hubo't-hubad. Umiiyak sya ng malakas. Ito ata ang karma nya. Bumangon sya sa damuhan habang ang mga mata nya ay hilam ng luha. Pinulot nya ang mga underwear nya, at ng hinahanap na nya ang gown nya ay nakita nya itong nakalutang ng sira-sira sa imburnal.
'Paano ako makaka-alis nito dito?' ang umiiyak nyang tanong sa sarili. Sobrang sakit pa ng katawan nya.
Nang may marinig syang motor na padating. Dali-dali syang umakyat papuntang kalsada. Hindi na nya ininda kahit naka panty at bra lang sya. Tutal hindi naman nya kilala ang dadaan siguro doon.
Pinara nya ang motor na Big Bike pero nilampasan lang sya nito. Sino nga naman ang tutulong sa tulad nyang halos labas na buong kaluluwa nakalabas at napakagulo pala ng buhok. Siguro napagkamalan sya ng driver ng motor na buang! Nawalan na sya ng pag-asa kaya yumuko sya at napaupo sa may ilalim ng puno at humagulhol ng iyak.
Napatigil ang pag-iyak nya ng may parating na namang motor mula sa kabilang panig ng kalsada. At lumapit ang motor sa pwesto nya. Huminto ito sa harap nya at tinanggal ang helmet.
"Leah? Anong nangyari sayo?" tanong ng lalaki na bakas mula sa sinag ng liwanag ng buwan ang pag-aalala sa kanya.
"Ikaw ba yung kaibigan ni Benett?" natanong ni Lea habang lumuluha.
Bumaba naman ito sa motor at lumapit sa kanya.
"Oo, ikaw si Leah diba yoong tumulak kay Nicole noong competition?" sagot ng lalaki na hinubad ang leather jacket at binalabal sa kanya.
"Oo. Ako nga yoong.. huhuhu.. masamang ugaling yon. Si Marc ka diba.. huhuhu? Nakita kita doon na kausap ni Benett bago.. huhuhu... nagsimula laban. Marc diba?" tanong nya na umiiyak pa din.
"Anong nagyari sayo?" tanong ni Marc at tinulungan syang tumayo mula sa pagkakasalampak.
"Nagahasa ako.. huhuhu.. Medyo nakilala ko ang.. ang.. huhuhu.. ang iba sa kanila" sagot nya na umiiyak.
"ANO??? Halika, punta tayong presinto. Ireklamo natin sila. Sayo na muna yaang jacket ko." sabi nito na hinatak na sya papunta sa motor nito.
"Salamat ha.. Ang sakit ng katawan ko.. huhuhu" sagot ni Leah.
"Tumahan ka na. Kumapit kang mabuti at pupunta tayo sa istasyon ng pulis" sagot nito.
Yumapos na sya pagka-angkas dito habang tanging jacket lang ang saplot at kahit sapatos nya ay di na nakuha. Nakayapak syang umangkas dito. Yumakap sya ng mahigpit sa bewang nito at bumulong sa tenga ni Marc ng "Salamat. Maraming Salamat".
Hinawakan naman ni Marc ang kanan nyang kamay na nakayapos sa kanya at pinisil. "Wag mong alalahanin yun" sagot ni Marc at hinawakan na ulit ang magkabilang manibela sabay istart ng motor at umaandar na sila palayo sa lugar na yun.
_______________________________________
A/N:
Kawawang Leah. Si Nicole kaya? Ano na kayang nangyari?
Vote and comment please..
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomanceAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...