Chapter 46

2.5K 31 7
                                    

A/N:

STRONG PARENTAL GUIDANCE IS RECOMMENDED! Ang mga nakasulat po dito ay huwag na huwag tutularan ng bata.

Please be with me until the end of this.. thanks!

________________________________________________________

Iba-iba ang naging reaksyon nila sa naging rebelasyon ng mag-nobyo. 

REACTION NI JUSTINE:

Sobrang sama naman ng balitang pinakawalan nina Nicole at Benett kanina. Parang sinaksak na din ang puso ko. Alam ko wala akong karapatang masaktan kasi kaibigan nya lang ako. Pero anong magagawa ko? Nagmahal lang ako. Hindi ko kasi mapag-sabihan itong puso ko eh. Kahit anong supil ko noong una para sa nararamdaman ko para kay Nicole pero parang ayaw naman nya talagang makipag-cooperate.

Matatandaan ko yoong unang beses na nakilala ko sya noon sa Puerto. Tapos yoong pag-aalaga nya sa akin noong naaksidente ako. Ang halos ilang buwan nyang pag-aasikaso sa akin hanggang sa marating ko ang magandang kalusugan ko ngayon. Nung nag-away sila ni Benett iniisip ko na baka magkaroon na rin ng tyansa na madevelop sya sa akin. Pero talaga atang kumokontra ang tadhana dahil ang kaibigan ko namang si Reggie ang nangligaw sa kanya.

Sa harap nila, nakangiti ako, pero ang hindi nila alam pag-nakaharap na ako sa salamin sa kwarto ko, doon na nagsisimulang tumulo ang luha ko.

Ewan ko ba? Madami namang nagkakagusto sa akin pero tanging si Nicole lang ang nakakuha talaga ng interes ko. Sa tuwing may problema sya, gusto ko sana ako palagi ang nasa tabi nya. Hindi ko alam kung bakit laging mali ang timing ko. Kasi sa tuwing gusto ko sya sanang lapitan para tulungan, malalaman ko na lang na may iba ng nauna sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sadyang mabagal lang ako o talaga lang ayaw kaming pagtagpuin ng kapalaran.

Nakakabakla pero ganoon talaga yata. Ang bawat tao ay may kahinaan. At sa tingin ko si Nicole ang aking cryptonite na syang nakakapag-pahina ng aking kaloobang si Superman. 

May mga babae pa ngang halos ialay na ang kanilang katawan sa aking paanan pero, hindi ko alam kung bakit wala talaga akong mapusuan sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ang aking puso ay isa lang ang kilala at yoon ay si Nicole lamang.

Hindi ba nahahalata ni Nicole na ang bawat kasiyahan nya ay kalungkutan ang dulot sa akin? Alam ko, hindi nya naman yoon gustong mangyari pero anong magagawa ko? Natuto akong maging makasarili ng makilala ng puso ko ang pangalan ni Nicole?

Kanina, hindi ko alam kung talaga bang manhid sila o talaga lang dala ng pagka-inlove nila kaya parang hindi nila halatang nasasaktan kami ni Reggie sa balita nila?

Tulungan nyo ako.. hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko. Nakatitig lang ako sa bintana ng kwarto ko ng may maisip kong plano. Ano kaya kung dukutin ko si Nicole para hindi matuloy ang kasal nila?

Dukutin ko si Nicole...

Dukutin ko si Nicole..

Yaan ang paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko.. Dukutin ko nga kaya sya?

REACTION NI REGGIE:

Nang sumakay ako sa motor ko, hindi ko na alam kung saan ang punta ko. Basta dirediretso lang ako ng pagmamaneho. Napahinto lang ako ng mapansin kong nasa may Tagaytay na pala ako. Ipinark ko ang motor ko at bumaba ako. Umupo ako sa damuhan doon sa gilid ng bangin.

Bakit kaya ganoon? Bakit ba ako nahuli ng pagdating sa buhay ni Nicole? Kung sana nauna lang ako ng dating sa buhay nya kesa kay Benett. Kung sana ako na lang ang nasa lugar dati nung Paul. Natitiyak ko na hindi na sila magkakaroon ng pagkakataon ni Benett na magkakilala kasi pagiigihan ko ang relasyon namin.

Pero may isang bagay lang na medyo naguguluhan ako kanina. Ang biglang pagwawalkout ng kaibigan kong si Justine. Hindi kaya parehas kami ng nararamdaman kay Nicole hanggang ngayon? Hindi kaya mahal pa rin talaga nya si Nicole hindi bilang isang kaibigan ngunit isang babaeng maaring mahalin habang buhay?

Dati akong palikero, babaero, at manloloko ng babae. Pero ng makilala ko si Nicole, itinigil ko na ang bagay na yan. Si Nicole kasi ang tipo ng babae na dapat seryosohin at iharap sa dambana.

Naiinggit ako dun sa Paul. Kahit napaka walanghiy@ nya ay naranasan nyang mahalin ni Nicole. Naiinggit din ako kay Benett. Bakit nagkahiwalay na nga sila ay nakagawa pa rin sya ng paraan para makabalik sa buhay ni Nicole. Bakit ako, sa una pa lang pinaalam ko na ang mabuti kong intensyon kay Nicole pero nakuha nya pa rin akong tanggihan. Sana natuturuan na lang ang puso. Sana para itong isang USB na pwedeng reformat na lang ng reformat. Sana para na lang syang laptop na kada 5 years ay marapat ng paltan.

Sa pagiisip kong yan hindi ko alam natulo na pala ang luha ko. Marunong din pala akong umiyak sa babae? Akala ko ako lang ang marunong magpaiyak? Hindi ko alam na dadating ang ganitong pagkakataon na matututo akong magmahal ng totoo at ako naman ang luluha para sa kanya.

"Ano ba talagang meroon ang Benett na yun na wala ako?" ang parang baliw na pagkausap ko sa sarili ko. Tapos para akong nauupos na kandila na nahiga ng patihaya sa damuhan. Tumingin ako sa kalangitan at kinausap ko ang mga bituin.

"Sana marinig nyo mga bituin ang panalangin ko... sana ako na lang ang nasa katauhan ni Benett... Sana mayroon akong time capsule na magbabalik sa akin sa nakaraan at pipiliin ko ang makilala si Nicole sa panahong bata pa sya. Sa panahong pwedeng ako ang maging kababata nya. Para sa ganoon, mga bituin, hindi na makakapasok ang ibang lalaki sa buhay nya at tanging ako lang ang mamahalin nya"  mukhang nababaliw na pagkausap ko sa mga tala sa langit.

May sumagi sa isip ko....

Ano kaya kung ibangga ko ang motor ko para maaksidente ako at ihiling ko kay Nicole na sya muna mag-alaga sa akin? Katulad ng nangyaring pagaalaga nya kay Justine ng panahong maaksidente ito.

Sa isipin kong yun eh napabangon ako sa pagkakahiga at sumakay na sa motor ko.. Binilisan ko ang pagmamaneho ng motor ko... Alam ko na....Iyan ang huling nasa isip ko ng sandaling ito...

_____________________________________________________

A/N:

Hala anong mangyayari sa dalawang lalaking sobrang nagmamahal kay Nicole?

Matuloy pa kaya ang kasal?

Abangan...

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon