A/N:
Wag ng magdamot, pa-vote naman po dyan... thanks!
_____________________________________________
SA BAR:
Nasa bar silang lahat na sabit-sabit na magkakaibigan. Ang mga kaibigan ni Nicole na mga becky, kaibigan ni Benett na mga boys, kaibigan nina Justine at Reggie, mga gf at bf, at ang mga kapa-kapatid na allowed ng mag-bar. Kaya present din syempre ang kaisa-isang magiging bayaw ni Benett na si Renz.
Nagisang table na lang silang magtotropa. Naging parang isang grupo na lang sila. Inom.. inom.. inom...
Maya-maya ay nagulat na lang ang tropahan ng magsalita ang vocalist ng banda doon...
"This song is dedicated to my dearest friend Nicole... Nicole, thank you for everything! And to her fiancee, Benett, thank you for sharing Nicole to us to be our friend! This song is requested by Justine. Mr. Justine, can you please stand-up and wave at the audience?"
Kaya ang spotlight ay napatutok sa table nila.. Nagpalakpakan naman sila sa mesa nila..
**PLAY THE VIDEO AT THE RIGHT SIDE---->>**
Nagsipagtayuan na ang mga partners sa gitna. Tumayo si Benett at inextend ang kamay sa harap ni Nicole, naghiyawan naman ang mga kasama nila. Tawa naman ng tawa si Nicole at tumayo na.
Ipinatong ni Benett ang mga kamay ni Nicole sa magkabilang balikat nya habang halos nakayakap naman ang mga kamay nya sa bewang ni Nicole. Ang noo ni Nicole ay idinikit nya sa baba ni Benett. Feeling nya, kailangan nya ang warm feeling ni Benett ngayon.
"Babe, sorry ha.. Dahil sa akin napapahamak ka. Dapat inireklamo natin si Lea sa school administrators kanina" si Benett habang ramdam na ramdam ni Nicole ang mainit nitong hininga sa kanyang tenga.
"Wala kang kasalanan doon Babe. Saka hindi na natin kailangan pang ireklamo si Lea. Pag umulit sya, saka na lang. Kasi para sa akin, nauunawaan ko sya kasi ang tanging kasalanan nya ay ang nagmahal sya ng lalaking hindi nakalaan sa kanya" si Nicole.
"Napakaswerte ko sayo Babe. Napakabuti ng kalooban mo. Tao ka ba talaga? Para kasing anghel ka ata" ang nakangiting sabi ni Benett na dumistansya ng konti kay Nicole at nakatitig sa mata nya habang kausap sya.
"Ako ang maswerte sayo Babe. Dahil minsan alam ko kahit hindi mo sabihin, nasasaktan kita pag naglalaan ako ng konting oras ko sa mga suitors kong nangangailangan ng tulong."
"Wala na akong magagawa doon Babe eh. Kasi talagang ginintuan ang iyong puso. Napakabait mo talaga sa kapwa mo."
"Sana nga pag nagsimula na tayo sa buhay mag-asawa ay makabuo din tayo ng isang mabuting pamilya. Maging mabait sana ang mga anak natin".
"Wow! Anak agad? Ilan ba gusto mo Babe?" ang nakangising tanong ni Benett na palipat-lipat ang tingin sa kaliwa at kanan nyang mata.
"Anim ang gusto kong anak. Kasi naman solong anak ka lang. Tapos kami naman dalawang magkapatid lang. Gusto ko ng masaya at malaking pamilya."
"Ayoko Babe. Mahihirapan ka noon. Ang gusto ko mga tatlo lang o dalawa".
"Anim."
"Tatlo".
"Anim nga eh" ang sagot ulit ni Nicole sa pagkukulitan nilang mag-bf.
"Eh kung anim pala ang gusto mo, dapat pala....."
"Anong dapat?" nag-aantay na sagot ni Nicole.
"Dapat simulan na natin mamaya...hahaha!" ang mapang-asar na sagot ni Benett.
"Ah ganon ha.." natatawang sagot ni Nicole habang kinukurot ang tagiliran ni Benett.
Nahuli ni Benett ang kamay nya kaya inilagay iyon sa likod nya mismo. Tumitig ito sa mga mata nya, ganoon din sya. Dahan-dahan lumapit ito sa kanya. Pagkatapos ay hinalikan sya nito sa labi. At sumagot naman sya sa halik nito.
Naputol ang paghahalikan nila ng may kumalabit sa balikat ni Benett. Lumingon naman si Benett at ng makitang nyang si Justine ay nag-paunlak naman ito na maisayaw si Nicole. Iniabot nya ang palad ni Nicole dito.
"Alam mo Nicole, ngayon ko lang narealize na tama talaga ang desisyon ko na ipagparaya ka kay Benett. Kasi napakamaunawain nya. Pagkailangan ka ng naming mga kaibigan mo, walang kaproproblema na nagpapaunlak sya. Sabagay swerte din sya sayo kasi napakabuti mong tao. Salamat Nicole ha?" sabi ni Justine sa kanya na nakatingin sa mga mata nya.
"Ako ang dapat magpasalamat sayo kasi sobra-sobra ang pagmamahal na iniukol mo sa akin. Saka tama ka, napakalawaak ng pag-iisip ni Benett. Maswerte ako at ako ang napili nyang babae." ang nakangiting sagot ni Nicole kay Justine.
"Siguro nga kahit halikan ka namin ni Reggie ay papayag sya." ang nakangisi nitong pang-aasar sa kanya.
"Subukan mo ng maulit ang nangyari sa Puerto.. hahaha!" sagot nya at nagkatawanan na lang sila ni Justine.
"Teka nasaan nga ba si Reggie?" ang napalingon sa mesa nilang tanong ni Nicole.
"Ayun oh. Nasa mesa sa may kaliwa. May kamakeout na dito lang naman nya nakilala" .
"Tsskk..Tsskk.. Sana matagpuan na ni Reggie ang para sa kanya para matapos na iyang kahibangan nya." ang naiiling na sagot ni Nicole.
May nangyari mang hindi maganda kanina pero isa lang ang ipinagpapasalamat ni Nicole. Madaming nagmamahal sa kanya na handang tumulong sa kanya. At paulit-ulit man ay hindi sya magsasawa na ipagpasalamat ang pagbibigay ng nasa Itaas kay Benett sa buhay nya.
Sana lang makayanan nila ang responsibilidad ng panibagong yugto ng buhay na papasukin nila.
________________________________________________________________
A/N:
LEAVE A COMMENT AND VOTE.
BINABASA MO ANG
One Hello!
RomansaAbout a girl na naghahanap ng one true love after a very big heartache. Samahan natin at damayan si Nicole facing her trials,finding happiness and even giving-up her VIRGINITY?!? What?? Even her virginity? Hmmm, lezz see...
