Chapter 27.2

2.6K 45 8
                                    

A/N: May PRIVATE CHAPTER pa po bago ito. Ang chapter na ito ay dedicated sa kanya dahil sa mga good words nya. Thank you!

_______________________________________

Justine's POV:

Hinila ni Benett si Nicole paalis ng school. Naiwan kami ni Paul dito sa malapit na halos sa gate. Tinatanaw ko sila habang palabas ng gate. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko ba nagawa kay Nicole ang ganung bagay? Napakatang* ko talaga! Nadala kasi ako masyado ng emosyon ko. Sino ba namang matutuwa na ang babaeng pinakamamahal mo ay makikita mong kahalikan ng bf ng pinaka-close mo pa namang pinsan? Sht lang diba?

"Anung tinitingin-tingin nyo dyan? Tapos na palabas magsipag-alisan na nga kayo dito" sabi ko sa mga usisera at usiserong nanunuod samin.

"At ikaw na animal ka, ano pang tinatayo-tayo mo dyan?" sabi ko kay Paul.

"Pero magpapaliwanag ako.." sya.

"Ano pang dapat mong ipaliwanag? Lumayas ka sa harapan ko. Ayaw na kitang makita!"

"Pero Justine.."

"Kung ayaw mong umalis.." sabi ko, sabay talikod na. Kabadtrip lang kakulitan.

Sumakay nako sa kotse ko. Bakit nga ba nagkaganon? Ano ba talagang meron sa kanila ni Paul? Sya ba ang dahilan kung bakit ganun ang ayos ni Nicole kagabi nung binalikan ko sya at hinanap?

Putch* naman! Kailangan kong bumalik sa loob ng school nila, kailangan kong malaman ang paliwanag ni Paul.

Kaya bumaba ako ng kotse at bumalik papasok ng school premises. Hinahanap ko si Paul ngunit di ko na sya makita.

Tangn* lang talaga! Sira din tuktok ko eh, kaninang gustong magpaliwanag, ayaw kong pakinggan, ngayon namang wala na, saka ko hahanapin.

Baliw na ata ako!

Kaya lumabas na lang uli ako ng paaralan nila at sumakay ng kotse. Kung saan ako pupunta ay hindi ko alam.

Nagmaneho lang ako ng nagmaneho pero ang utak ko ay lutang. Di ko alam ang daan palang tinutunton ko ay papunta na palang Tagaytay.

Huminto ako sa isang carinderia sa may Silang Cavite para lang magkape.

Habang nagkakape eh nagiisip pa rin ako..Dapat hindi ko yun ginawa sa babaing mahal ko.

Dapat hindi ko sya sinaktan. Kasama pa naman nya si Benett.

Dapat hindi ko sya sinigawan.

Dapat pinakinggan ko paliwanag muna nya.

Dapat di ko sya pinaiyak..

Dapat...Dapat...Dapat...

Walang katapusang dapat..

Pero huli na ang lahat kasama na sya ni Benett ngayon.

Tumayo nako at di na tinapos ang kape ko at tinuloy ko na ang pagmamaneho.

Habang nagdadrive naisip kong tawagan si Nicole. Kahit ano pang paliwanag nya, Kahit masama pa, dapat ko syang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Dinial ko number nya...

The number you have dialled is out of coverage area. Please try your call later.

Sht! Napahampas ang mga kamay ko sa manibela. Nak-off ang cp nya. Paano na ito ngayon? Kasama pa naman nya si Benett! Napakalaki kong tang* talaga!

Nakakita ako ng bar dito at pumarada ako. Umorder ako ng isang strong ice. Iinom na lang ako.

Habang umiinom ako sa may bar at nakaka 4 na bote nako, may lumapit sa aking magandang chick.

"Hi! Alone?" sya.

"Tss.." hindi ko sya pinansin.

"Mind if I join you?"  tanong nya sakin.

Hindi pa rin ako sumagot. Siguro akala nya ok lang kaya umupo sya sa tabi ko. Halos idikit na nya ang bumpers nya sa akin at bumulong sa tenga ko.

"You want to go somewhere else?"  tanong nya.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Maganda pala sya. Pero wala akong ganang makipag-usap kahit kanino ngayon.

Gusto ko lang mapag-isa. Tama! Gusto kong mag-isa!

Tumayo nako. Bumunot ako ng pera sa wallet at binayaran ko na yung nainom ko. Pagtayo ko at tumayo din sya at hinihintay na makatapos akong magbayad.

Nung lumabas na ako ay sumabay na sya palabas. Sumakay ako sa driver seat at tumapat sya sa passenger seat at kinakatok ako na para bang sinasabi nyang buksan ko ang lock.

Imbes na pag-buksan ko sya eh dali-dali akong umatras at umalis na.

Kitang-kita ko pang tinuturo nya ako at galit na galit sya. Di ko sya pinansin at tuluyan na akong umalis. Baket sinabi ko bang isasama ko sya? Sya lang naman ang assuming. Mahirap talaga pag-gwapo at may kotse, habulin ng chicks. Ako na mayabang, pero yun ang totoo.

Inis na inis pa naman ako sa mga feelingera na babae. Hindi tulad ni Nicole na parang hindi nya alam sa sarili nya na maganda sya. Napaka-babang loob na babae. Napakabait pa nya.

Mukhang tang* lang! Si Nicole pa din ang nasa isip ko. Kinuha ko ulit ang cp ko para matawagan sya. Ngunit di ko pa rin sya makontak.

Naiinis talaga ako sa sarili ko. Ginawa kong kontrabida sarili ko. At as usual, si BEnett na naman ang bida. Badtrip kasi ang lalaking yun. Saang impyern@ ba yun nanggaling at bigla na lang sumulpot. Ang alam ko di naman nya kami dapat lalapitan. Lampas na nga sya samin ng makita nyang niyuyugyog ko si Nicole saka lang sya lumapit at biglang inakbayan ang umiiyak na si Nicole palayo sa akin.

Susubukan ko syang tawagan ulit. Kinuha ko cp ko at didial sana ng mabitawan ko ito at napunta ata sa may ilalim ng kotse.

Kapa.. Kapa.. Kapa.. Pero wala!

Kaya tumungo na ako para tingnan kung ssan pumatak.

Nakita ko naman ngunit pag-balik ng tingin ko sa daan, may truck na nagovertake at salubong na salubong sakin.

Pooooooooooooooooottttttttttttttt!

Mahabang busina ang narinig ko kaya kinabig ko ng konti ang manibela pakanan. At dahil sa nagulat ako, napasobra kabig ko at nahulog ako sa bangin.

Umiikot ang paningin ko. Umiikot pala ang kotse pababa. tumigil ito ng humampas sa puno. Napahampas ang ulo ko sa manibela at may lumipad na sanga sa salamin sa unahan.

Boogggsshh!...

Ang bubog nagpuntahan sa akin. Kinapa ko mukha ko at puro bubog yun. Duguan ang ulo ko at ang paa ko naipit sa unahan ng kotse. Hindi tuloy ako makababa ng kotse. Hindi ko mahila ang paa ko. Naliligo na ako sa dugo mula sa noo ko ng biglang magdilim ang paligid at wala na akong maalala...

_______________________________________

A/N: Ito na kaya katapusan ni Justine?

Abangan...

30 reads, 20 votes for the next update. Thanks...

One Hello!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon